Chapter 7

12 3 1
                                    

Cebu

Napabaling sa kanya ang fiancée nya ng marinig ito sa kanyang likuran. Agad naman itong ngumiti ng pagkatamis-tamis at lumakad papalapit kay Lorenzo at hinawakan ang braso nito.

"Hello, babe. I'm just here visiting, since I've heard from tita na busy ka raw kaya di ka na nagpapakita sa akin." lambing nitong sagot at tangkang hihilig kay Lorenzo ngunit umiwas ito.

Tatawa na sana ako sa pag-iwas ni Lorenzo, ngunit pinigilan ko dahil sa tingin na masama na pinukol ni Steph na sa akin.

At ano raw? Babe? Pwe ang corny ha.

From the looks of it. Ang babae lang ang may gusto sa mga nangyayari, tungkol sa engagement nila. Ito pa kasi ang nag-effort na makita si Lorenzo. Kung ayaw naman ni Lorenzo bakit hindi sya umayaw? Masunuring anak? O sadyang wala lang talaga sa kanya kung sino pa yan. Di ba sya naniniwala sa kasal dahil sa pag-ibig? Sabagay, mukhang di naman tipo ni Lorenzo ang magseryoso sa isang relasyon. Katuwaan lang siguro sa kanya ang mga babae, dahil alam niyang madali niya itong makuha. With his looks and wealth, all women in this town will clash just to have him. Tsss..

"Who is she?" tanong niya kay Lorenzo habang tinuturo ako at tiningnan ulo hanggang paa.

Naku, kung di lang to bisita baka inirapan ko na to ha'.

Tiningnan naman ako ni Lorenzo. Dahilan ng pagyuko ko, lalo ng alam ko na na alam nya na ang insidente noon sa kanyang  kwarto, di ko na sya talaga kayang tingnan sa mata.

"Prepare your things that can last 5-7days. You will go with me." malamig na saad nito.

Siguro may pupuntahan sila ng fiancée nya.

Tss, baka uunahin na nila ang kanilang honeymoon? Di makapaghintay, Lorenzo? Sabik na sabik? Di ko na lang pinansin ang medyong pait na naramdaman. Siguro dahil to sa nakain kong ampalaya kaninang agahan. Tama.

"O-oh! Where are we going, babe?" manghang tanong ni Steph. Siguro di niya alam na aalis sila ngayon.

At bakit pa ba ako narito sa harapan nila at naririnig lahat ng kalandian nila ngayon?

Di sumagot si Lorenzo kaya napataas ang tingin ko mula pagkayuko papunta kung nasaan sila.

Muntik na naman akong matumba dahil sa titig niya.

Ako ba ang kinakausap niya?

Lito kong tinuro ang sarili ko, dahil di sigurado kung ako ba talaga ang kinakausap niya at dahil di pa rin niya sinasagot ang fiancée niya na masama na naman ang tingin sa 'kin ngayon.

"A-ako po?" tanong ko, binasag ang katahimikan.

"Yeah." sagot lang nito at umalis na.

Sumunod naman si Steph na umirap pa sa akin bago tuluyang humabol kay Lorenzo.

Tulala pa rin ako kahit na nakaalis na sila. Ano raw? Aalis kami? At 5-7days pa! Ayoko!

Di ko nga makayanang makasama sya ng limang minuto sa iisang lugar, magsasama pa kami halos isang buong linggo! At saan naman kaya?

Tuluyan naman akong umalis para magtungo sa kwarto ko. Di naman niya sinabi kung kailan ah. Ngayon ba agad?

Dahil di ko alam kung kailan o saan. Napagdesisyonan ko ng maghanda na lamang, baka isipin niya excited ako ha! Nooo, girls scout ako noon kaya dapat laging handa.

Di ko alam ang damit na dadalhin kaya kahit anong maganda at presentable ang aking daldahin.

"Eliz, nasa sasakyan na si Señorito naghihintay" sabi ni Ann nang bigla na lang siyang pumasok sa kwarto.

Locked by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon