Chapter 12: Back to Normal

86 3 0
                                    

Matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa sakit ng puso na naramdaman dahil sa ginawa ni Nina, ngayon ay masayang bumangon si Ambross, mula sa ilang oras na pagkakatulog napagtanto niya na wala namang maganda maidudulot sa kanya ang pagmukmok dahil sa niloko lamang sya ng taong minahal niya ng lobos at naging inspirasyon niya para harapin ang kinakaharap na sakit ilang taon na ang lumipas.

Masaya nitong inihahanda ang mga gamit na dadalhin para sa ilang linggo bakasyon sa Palawan, tutal bakasyon na rin naman kaya wala nang kailangan pang-alalahanin pa sa school, kasama niya sa bakasyon si Jed at ang ilan pa nitong mga kaibigan.

➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡

Sa bahay naman ni Rej ay kasalukuyang abala si Timmy sa pakikipag-usap sa ina, kinukulit na naman sya nito tungkol sa pag-aaral nito ngayon pasukan. Kung tutuusin wala na naman kailangan pang problemahin sa mga papel ang dapat isipin nito ay ang tuition na ipambabayad.

Si Rej naman ay kasalukuyan din nag-aayos ng mga gamit na dapat dahil sa training nito bilang Tourism student, bali wala syang mararanasang bakasyon dahil sa training ngayong bakasyon.

Nagpasya si Timmy na pumunta sa Palawan sa huling pagkakataon bago siya magpatuloy sa pag-aaral dito sa Pilipinas. Tutal wala na syang makakasama dito dahil umuwi na rin si Kat sa bahay nila, kahit papaano ay nagkaayos na ang mag-ina.

Kasama rin pala sya sa bakasyon ni Timmy, sagot na raw ng pinsa ko lahat ng gastos kabayaran daw sa mga panti-trip niya rito.

Tumingin si Rej sa relo at 7:39 na ng umaga kailangan ay nandito na sya dahil baka malate sila sa flight ng 11:00 minsan pa naman traffic papuntang Airport.

Nang matapos ko nang ayusin ni Rej ang mga dadalhin ay kinausap nito si Timmy na kasalukuyan nang nag-aalmusal.

"Tim, tawagan mo na lang si Rej ha! Baka malate kayo, aalis na ako, at wag mo palang kalimutan isarado lahat ng pinto, ganun din ang mga switch ng kuryente mahirap na lalot summer pa naman ngayon, baka mag-cause pa ng sunog yun" Pagpapaalala nito sa pinsa.

"Ok dudes, wag kang mag-alala gagawin ko yan, nga pala, dudes kung nag-aalala ka tungkol kay Katty wag kang mag-alala, aalagaan ko yun para sa iyo"

"Naku! Ikaw Tim, ha! Dumadamoves ka naman ha! Alalahanin mo kaibigan ko yun at kapag sinaktan mo yun, kahit na pinsan kita di ako mag-dadalawang isip, na bugbugin ka" Pagbabanta nito.

"Ikaw masyado ka! Wala akong balak na ligawan yun no!, natutuwa lang ako sa personality mayroon sya remember the night na nagprank ako sa kanya, tawa talaga ako ng tawa noong time na yun kahit medyo lasing ako dama ko yung takot niya noon, at yung pag-aalala niya sa'yo nang makita kang nakahandusay sa lapag"

"O.K di na mahalaga yan basta ingatan mo ang bahay bago kayo umalis." Muli nito paalala.

Nang mga sandaling iyon ay papunta na sa bahay ni Rej si Kat dala na nito ang mga gamit na dadalhin para sa bakasyon, buti na lang at pumayag ang Mama niya na sumama siya kundi sayang naman yung ticket na binili para sa kanya.
Ilang linggo na rin pala mula ng umuwi sya sa kanila, sinundo na ng mama niya dahil napagtanto na raw niya ang pagkukulang sa kanyang mga anak, pinalayas na rin yung lalaking kinakasama, puro na lang daw pasarap ito nakadaragdag lang sa kailangan pa niyang problemahin, yun naman talaga ang dapat na noon pa ginawa ng mama niya. Lumipat na rin sila ng tirahan, at sa ngayon ay abala ang ina sa pagbabantay sa tindahan nila. Pinahiram kasi sya ni Tim ng maliit na puhunan para naman daw may pagkakitaan nilang pamilya, kahit papaano pala ay may kabaitan ding itinatago ang mukong.

Nang makarating sa bahay ni Rej ay nakasalubong nito ang kaibigan, madami itong dalang gamit naalala ko na ngayon na pala ang simula ng training nito sa mga airlines.

"OH! Rej aalis ka na?" Bungad kong tanong

"Oo friend kailangan maaga ako doon, kasi baka raw pasakayin agad kami sa eroplano para alamin kung may takot kami sa heights."sagot nito.

"Ah ganun ba!? Sige mag-ingat ka palagi doon wag kang mag-alala sa bahay at pinsa mo ako na bahala doon"

"Ah sige sige friend, mauna na ang ganda ko, alagaan mo si Tim doon ha!" Pang-aasar nito.

"Matanda na yun di na kailangan pa ng gabay ng Diyosang tulad ko" sabay hawi ng buhok.

"Nako naglolokohan na lang tayo rito, aalis na lang kaysa may masabi pa akong iba." Sabay yakap nito sa akin.

Inantay ko munang makasakay ng Taxi si Rej bago ako pumasok, sa loob.

➡➡➡➡➡➡➡

"Jed mag-iingat kayo doon, ha summer ngayon maraming tao doon, di na baling mawalan ka ng mga gadgets wag lang ikaw ang mawawala" Nag-aalalang nito bilin sa anak.

"Ma di ito ang first time ko doon, I've been there for so manny time kaya you don't have to worry" Makahulugan nitong turan sa ina.

"Basta don't forget the pasalubong"
Muli nito, paalala sa anak.
Kasalukuyan nang nasa loob ng sasakyan si Jed at paandarin na lang niya ang sasakyan pero kinukulit sya ng Mama niya kaya di sya makaalis, nang paandarin na nito ang sasakyan ay napansin niya ang pag-silip ng Tito Gil sa pinto. Pero nagtuloy-tuloy na lang sya sa pagmamanahe.

➡➡➡➡➡➡➡➡

Abala rin ng mga sandaling iyon si Nina, may gagawin kasi itong photoshoot sa Palawan kaya, maaga pa lang ay naghahanda na ito ng mga gamit na dadalhin, mahirap na ang mapagalitan, napakasungit pa naman ng manager niyang Bekla.
Dapat maaga siya sa inaasahan nito.

Bigla na lang nitong naisip si Ambross kamusta na kaya yung lalaki na yun. Mukha di niya ako napapatawad sa nakita niya sa restaurant ilang buwan na ang nakakalipas. Alam kong mahirap para sa kanya yun pero sana may pagkakataon pa akong makausap sya bago ako bumalik ng New York para sa naiwan niyang modeling career doon.

➡➡➡➡➡➡➡➡➡

Sina Nina, Ambross, Timmy, Rej, Jed Katty ay walang kaalam alam na magkakasama lang pala sila sa iisang Eroplano, magkakalayo man ng pwesto magkakalapit naman ang kanilang mga mundo. Magkakasamang sosolusyunan ang problema na ni sa panaginip di nila naisip. Talagang mapaglaro ang tadhana para sa kanila, O baka sila ang naglalaro ng kanilang tadhana. Dahil ba sa trahedyang nangyari maaayos ang ano mang samaan ng loob, dahil din ba sa pangyayaring ito magkakaroon sila ng mga pagpapahalaga sa mga nangyayari at mga tao sa paligid nila? Abangan

Itutuloy.

Vote, Comment

Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Katty WattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon