Chapter 10: Project Begins

19 0 0
                                    

Mica's POV

"Welcome to the company Ms. Ruiz"

"It's nice working with you for this project."

"Let's do our best Ms. Ruiz"

         Katatapos lang ng pagpapakilala sa'kin ni tito Rod, President of Vallejos Corporation, sa mga board at sa makakasamang gagawa sa Villa Beach Resort Project niya sa Zambales. Mainit ang pagbati nila sa'kin at lahat nakipagkamayan, kahit bago lang ako parang matagal na kaming magkakilala.

"Welcome, Ms. Ruiz", napatingin ako sa naglahad ng kamay niya sa'kin. Si Josef.

Inabot ko ang kamay ko, "T-thank you, Jo-,  M-mr. V-vallejos.", napakainit ng kamay niya. Ngayon ko lang nahawakan ang kamay niya ng ganito at malapitan pa.

"You're hand's so cold", hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakahawak, I looked directly into his eyes at bumitaw sa pagkakamayan namin, "First time ko kasi. Anyways, I'll do all my best for this project."

"Well, that's good to hear.", nakawala rin ako sa mga matang 'yun, "My personal secretary, Belle", turo niya sa katabi niyang babae, "She will be the one to assist you to your room and for what you need." Tumango na lang ako at nag-smile sa kanya. Bumaling ito sa kanyang secretary ulit at parang may ipinagbibilin.

"I'll take my leave first. Belle take her to her room now.", yun lang at lumabas na siya sa meeting room.

Sinundan ko siya ng tingin palabas pero hindi na ito lumingon ulit. Biglang nag-iba ang aura niya pagdating sa office.

"Ms. Ruiz dito po tayo", pumasok kami sa isang malaking room may apat na table na may tig-iisang personal computer. Pumuwesto ako malapit sa bintana. Nilapag ko ang bag at mga files na hawak ko.

"Naku Belle,  Mica na lang itawag mo sa'kin. Hindi naman ako iba dito. Mas komportable ako kung tatawagin mo'ko sa name ko.", ngitian ko siya at ganun din siya. Inayos namin ang mga gamit na kakailanganin. Maya-maya pumasok ang dalawang lalaki. Si Matthew at si Yvan. Sila ang makakasama ko sa interior designing department. Dalawang taon na sila sa kompanya at mukhang mababait naman sila.

"Ms. Ruiz, tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan kayo", sabay abot sa'kin ng sticky note, nakalagay doon ang telephone number at local number niya.

"Mica na lang Belle.", dinikit ko ang sticky note sa gilid ng PC. "Pero diba nasa 15th floor ka. Eh nasa 8th floor tayo. Kung tatawagin kita, kailangan mo pang bumaba. Pwede naman siguro akong magpatulong sa kanila", turo ko kina Matthew and Yvan

"Yes, ma'am. Pwede namin siyang tulungan.", sabi ni Matthew habang naka-upo sa table niya malapit sa'kin.

"Yun po kasi ang gusto ni Sir Josef, Ms. Ruiz,  ahh este,  Mica po pala. Pero sige sasabihin ko na lang."

          Nakaka-isang linggo na ako sa kompanya at halos nakakasundo ko na rin ang dalawang kasama ko. Palabiro lagi si Matthew, minsan naman ang weird ni Yvan pero okay din siya kasama. Pareho sila magulo. Pero hindi ko pa rin nakikita ulit ang presensiya ni Josef.

Lunch time na pero late na, sa pantry ako kumakain mag-isa. Naka-abang ako sa elevator at pagbukas ng pinto nandun sa loob si Belle, "Hi Belle, lunch mo na rin?"

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon