Josef's POV
"Nanay! Tatay!", bati at yakap agad ni Mica kina nanay Lelie at Tatay Tino, nanay at tatay na rin ang tawag niya sa kanila. Nakarating kami ng alas-seis ng umaga sa hacienda. Parang nagbalik ang nakaraan sa lugar kung saan ko unang nakilala si Mica. Pero sa lahat ng magbabalik, si Mica ang hindi.
Pinakilala ni Mica si Nathan sa kanila. Alam niyang kilala ko na sila kaya parang invisible lang ako sa kanya. Sabay-sabay kaming nag-almusal. Tinapa, kamatis, at sinangag, na-miss ko ang pagkaing 'to. Meron ding manggang hilaw at bagoong. Tapos na kumain at naiwan kami ni tatay sa kusina.
"Kumusta na Josef? Maayos na ba ang lagay mo?", pareho naming inaayos ang kinainan.
"Opo 'tay. Salamat talaga kay lolo Rod. Pasensya na 'tay kung kailangan ko kayong iwan ah."
"Masaya kami ng nanay mo at bumalik ka ng maayos. 'Wag ka mag-alala 'nak wala kaming sinabi kay Mica.", tinatapik-tapik ni tatay ang likod ko.
"Mukha nga pong wala siyang alam. Pero hindi ko alam kung bakit ang lamig ng pakikitungo niya sakin simula nung magkita kami."
Natapos ang unang araw ng bakasyon na hindi ko nakakausap si Mica. Kailangan ko siyang maka-usap. Gagawa ako ng paraan. Hindi pwedeng matapos ang dalawang linggo na hindi ko siya nakaka-usap.
Pumunta kami sa ilog kinabukasan. Sila nanay at tatay na ang nag-ready ng lahat ng kailangan namin. Tatlumpung minuto ang ibinyahe namin. Pagdating namin, bumaba agad si Nathan, mabuti na lang at walang ibang tao. Kami lang, solo namin.
"Dude, let's go.", pagyaya sakin ni Nathan at dumeretso agad siya sa ilog. Mahilig si Nathan sa mga ganito. Naroon na rin sa batuhan sila nay at tay. Papalapit si Mica sa sasakyan.
"Mica may naiwan pa ba?", nilapitan ko siya, nakatingin siya sakin pero iniiwasan ako ng mga kilos niya.
"K-kukunin ko lang 'tong tubig", isang galon 'yun kinuha niya sa likod. "Ako na magdadala niyan", tinulungan ko siyang ilabas ung tubig at kinuha na sa kanya para buhatin.
"S-salamat.", kinuha niya un iba pang gamit. Nauna na siyang maglakad. Pero sinabayan ko siya.
"Jae, sandali", Jae kasi nga tawag ko sa kanya, sinabayan ko siya maglakad. Hindi niya pa rin ako kinibo. "Jae, alam mo ba kung gaano ko namiss ang lugar na ito.", tiningnan ko siya at ganun pa rin walang imik. Hindi na'ko nakapagpigil, hinarang ko siya, "Jae, please. Bakit hindi mo'ko kinakausap. Iniiwasan mo ba ako? Sabihin mo, may ginawa ba ako? Ganyan ka na simula nung magkita tayo ulit.", nakatitig lang siya at walang emosyon.
"I said, wag mo'kong tawagin sa pangalan na yan. Mica, Mica ang itawag mo sakin. Or better yet, wag mo na lang akong tawagin.", punta siya sa kanan, hinarang ko. Punta siya kaliwa, hinarang ko. Dalawang beses na ganun.
"Ano ba padaanin mo'ko. Kailangan na'tong mga dala natin.", pahakbang na sana ulit siya pero hinarang ko ulit, "Pwede ba 'wag ka ngang isip bata. Tabi 'jan"
"Tell me Jae, b-bakit ka ba nagkakaganyan? G-galit ka ba sa'kin? Kung oo, b-bakit?", hinawakan ko ang kanang braso niya.
"Bakit hindi mo ba alam?! 'Di ba ito naman ang gusto mo. Tapos ngayon ako ang pagmumukain mong may problema.", maapoy ang mga mata niyang iyon.
BINABASA MO ANG
The Past
General FictionIn just one night, magbabalik sa alaala ni Mica ang pilit kinakalimutan. Alam niyang matagal na panahon na'yun ngunit tila nakatatak na sa isipan niya si Josef. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. She didn't expect to meet him...