Chapter 6: Dream Seller

42 2 0
                                    

Napagdesisyunan ko pumasok ng maaga, pero bago ako pumasok ay inayos ko muna ang buong bahay para pag-gising ni Rej maayos na nakakahiya naman kung siya pa ang gagawa nito nakikitira na nga lang ako kaya kailangan kung makisama. Hindi naman porket na magkaibigan kami ay aabusin ko na ang magandang kalooban nila ng Mama nya.

Nilinis ko muna ang kusina, pagkatapos ay nagluto ako ng almusal para sa aming dalawa alam kong may pasok sya ngayong araw kaya gigising na yun maya-maya. 7:35 pa lang naman noong tinignan ko ang relo na nakasabit sa pader. Natapos na akong magluto pero di pa rin bumababa si Rej talagang pagod ito kahapon. Pagkarating ng galing kung saan ay deretso na sa kwarto niya di ko na namalayan kagabi kung kunain pa ba siya kasi matapos kung mag-ayos ng bahay ay pumunta na rin ako sa kwartong tinutuluyan ko, palagay ko naman di na sya kumain kasi ganun pa rin karami ang ulam na naiwan.

Nagpasya muna akong maligo para kung sakali pagtapos ko ay baka gising na ito.

Pumasok na ako sa Comfort Room at naligo, habang nasa loob ako ay naramdaman kung may naglalakad sa may parteng kusina, inisip ko na naka si Rej na ito kaya nagpatuloy na lang ako sa pagligo.

Nagpatuloy ako sa pagligo pero habang tumatagal ay lumalakas ang ingay na nililikha ng tao sa labas kumpiyansa akong si Rej yun, "Rej kung nagugutom ka na kumain ka na lang dyan nagluto na ako ng almusal natin, wika ko habang patuloy sa pagsabon sa katawan, pero walang sumagot tanging malakas na ingay ang nangibabaw sa buong kusina. Kaya naman minadali ko ang pagligo para alamin kung sino ang lumilikha ng ingay.

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis para lumabas na kahit hindi pa ako nakapaglinis ng maayos ay minadali ko na ang pagligo, pakiramdam ko nga ay may sabon pang natira sa katawan ko.

Nang lumabas ako ay laking gulat ko ng makita ang isang di pamilyar na tao na lumilikha ng ingay. "Sino ka? " tanong ko sa lalaki, tumingin lang ito nang masama sa'kin at pinagpatuloy ang ginagawa ingay, para itong isip bata sa ginagawa niya pero kung susumahin naman ay mga kasing edad lamang namin ito, matanda lang siguro ng isa o dalawang taon, matangkad, maganda ang pangangatawan, makinis ang balat kita dahil sa wala itong suot na pang-itaas na damit, maputi, mapungay ang mga mata, kaya di mo naman mapagkakamalang magnanakaw dahil sa maganda nitong anyo, "Magnanakaw ka ano??" Muli kong tanong pero hindi pa rin ito sumagot, inilinga-linga ko ang paningin sa kabuuan ng kusina para makahanap ng bagay ba pwedeng ipanlaban sa kanya sakaling lumapit ito sa akin o kaya pang taboy sa kanya. Nakita ko ang isang lubo sa likod ng washing machine di kalayuan sa kinaroroonan ko kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng tubo bawat hakbang ay kalkulado para hindi ako makagawa ng ingay na magiging dahilan para makuha ko ang atensyon ng istrangherong lalaki abala pa naman ito sa paggawa ng ingay. Nang mahawakan ko ang tubo ay akma akong tatakbo papunta sa lalaki para hampasin ito pero laking gulat ko na nasa likod ko na pala sya kaya sa sobrang gulat ay napaupo ako, at nakita kong pasimple itong ngumiti sa nangyari sa akin, at nagulat ako sa sumunod na nangyari bigla syang dumikit sa'kin na parang gusto akong halikan, kaya naman bigla akong napako sa kinauupuan ko hindi ako makakilos habang papalapit na nang papalapit ang kanyang mukha sa sarili kong mukha, ilang pulgada na lang ay maglalapit na ang mga mukha namin ipinkit ko ang mukha ko at ramdam ko ang mabango niyang hininga kahit na bago itong gising halata mo talaga na hindi sya basta basta sino lang malamang kilala ito ni Rej hindi naman ito basta makakapasok ng bahay dahil naisara ko lahat ng lock sa pintuan. " Oh Katty,Timmy anong ginagawa niyo dyan.??" Noong marinig ko yun ay doon lang bumalik sa ulirat ang isip ko, pagtingin ko sa pinanggalingan ng boses ay nakita ko si Rej na nakangiti. Natatawa siguro dahil sa posisyon namin ni Timmy yun ang sabi niya malamang sya yun.

"Re rej " pautal-utal kong sabi, gising na pala.

"Oo kanina pa nagising ako dahil sa ingay na nagmumula rito"

"Ah yun ba !?? Kagagawan yun noong lala" at hinanap ko ang lalaking kanila lang ay nanggugulo sa rito, nakita ko syang papaupo sa lamesa at kumuha ng towel na ipinangtakip sa hubad niyang katawan.

"Ah si Timmy ba" nakangiting sabi ni Rej " hayaan mo yang pinsan kung yan may sira talaga utak niya akala niya siguro drums ang mga gamit dito"

"Pinsan ??" Gulat na sabi ko sa kanya

"Oo sya ang sinundo ko kahapon kaya maghapon akong wala rito nauna lang akong umuwi kaya hindi mo sya naabutan."

" ah ganun " sabay tingin sa lalaking nakaupo sa hapagkainan

Matapos namin mag-usap ay nagtungo na kami sa lamesa para kumain tahimik ang lahat habang kumakain, pero hindi kong mapigilan ang minsang mapatingin sa lalaking kaharap ko. Natapos kaming ganun katahimik parang di magkakakilala, nang maligpit ko na ang lahat ng kalat ay nagbihis na ako ng uniform para makapasok na, hindi raw muna papasok si Rej dahil kailangan niyang samahan ang pinsan na mamili ng mga gamit. Mamaya pa namang 3pm ang simula ng pasok ko pero kailangan kong pumasok ng maaga para hanapin yung nawawala kung keychain, napaka-importante sa akin noon.

-----------

Kasalukuyan akong nakaupo sa mga bakanteng upuan sa hallway ng St. Francis University iniisip ko kung paano ko mahahanap ang keychain pumasok ako ng 10am kanina para maghanap sa football field pero walang kahit na anino ng gamit na hinahanap ko. Nagtanong rin ako sa loss and fund pero wala raw nagdala ng ganoong bagay baka raw may nakakuha na at sinarili na lang, paano mangyayari yung eh! Pagmumukha ko ang naroon di naman siguro nila bibigyan pa nang panahon yung bagay na yun eh mga anak mayaman ang nag-aaral dito.

Tumingin ako sa orasan may isang oras pa ako para maghanda sa klase ko, wala ring masyadong estudyante sa hallway dahil oras ng klase.

Tutal naman mahaba pa ang vacant hour ko nagbasa-basa na lang ako ng mga notes ko, nang mapansin napansin ko ang isang lalaki na hirap na hirap sa mga dala nitong libro bukod kasi sa may dala itong bag ay may bitbit pa itong mangilan-ngilang libro sa magkabilang kamay, naisip na mukha siyang matalino dahil nakasuot ito ng eye glass na palagi nating naaassociate sa matalinong tao kapag naka-eye glass. Sa sobrang dami nitong hawak ay di na nito napansin ang pagbagsak ng isang libro dahil sa nakita ko naman ang pagkahulog ay nilapitan ko na, para ibigay sa kanya pero hindi niya yata napansin ang nahulog na gamit kaya nagpatuloy lang ito sa paglalakad, noong hawak ko na ang libro ay inihabol ko ito sa kanya pero medyo malayo na ang nararating niya pero tanaw pa rin sya ng paningin ko, di rin ako naririnig kahit na tinatawag ko sya sa pamamagitan ng pagtawag ng "kuya yung libro" pinagtitinginan na nga ako pero baliwala iyon, natigil lang ako sa laghabol noong harangin ako ng isang babae.

"Ate patulong naman survey lang po kailangan lang sa report namin" wala ang pokus ko sa kumakausap sa akin dahil pilit kong tinatanaw ang lalaking may ari ng libro pero naglaho na ito bigla.

Tumingin ako sa nasa harapan ko mukhang freshman ito dahil bago ang mukha at parang Nene pa ang ayos, kinuha ko ang papel na inaanot niya at sinagutan, nang matapos ay nagbalik ako sa kinauupuan tinignan ko ang libro may title itong Dream Seller mukhang maganda basahin pero di naman sa akin kaya kailangan kung dalhin ko na lang ito sa loss and fund office mamaya baka importante ito sa pag-aaral noong lalaki.

Opportunity play one's life at significant time, having it is a sign that you are the lucky person has the chance to change tomorrow.

-FutureSelf-

Vote, Comment.

Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Katty WattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon