Chapter 5: Wattpad

71 2 0
                                    

Matapos ang mahabang araw ko sa University kanina ay sa wakas, nakauwi ako ng ligtas. Totoo siguro yung mga sabi sabi na kapag nasimulan ng kamalasan ang araw mo tuloy-tuloy na ito hanggang sa matulog ka. Sa University kasi kanina napagtripan na naman ako, Yung mga gamit ko sa locker, nawala lahat mga reference books, test paper, notebook at ang pinaka-importante sa lahat yung regalo ni Rej sa akin na key chain sobrang importante sa akin yun, ito ang unang regalong natanggap ko nung graduation namin sa high school una kasi sya lang ang tanging tao na nagbigay sa akin ng regalong ganon, alam mong mahalaga ka sa kanya kaya binigyan ka nya nang regalo. Iba naman kasi kapag-christmas party kasi kailangan mo talagang magbigay ng regalo kasi nakakahiya sa counter part mo kung di ka magbibigay. At tradisyon na yun kaya di na surprising, at kung bakit ito napakahalaga sa akin personalize kasi yun nandoon yun picture namin noong graduation noong Elementary kami, medyo guilty nga ako kasi wala akong naibigay sa kanya tapos sya mayroon tapos ngayon nawawala pa,bago naman ako umuwi ay nakita ko yung mga gamit ko sa malawak na field ng University nagkalat iyon roon pero ang pinaka-importanteng bagay na bigay ng kaibigan ko wala. Bukod pa sa mga gamit ko na nagkalat sa field ay mali ako ng numbering sa test paper ko kanina kaya naman ayon out of 75 items na exam 29 lang ang score ko, dapat kasi exempted na ako sa exam kaso late na ako nakapasok kaya ibinigay yung slot ko sa iba. Pati pagkain ko di pinatawad ng mga classmates ko.

Naku!! po kung ganito ba naman ang mundong gagalawan ko sa apat na taon kung pag-aaral ng Mass Comm.

Akala ko kasi noon di uso ang mga bully kasi di ko pa nararanasan yun pala kailangan munang magcollege ako para maranasan, kasi noon wala namang ganyang sa school na pinapasukan namin ni Rej noong high school mga anak mayaman din naman yung iba pero mapagkumbaba tapos ngayon kung kailan college na matured na mag-isip ang mga kasama mo tsaka ko pa naranasan, palibhasa kasi mga anak mayaman kaya di marunong makipag-kapwa tao sa mga mahihirap. Pero kakayanin ko to para sa pangarap ko at sa kinabukasan ng mga kapatid ko kakayanin ko!!.

Kasalukuyan akong nag-lilinis ng bahay nina Rej kung saan ako pansamantalang nanunuluyan nang mapansin ko ang laptop na nakalagay sa ilalim ng unan sa sopa alam kung kay Rej yun kaya pinakialaman ko na kinuha ko ang charger sa ilalim ng maliit na lamesa katabi ng sopa isinaksak ko ang sa laptop at sa saksakan ng kuryente inantay ko lumabas ang pulang ilaw na ibig sabihin ay nag- chacharge na. Pinagpatuloy ko ang paglilinis habang nagchacharge ang laptop. Ayos lang naman kay Rej na gamitin ko ang gamit niya kasi minsan ko nang nahiram to noong may project kami, ayos lang naman daw sa kanya di naman nya ipinagdadamot ang mga bagay na mayroon sya basta ayusin lang ang gamit.

Nang malinis ko na ang lahat magpasya muna akong magluto para pag-uwi ni Rej ay sabay na kaming kakain tumingin ako sa Ref. ng pwedeng iluto mayroon manok gulay at kung anu-ano pa, kinuha ko ang manok para magtinola na lang. Nilinis ko to at hiniwa mga limang piraso lang ang kinuha yung kasya lang sa aming dalawa ibinalik ko sa ref ang natira at niluto ang manok.

Makalipas ang mahigit isang oras ay tapos na akong magluto at linisin ang ang lahat ng kalay, tumingin ako sa orasan magaala-syete pa lang maaga pa naman aantayin ko na lang si Rej, bumalik ako sa sala para tigna ang laptop na kanina pang naka-charge, full charge na pala kaya binunot ko na ito at binuksan may Internet connection naman dito sa bahay nila kaya nagpunta agad ako sa facebook para i-check ang notification at wala naman importante sa mga notif. ko kaya nag-log out na lang ako, nagbukas ako ng youtube at pinakinggan ang kanta ni Ed Sheeran na Thinking out Loud sobrang ganda talaga ng kantang to para kang inuugoy sa duyan ng boses niya napakasarap sa pakiramdam.

"So honey now, take me into your loving arms" sabi niya sa kanta kung ako ikakasal sa mga panahong to ito ang kanta habang naglalakad ako papuntang altar tapos si Ed Sheeran mismo ang kumakanta. Sigurado akong kakaingitan ako ng lahat dahil sikat na singer ang kumakanta sa kasal ko.

Habang patuloy akong hinaharana ni Ed Sheeran nagbukas ako ng bagong tab at nagtype W A T T P A D . C O M kailangan kong i-check ang ginagawa kong kwento ang #Let'sPlayMove-On apat na kwento ito ng magkakaibang tao pero may iisang mission na gustong gawin sa buhay ito ay ang kalimutan ang nangyari sa kanila sa nakaraan ang unang kwento ay kwento ni Kennedy na nangyari sa buwan ng September, Shiela para sa October, November para kay Gwen At December para kay Allen.

Nang lumabas ang site may 5 notification agad kong binuksan di naman tungkol sa kwento ko, tungkol sa kwentong sinusundan ko ang Pahina man ang Pagitan nag-update ang author kaya nagkaroon ako ng notification thank you author, maganda kasi ang kwento historical at Modern kaya maganda ang twist kaya idinagdag ko sa library ko. Tinignan ko kung ilan na ang reads ng kwento ko na mayroon nang 10 chapter sa dalawang episode 1, 212 pa lang noong huli kong bukas mayroon itong 1,134 ibig sabihin mau nagkaka-interest na basahin ang kwento ko kahit papano.

Sa Wattpad ako nagsusulat ng una kung kwento kasi alam kong ito ang tanging paraan para matupad ko ang pangarap kong magkalibro, karami na kasi akong nabalitaan na natupad ang pangarap nila dahil sa Site na ito nagkaroon ng mga libro sarili nilang at sarili nilang pelikula na kwento nila ang ginamit.

Isa sa mga nakalista sa bucket list ko ay ang magkaroon ng sariling libro pangarap yata yan ng lahat ng estudyanteng kumukuha ng kursong may kinalaman sa pagsusulat. Ito kasi ang pinaka-magandang paraan para sa amin na maipakita ang pinag-aralan namin.

Nagpasya akong gumawa ng panibagong chapter sa kwentong ginagawa ko.

Habang nag-iisip ako ng pamagat sa chapter na gagawin ko biglang bumukas ang pinto at lumabas roon si Rej mukhang pagod.

" Rej kamusta? Bakit ngayon ka lang?? Kumain ka na ba??" Salubong ko sa kanya.

" Di pa may pagkain ba tayo?"

"Sakto mayroon nagluto ako ng tinola tara kain na tayo" bago kami dumiretso sa hapag ay tumungin sya sa lamesa sa sala nakita niya ang laptop na kanina ko pa ginagamit " ay Rej pinakialaman ko na yung galit mo di na ako nakapag-paalam kasi wala ka naman naiinip na kasi ako."

"Ayos lang, bilisan mo lang kasi kakausapin ko si Mama mamaya may kailangan kasi akong sabihin"

"Ah ganun ba sige gamitin mo na di naman mahalaga yung ginagawa ko."

Nagtungo na kami sa Kitchen para kumain at kita mo kay Rej ang gutom dahil sa naka-dalawang ulit itong kuha ng kanin, saan kaya galing tong kaibigan kong to bukas ko na lang kakausapin pareho naman kaming may pasok.

P.S

Yung mga kwento nabangit po kanina ay sarili kong kwento

Sana po ay masuportahan nyo rin. Pareho po itong on-going

Anu mang hadlang ang nakaharang sa daraanan natin patungo sa tagumpay, tandaan mo na walang mahirap sa taong matatag ang kapit sa kanyang pangarap
-futureSelf-

Vote na rin please.

Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Katty WattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon