Chapter 7: Football Field

45 1 0
                                    

Tapos na ang mahabang buwan na naging ulirang pamangkin din ako kay Tito Gil, at ngayon ay tapos na yun, di ko na kailangan pang-umuwi ng maaga para lang maalagaan sya at magulo ang gising tuwing umaga para lang maipaghanda siya ng pagkain dahil kung hindi, asahan mo nang magwawala na naman ito. Dumating na kasi sina Mama at Papa mula sa business trip.

Kaya ngayong umaga nagdesisyon muna ako na magleave sa trabaho sina Mama at Papa sila muna ang bahala sa business namin, kailan ko rin talagang mag-relax dahil sa pag-aalaga sa tiyuhin kong iniwan sa akin.

Ang una kong gagawin ay ang muling maglaro ng paborito kung sport football, niyaya ko na ang mga dati kung kaibigan dito sa St. Francis University, ang SFU ang sintang paaralan ko sa college hanggang ngayon nga kabisado ko pa ang Mission and Vision nito, palagi kasi yun lumalabas sa mga examination namin, ang dahilan daw ay para maisabuhay namin ang layunin ng paaralan, talagang maisasabuhay namin ito dahil apat na taon itong laman ng exam namin extended para sa mga 5 years course, may code na nga ito Miss Vi. kaya mga francisian lang ang makakarelate kapag pinag-uusapan si Miss. Vi.

Matapos akong magpasa ng leave of absent sa kompanya ay dumiretso na ako sa St. Francis open ito sa mga studyante kahit graduate ka na basta may I.D ka nila pwede kang makapasok.

Habang nandito ako sa football field ng school at hinihintay ang iba na dumating dahil may class pa raw, naglakad-lakad muna ako malawak si ang field mga kasing sukat ng Araneta, fresh air kaya tamang-tama na makakapag-relax ako kahit sandali.

Habang binabaybay ko ang kabuuan ng field nakita kong muli ang puno na paborito kung pagtambayan years ago itong puno lang na ito ang nakakaalam ng mga problema ko sa noong college, sa mga kaibigan, Professors na sobra ang pinapagawang activities at sa lahat na pwedeng maging problema ng isang ordinary college student.

Napansin ko na mas malago ang mga dahon nito kaysa noon. Nakita ko rin na may mga nakaulit na kung anu-ano sa katawan nito, mga " Tao talaga pati mga puno di pinapatawad" mahina kung sambit.

Muli akong naglakad at sa di kalayuan ay may nakita akong isamg kumikinang na bagay, dala na rin siguro nang mataas na araw kaya ito kuminang, nilapitan ko ito at nakita ko ang isang key chain, pinulot ko ito at nakita ko roon ang isang picture, ng dalawang babae mukhang personalize, sino kaya sa dalawang babae ito ang may-ari.

At sa di kalayuan narinig ko ang isang pamilyar na boses " Jed, long time no see" nilingon ko ang tumawag at nakita ko si Ambross isa sa mga kaibigan ko dapat sabay kaming gagraduate nito kaso tumigil noong nasa sophomore na kami may personal reason daw kaya di ko na inalam. Buti nga't nakapag-patuloy pa sya sa pag-aaral alam ko naman di pera ang problema dahil mayaman naman sila.

"Ambross, Pare kamusta mukhang lumalaki tayo ha!" Sabi ko sa kanya noong nakalapit na ako.

"Di ka pa rin nagbabago hanggang ngayon baliw pa rin yang maliit mong utak"

"Wow pare, makapanglait ha! Ganun na lang sige ikaw na matalino, ikaw na ikaw na pinagpala ng malaking utak" sarkastikong sagot sa kanya.

"Sorry ka yun lang ang maipagmamalaki ko sa'yo ang katalinuhan ko, talo mo ako sa maraming aspeto sa sport sa business, at sa diskarte sa chicks lahat yun napunta sa'yo"

"Pasensya ka pare, wala yun ang asset ko, pero maiba ako Bross tapos na ba klase mo?? At mukhang maglalaro ka ha!? Gusto mo ba muling makaramdam ng pagkatalo?" Tanong ko sa kanya na may kasamang paghampas sa braso niya.

"Di mo alam mo alam pare kung paano ako nag-handa sa araw na to, alam kung matatalo na kita"

"Pare seryoso ka ha! Sige anung pusta mo? "

"Tulad ng dati"

" OK deal" sagot ko ay sabay batok sa kanya sabay takbo pabalik sa posisyon kung nasaan ang mga gamit ko.

"Siraulo ka talaga, Jed!!"

2nd year High school kami nagkilala ni Ambross naweweirduhan nga ako sa kanya noong una kaming magkita, transfer kasi sya galing America, balik bansa kasi ang pamilya nya dito sa Pilipinas.

Marami kaming classmates na ilag sa kanya sa kakaiba niyang mga kinikilos, kaya nga di ko alam kung paano ko to naging kaibigan, pero I know everything works with a purpose at isa na siguro doon ay ang maranasan kung magkaroon ng kaibigan di madaling mapikon, kakaiba kasi sya sa lahat ng mga kaibigan ko.

Habang tumatakbo ako pabalik di ko namalayan nadala ko pala yung Key Chain sa kamay ko. Kaya ginawa ko inilagay ko na lang ito sa bulsa. Nang makarating ako sa base kung nasaan ang gamit ko. Nakita ko ring ayos na ang team ko handa nang maglaro, at nang tignan ko ang team nina Ambross ay nakita ko na kakarating pa lang niya hingal na hingal, kumaway ako sa kanya at nagulat ako sa ibinalik niyang sagot, isang saradong kamao, simbolo na naghahanap talaga sya nang away.

Nagsimula ang laro at sa una ay lamang ang team ni Ambross napansin ko rin na dumagsa na rin ang mga estudyante sa paligid ng field isinisigaw ang pangalang ng mga player na gusto nila,

Napansin ko na madalas ang pagpapahinga ni Ambross kaya di kami magtama sa laro, sa huli ang hinirang na panalo ay ang team ko, sa una lang pala sila magaling. At bago kami umalis sa school at nag-usap muna kami ni Bross

"Pare alam mo na !? Usapan ay usapan alam mo na kung saan mo ipapadala ang reward ko."

" Oo na ! Babawi kami di pa ito ang huli " sagot niya sa akin na may halong pagbabanta

" Bross masyado kang seryoso, bahala ka maaga kang tatanda niya sige ka"

Pero di ko pa natatapos ang pagsasalita ko ay isang malakas na batok ang naramdaman kung dumapo sa ulo ko si Bross gumanti at siya ngayon ay kasalukuyang tumatakbo palabas sa Field papuntang parking area. Di ko na nagawang humabol kasi narinig kong nagtatawanan na ang mga kateam ko.

"Pre wala ka pala kay Mr. Nerdy binatokbatukan ka lang pala ee" pang-aasar noong isa

"Oo nga Jed" sulsol ng isa pa sabay tawa.

Di ko na lang sila pinansin sanay na naman ako sa mga kabarkada kung to, bagkus ay lumabas na ako at nagdesisyong umuwi muna wala pa namang 7 ng gabi, may usapan pa kami ni Nina. Kailangan kong makipag-ayos sa kanya, di ko kasi sya nabigyan ng panahon nitong mga nakaraang araw.

Lesson learned by the people who knows how to acknowledge his mistake.
-FutureSelf-

Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Katty WattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon