Mica's POV
"Kuya bakit hindi ka man lang nagsabi ng uwi mo?! Kainis to.", patampo kong sinabi kay kuya Mike habang nag-aalmusal. Madaling araw na siya dumating ng bahay.
"Eh kasi nga gusto ko i-surprise kayo. Kaso ako ata ang nasurprise.", tumingin ng masama sa'kin si kuya. Hinampas ko siya ng tinidor.
"What do you mean ikaw ang nasurprise?", pagtataka ni daddy habang umiinom ng tsaa at nagbabasa ng morning news.
Nakakaloko pa rin ang mga tingin sa'kin ni kuya, "Oh, bakit ka ganyan makatingin? Anong problema mo?"
"Aysusss! Akala ko ba ayaw mo nang nakikipagdate?", sabay kuha ng mabilis sa pinggan ko ng bacon.
"Kuya akin 'yan eh. Meron pa dun oh, bakit nangunguha ka?!. . . ", medyo may inis sa boses ko, ". . . At anong sinasabi mong date diyan?"
"Enough that, wag na kayo mag-away na dalawa.", saway ni mommy samin ni kuya. "Mike here's some bacon if you want", inabot ni mommy kay kuya ung bacon at kumuha naman siya.
Tumahimik kami bigla, iniisip ko kung anong date ang sinasabi nitong loko-loko kong kuya. Hindi na nga nagpasabing dadating na siya kung anu-ano pa sinasabi. Wala man lang akong pasalubong. Nakasimangot pa rin ako. Then si kuya na ang bumasag ulit sa katahimikan. I heard him sigh so deep before he starts to speak again.
"Haist. Ito po kasing si Mica mukhang lumalambot na ang puso. . .", akmang hahampasin ko sana siya ulit ng kutsara naman napigilan na niya ako, ". . .Ops, ops, ops, 'wag mong ihahampas 'yan. Masakit 'yan."
"Mica stop that, para kang bata sa ginagawa mo niyan.", si mommy. Nag-pout na lang ako.
At itinuloy niya ang pagpapaliwanag. ". . .Actually I've already been here since saturday. "
"Saturday?!!", pagsasabay namin ni mommy
"Anak nung sabado ka pa nandito, then ngayon ka lang umuwi after four days. San ka pumunta?", si mommy kay kuya.
"Sa hotel mom", depensa ni kuya.
"Sinong kasama mo dun ha, kuya?", may kasamang pang-aasar sa kanya.
"Ako lang. Bakit ano ba sa tingin mo? Saka 'wag mo ilihis ang usapan. Ikaw nga 'tong may pagbabago diyan eh. Ahahahahaha."
Tapos na kami kumain pero hindi pa kami tumatayo mula sa lamesa. Pinaghahampas ko pa muna si kuya, kanina pa kasi. Hindi ko alam bakit inaasar ako.
"Itigil mo nga yan Mica, para kang bata, eto na ke-kwento ko na. . .", hawak ni kuya ang mga kamay ko para tumigil sa kahahampas sa kanya. "Ayusin mo 'yang kwento mo kuya ah, bitawan mo na'ko", bumitaw na siya at nagawa pang ngumisi. Sira talaga.
"I've decided to go straight here from airport. Dito ako magtatanghalian. But . . .", pasuspense effect pa.
"B-but?", di makahintay na sumingit si mommy.
"But when I saw dad talking to a guy just outside the house, huminto ako saglit. I stayed in the car. I do not know the guy actually, never seen him before. Tapos, siguro mga fifteen minutes pa then I saw Mica coming out then greet dad and this so called 'the guy'", napa-isip ako agad na si Nathan 'yung tinutukoy niya. That's the day when me and Nathan went out.
BINABASA MO ANG
The Past
Fiksi UmumIn just one night, magbabalik sa alaala ni Mica ang pilit kinakalimutan. Alam niyang matagal na panahon na'yun ngunit tila nakatatak na sa isipan niya si Josef. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. She didn't expect to meet him...