Chapter 10: Timmy

20 1 0
                                    

Ipinikit ko na lang ang mata ko, alam kung madilim ang paligid lalo pang dumilim noong isinara ko ang aking mga mata, kasabay noon ay ang taimtim kung pag-usal ng mga dasal.

Maraming mga bumabagabag sa isipan ko ng mga sandaling yun, isa na roon, sino kaya yung nakahandusay sa lapag, panginoon ko sana wag naman po si Rej marami pang bagay ang pwede niyang gawin sa mundo, at sino ang taong ito na nakapasok sa loob ng bahay ni Rej, ano na kaya ang nangyari sa mga taong nandito!??.

Marami pa akong pangarap pero mukhang dito na yun matatapos, di pa ko nakakapag-publish ng sarili kung libro wala pa kung nagagawamg tulong sa naghihirap na pamilya mayroon ako. Dios ko sana naman di pa ito ang katapusan ng buhay ko. Patuloy kung tahimik na dasal, alam kung di niya ko pababayaan, buong puso akung nag-titiwala sa kanya.

Mga ilang minuto rin kaming sana ganoong posisyon. Tanging katahimikan ang bumabalot sa buong paligid.

Naramdaman kung lumapit ang bibig ng lalaki sa tenga ko at may ibinulong itong "MATATAKUTIN KA PALA!?? " sa paraang animoy nang aakit kinilabutan ako at parang may kung anong kuryente ang mabilis na gumapang sa buo kung katawan.

Matapos niya iyong sabihin nakaramdam ako na parang lumiwanag, kinabahan ako ng mga sandaling yun, iniisip ko na baka nasa langit na ako, ganito kasi yung mga napapanood ko sa Television liliwanag ng sobra at kapag natauhan ka na sisipatin mo ang paligid, makakakita ka ng maraming usok na parang naghugis langit, tapos ay may lalabas kung saan at magpapakilala na siya ang bantay sa lugar na kinaroroonan mo.

Noong naramdaman ko na may liwanag, unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko, nag- adjust pa ang mga mata ko sa liwanag ng paligid, at nang malinaw ko nang nakikita ang lahat bumulaga sa akin ang katawan ni Rej na nakahandusay sa sahig, samantalang nakita ko sa reflection ng salamin sa hara ko ang reflection ng lalaking si Timmy ang pinsan ni Rej, may hawak itong bread knife sa isang kamay na nakatutok sa'kin nakatawa ito habang ang isa pa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa nag-ngangalay kung bibig

Ilang sandali lang ay binitawan na niya ako at magsalita

" Just Kidding, peace,peace,peace, Magbibiro lang ako Katty" sabay tumba sa sahig mukhang lasing yata kasi kanina ko pa naamoy ang hininga niya noong nasa likod ko pa siya at noong binulungan

Noong bitawan niya ko ay dali-dali kung nilapitan ang nakahandusay na katawan ni Rej pinulsuhan ko ito at humihinga pa naman, wala namang bakas na sinaktan si Rej, tinapik takip ko ito para magising habang himbing na natutulog, mukhang lasing din.

Ang ginawa ko, inalalayan ko na lang to sa kwarto niya. Pinalitan ng damit at inayos ang pagkakahiga. Muli akong bumaba para sana alalayan si Timmy papunta sa isang guest room alam ko sya muna ang kasalukuyan gumagamit noon dahil ito na lang naman ang sobrang kwarto rito. Pero pagbalik ko sa sala wala na sya doon, siguro pumunta na kwarto niya, kaya ang ginawa ko kumain na lang ako nang pagkain na kanina pang-umaga di naman ako masilan sa pagkain, mabuti na to kesa walang makain. Marami pa naman akong kailangang tapusing assignments at write -up. Pagkatapoa kung ayusin ang lahat ay pumasok na ako sa kwarto ko at nagsimula nang gumawa ng mga dapat gawin.

Naisip ko lang yung nangyari kanina! Paano kaya kung hindi lang biro yun! Kaya dapat talaga siguro palagi tayong handa sa lahat ng oras para kung ano man ang mangyari kaya nating protektahan ang sarili natin, at kailangan ko ding kausapin si Timmy kahit na di ko pa sya personal na kilala dapat mapag-sabihan sya sa mga trip niya, dapat di yun kinukonsinte dahil mali, kaya bukas na bukas din kakausapin ko sya.

°°°°°°°°°°°°°

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ko sa sopa, at nang maramdaman kung nasa mali akong tulugan ay pinilit kong tumayo at pumasok sa kwartong pinapagamit ng Mama ni Rej, pinsan ko si Rej at dito muna ako pinatuloy ng Mama ko, balik bayan ako mula Canada, at kababalil ko lang kahapon, dito ako lumaki at noong nasa grade 5 na ko ay nagpasya ang pamilya namin na tumira sa ibang bansa.

Kilala ko si Katty noon pa kasi sa iisang school lang kami nag-aaral noong elementary pero di nga lang ako close kay Rej kaya di kami nagkakilala ng matagal.

Tawang tawa ako kanina sa ginawa ko sa kanya para talagang hino-hostage sya kasi sobrang lakas ng kanyang kaba at damang dama ko yun. Kaninang umaga rin ay sobrang takot niya noong makita niya akong nagkakalampog sa kusina, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat noong lumabas ito ng Comform Room.

Nang makapasok na ako sa kwarto ay dumiretso ako sa C.R para maligo, hinubad ko ang suot kung pantalon, wala na rin naman akung suot na damit pang-itaas kaya underwear na lang ang suot ko, tinanggal ko na rin iyon at binuksan ang shower bumuhos sa katawan ko ang malamig na tubig mula sa shower dahilan para tuluyang magising ang natutulog kung diwa. Patuloy lang sa pag-agos ang tubig, habang sinasabon ko ang aking katawan, at nang matapos ang mga ritwal ng taong naliligo ay nagbanlaw ako ng katawan at lumabas na roon.

Nang matapos na akong magbihis ay nagpasya na akung matulog pero isang tawag ang pumigil sa akin para gawin iyon. Tinignan ko ang Cellphone ko na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama.

"Si Mama tumatawag na naman" mahina kung sambit. Ginawa ko ay pinatay ko na lang ang cellphone at pinatay ang lamp shade at natulog na, kanina pa kasi sya tawag ng tawag wala namang sinasabing bago. Parang dalawang araw pa lang akong nahihiwalay sa kanila, sila naman ang may gusto na bumalik ako rito para raw may kasama ang pinsan ko dito ko na rin daw ituloy ang huli kung taon sa college.

Bukas ko na lang sya kakausapin, inaantok na rin naman kasi talaga ako, sobra akong napagod sa ginawa namin ni Rej kanina sa Mall at Pagpunta namin sa Star City sobra kong na-miss ang pagsakay sa mga rides doon.

Hopia

Minsan pagkain,
Minsan Ikaw

Hangin

Minsan earth element
Minsan ikaw.
-FutureSelf-

Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Katty WattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon