Chapter 1

42 8 1
                                    

Engagement

Nagbitiw ako ng isang malalim na buntong-hininga habang nakasilong sa saradong bakery shop bitbit mga gamit na naisalba bago napalayas ng tuluyan ng landlady namin dahil hindi ako nakapagbayad ng renta higit tatlong buwan na rin.

Binitiwan ko muna ang mga gamit para painitin ang nanlalamig kung mga palad kasabay ng kotseng dumaan dahilan upang mabasa ako sa talsik galing sa napundong tubig sa kalsada. Muttering curses under my breath sinundan ko ng masamang tingin ang walang hiyang kotse na yun.

Kinapa ko ang phone ng maramdamang nag-vibrate ito, ng makita ang dahilan kung ba't ito nag-vibrate muntik ko nang matapon dahil sa inis 'dead battery'. Sa lahat ba naman ng araw na ma-deadbatt ba't ngayon pa! Medyo tumila na ang ulan kaya napagdesisyonan ko ng magsimulang maghanap ng matutuloyan pansamantala.

'Room for rent'
After 30 minutes of walk sa wakas nakahanap rin. Sana naman desente at mura itong nahanap ko gutom na gutom na ako malapit na rin mag-alas singko di pa ako nakapananghalian at meryenda.

"Tao po" tawag ko nagbabakasakaling nandito ang in-charge, inulit ko uli at sa wakas may nagbukas ng gate. Isang matandang babae ang bumungad sa akin.

"Ano'ng atin, ineng?" Tanong ni nanay habang tinititigan ako ulo hanggang paa.

"Magandang hapon po nay, may bakante po bang kwarto?" Tanong ko habang sinisipat ang loob

"Meron isang kwarto bakante pa. Gusto mo bang tingnan?" sabi ni nanay at pinapasok na nya ako. Maganda naman sa loob, pero halatang luma na dahil na rin siguro sa katagalan pero aarte pa ba ako sa sitwasyon kong ito.

"1500 monthly, 1month deposit and 1 month advance. Kung may pera ka na ngayon pwede kanang dito tumuloy" sabi ni nanay.

"Ahm, pwede po bang isang buwan lang po muna ang ibabayad ko? Wala na po kasi akong dalang pera ngayon maliban sa dalawang libo sa wallet ko" pakiusap ko habang nagmamakaawa, I had no choice kundi magmakaawa di pa kasi ako nakakahanap ng bagong trabaho. At siguro naawa si nanay minda kaya pumayag na rin kalaunan. Iniwan na nya ako sa labas ng pinto ng magiging kwarto ko ng maibigay na nya ang susi.

Nacharge ko na phone ko at sunod-sunod ang messages na dumating galing kay Leo.

Leo:

Huy ano na? Go ka sa anyaya ko mamayang gabi?

Leo:

Huy bakla san ka na?

Leo:

Ikaw din, wala ka pa naman ding nakikita pang trabaho. Sampung libo ibabayad ko sayo bakla ka, isang gabi lang.

May mga mensahe pang galing sa mga kakilala pero di ko na pinansin. Oh well, about Leo's offer may engrandeng party daw sa mansion ng mga De Vera and his family are invited kaso kailangan nya ng ka-date eh halata namang bakla ang isang yun at hindi alam ng mga magulang nya. Yes, he will use me to pretend in front of his parents. I only met him once and we clicked in that instant, at alam ko na sa unang tingin na lalaki rin ang gusto ni Leo.

De Vera's family owns at least half of this province mga pamilya ng mga abogado at politiko.

Mag-iisang taon pa ako dito sa probinsya na ito and i'm loving the peace it gave me. Walang maingay ng maraming sasakyan they did a very good job preserving it's natural environment.

I guess papatulan ko na lang tong gusto ni Leo dahil wala na rin akong pera.

Ako:

Anong oras?

Nagreply naman agad si Leo na para bang hinihintay talaga ang reply ko.

Leo:

Bitch, nagreply ka na rin! Saan ka ba nanggaling bruha ka at di kita mahagilap?? Galing akong apartment mo at sabi ng landlady mo na-evict ka na raw?? Kaloka ka. Btw, mamayang 8pm ang party at san ka ba para masundo na kita at sabay tayong pupunta sa lecheng party na yan?

Mabuti na lang may mga damit akong feel ko naman eh pwede na sa party'ng dadaluhan, tinext ko na lang kay Leo ang address. 6pm pa so I have 2hrs left to get ready, that will do.

Locked by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon