Chapter 9: Tito Gil

33 1 0
                                    

Ang totoo nyan di ko pa alam kung ano ba talaga ang mamaging parte sa buhay ng mga bida sa kwentong ito, sa buhay ni Jedrick, ako ang isa sa mga tiyuhin niya. May pagka-bipolar man ang pag-iisip ko yun ay dahil sa sobrang stress na naranasan ko noong nabubuhay pa ang asawa ko.

Mahirap talagang makalimot kapag ang gusto mong limutin ay may malalim na alaalang inukit sa iyong isipan. Para itong pilat na kapag iyong nakita ay babalik sa iyong isipan ang mapait na pangyayari noong makuha ang markang ito.

Ang sabi ng makararami ang pagkakaroon ng asawa ay ang isa sa mga masasayang araw na mangyayari sa'yo, masaya ito sa una lalo't alam niyo na sabik kayo sa isa't isa, pero habang tumatagal kayo na rin mismo ang mag-sasawa sa bawat isa.

Ang pagkakaroon ko ng kabiyak ay isang bangungot, isang pangyayari na gusto ko nang kalimutan bawat segundo ng aking paghinga.

Ang akala ko noong una ay masaya pero habang patuloy ang paglipas ng araw, ang aming relasyon ay para nang tubig sa tagong balon habang tumatagal palabo ng palabo.

Kung minsan nga ay naiisip ko sino ba ang may mali sa amin?? Ako ba na sinusunod ko lang naman ang mga gusto niya para hindi matulad ang relasyon namin sa mga magulang ko na nagkahiwalay dahil sa hindi pagkakaintindihan kaya kaming mga anak nila ang nagdusa. Ayoko kung maranasan ito ng dalawa kung anak kaya hanggat maari ay iniiwasan kong magkagulo kami ng Ina nila.

Naging sunod-sunuran ako ina nila nariyan na pag-uwi ko galing trabaho ay paghihinalaan niya ako, na inuna ko pa raw puntahan ang kabit ko kaysa sa tunay kong pamilya, ni minsan nga di ko maisip na gawin yun. Pati na kung minsan kapag may kausap ako sa Cellphone bibigyan niya ng ibang kahulugan.

Nagtataka nga ang mga nakaka-kilala sa akin dahil noong binata raw ay di naman ako ganito na nagpapa-under sa babae pero simula noong nag-asawa araw ako baliktad ang nangyari.

Iniisip ko na lang minsan na gusto ko ng buong pamilya kaya hanggat maaari ay magtitiis ako para sa kanila.

Nagbago ang lahat ng isang araw ay bigla na lang maglaho ang asawa ko, noon pa man ay may bulong-bulungan na mayroon daw itong kinakatagpo pero pikit mata ko iyong binabaliwala dahil ayaw kung magkaroon ng lamat ang relasyon namin. Inaalala ko ang mga anak, sa pwede nilang maranasan kapag nagpaapekto sa mga usap-usap tungkol tungkol kay Linda, pero di ko inasahan na mangyayari ito

Tanging isang sulat ang iniwan niya katibayan na makikipaghiwalay na sya:

Rogelio

Alam ko na noon pa man ay alam mo na, na di kita kayang mahalin magulang lang natin ang magdesisyon na magpakasal tayo, yun ay dahil makasarili sila di man lang nila tayo binigyan ng karapatang mamili, pero alam natin sa isa't isa na mali ang ginagawa natin dahil niloloko lang natin ang ating mga sarili sa isang relasyon na noon pa man ay mali na.

Nagdesisyon akung iwanan ka na dahil naiinis ako sa sarili ko na, araw araw kitang sinasaktan pero ni minsan di mo man lang nagawang magalit o pagbuhatan man lang ako ng kamay sa mga ginagawa ko sayo, alam kong nagpipigil ka lang dahil ayaw mo na mangyari sa mga anak mo ang nangyari sa inyong magkakapatid na mabuhay nang walang umaalalay na magulang, pero gaya ng sinabi ko mas pahihirapan lang natin sila kung magtatagal pa ang bulaang relasyon mayroon tayo.

Wag kang mag-alala aalagaan ko ang mga anak natin, magiging masaya sila sa piling ng bago nilang tatay, pero di ka nila kalilimutan bilang ikaw ang totoo nilang ama wag kang mag-alala di ka nila kalilimutan.

Linda

Doon na nga natapos ang pangarap kong masayang pamilya, natalo ako na di man lang lumalaban.

Magmula noon ay nawalan na ako ng ganang mabuhay, lahat ang mga kamag-anak ko ay pinipilit akong bumangon sa kalungkutang nadarama ko pero ayaw na ng isip ko.

Maging ang tatay ko na nagdesisyon na pakasalan ko si Linda para sa negosyo ay pinipilit akong ipaglaban ang karapatan ko sa pamilya ko, yun ay dahil baka tanggalin ng pamilya ni Linda ang Share nito sa kompanya namin, wala man lang paki-alam sa pinagdaraanan ko, puro sarili lang ang inaatupag.

Naglaho lahat ng sakripisyo't pangarap ko noong iwanan nila ko, lahat ng sakit at pighati ko sa Ina ko mula noong pagkabata ako hanggang ngayon iniwan ako ng asawa ko nagsalo-salo sa utak ko dahilan para mawala ako sa katinuan, kausapin ang sarili, magkulong sa kwarto, gumamit ng ipinagbabawal na gamot, halos patayin ko na ang sarili dahil sa pangyayari iyon, dahilan para di na kinaya ng utak ko.

Kaya ito ako ngayon makalipas ang ilang 9 na taon unti-unti nang nakakarecover sa pagka-baliw ko noon. Pero kung minsan di ko mapigilan ang sarili siguro dahil na rin sa lungkot. Kaya ang dapat kung isipin baka bigla na lang bumalik ang mga anak ko kailangan makita nila ako ng disente at maipagmamalaki sa iba.

Iniisip ko na lang na si Jedrick muna anak ng bunso kung kapatid ang pansamantala kung anak tutal kasing edad naman sya ng panganay ko.

Iniisip ko nga kamusta na kaya ang pamilya ko masaya kaya sila ngayon?? Nag-aaral ba sa magandang school ang mga anak ko?? Kumakain kaya sa tamang oras?? Minsan di ko mapigilan dala na rin siguro ng lungkot nang mag-isa!.

°°°°°°°°°°°°°°

Di ko na alam ang gagawin ko may nakatutok na sa aking patalim anu mang oras ay pwede ko itong ikapahamak ayoko ko pang mamatay marami pa akong pangarap sa buhay, kailangan ko pang-matupad ang pangarap na maging Author, magrelease ng mga libro.

Ipinikit ko ang mga mata ko upang mag-usal ng dasal sa isip ko, kaya naman lalong dumilim ang paligid, habang patuloy ako sa pag-darasal yung tao nasa likod ko, na nakatakip pa rin ang isa niyang kamay sa bibig ko at ang isa ay may hawak na kutsilyo ay unti-unti inilalapit ang bibig niya sa tenga ko kaya naman isang napakataas ng boltahe ng kuryente ang unti-unting gumapanh sa buo kung katawa at may ibinulong

"matatakutin ka pala" turan niya sa bosea na parang nang-aakit

Matapos niyang sabihin yun ay nakaaninag ako ng parang liwanag di ko alam kung namamalik mata lang ako o totoo ngang may bumukas ng ilaw....

Chapter 10 sundo po ninyo

Ang pagsuko ay ginagawa lang ng taong kayang lumaban pero natatakot lang masaktan ng lubusan.
-FutureSelf-

Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Katty WattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon