Chapter 8: Key Chain

34 1 0
                                    

Matapos kung maigarahe ang kotse ay pumasok na ako sa bahay at napansin ko ang dalawang bagong kasambahay na kinakausap ni Mama, may dala pa itong mga bag kaya malamang ay kararating lang din ng mga ito.

"Oh Jedrick mukhang pagod na pagod ka ha? " bungad niya sa akin nang makita niya akong papasok nang bahay.

"Medyo po Ma!" Turan ko habang naglalakad papunta sa pwesto nila hinalikan ko si Mama sa kanyang pisngi. " Ma sila na ba yung mga bagong kasambahay??"

"Oo anak! Sila yung ipinadala ng agency na kinukuhanan natin ng empleyado tiwala naman ako sa agency kaya pinagsimula ko na agad sila, by the way Manang Minda at Dulor ito nga pala ang anak kong si Jedrick nag-iisa naming anak ng Sir ninyo" pakilala niya sa dalawa.

"Magandang gabi po si Sir Jedrick" magkasabay ba turang ng dalawa habang nakangiti.

"Magandang gabi rin"balik kung sagot

"Jedrick kumain ka na muna bago ka pumanik sa kwarto mo naghanda na ako ng hapunan." Pang-aalok ni mama sa akin

"Sige po Ma!! Pero dadalhin ko lang yung gamit ko saglit sa taas."

"Ikaw ang bahala"

Kaya naman dali-dali akong pumanik sa taas para ilapag ang mga gamit na dala ko mula sa football game kanina, pagtapos ay para akong si flash na bumababa sa hagdan papuntang dining area para maghapunan.

Habang kumakain ay napansin kong tahimik ang tito Gil kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan niya " tito kamusta po ang araw niyo masaya po ba??" Pero wala man lang akong natanggap na sagot mula sa kanya.

"Jed anak!, Hayaan mo na ang Kuya Gil alam mo namang moody yan" sabi ni Mama na noon ay kasalukuyan nagsasandok ng ulam na ilalagay sa kanyang plato.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain, pinakikiramdaman ang mga tao sa paligid ko kung mag-oopen ba sila ng topics na pwede naming mapag-usapan man lang, pero natapos na kaming lahat kumain tahimik ang lahat, siguro dahil na rin wala si Papa ngayon sya kasi ang number one na madaldal kapag nag-sasama-sama kami sa hapag kainan.

Ako na rin ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin, hindi ko na inasa kay Mama kasi alam kung pagod na ito, yung mga bago namang kasambahay di ko muna pinakilos bukas na lang nakakaawa naman alam kung pagod pa yung mga sa biyahe, sanay naman ako sa mga ganitong gawain kaya di na ako mahihirapan.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kasalukuyang nag-babrowse ng Instagram habang nakasandal sa board ng kama. Habang patuloy ako sa scroll at pahapyaw na binabasa ang mga post ng mga taong pina-follow ko. Napansin ko ang post ni Ambross 4 hours ago.

Isang picture ng libro ang Picture at may caption na I dreamt and that dream will start if I find this book #Missing #Dreamseller

Napaka-bookish talaga ng lalaki na yun, kaya nagtataka talaga ako kung sa paanong paraan kami nagkasundo ng lalaking ito. Kung 2 hours ago ibig sabihin bago kami maglaro ay nawawala na yung libro niya. Di nya naman bibigyan ng pansin yung libro kung di mahalaga sa kanya. Marami naman itong libro kaya malamang ganun kahalaga ang libro sa kanya.

Habang patuloy sa browse naalala ko ang napulot kung bagay kanina, kaya dali dali akong bumaba sa kama at kinuha ang suot kung short kanina, kinuha ko roon ang Key Chain saglit kung tinitigan at naisip ko na mahalaga ito sa may-ari dahil sa personalize ito alam ko naman di ako mahihirapan sa paghahanap sa may-ari dahil alam kung taga St. Francis to.

Kinuhanan ko ng picture ang key chain at ipinost ko ito sa account ko.
To the one who misplace her personal thing I found it!, and I know you're looking for this.
Hoping to see you soon #looking #IHope #KeyChain

Matapos ko iyong post ay nagpasya na akong matulog masyadong mahaba ang araw na ito.

°°°°°°°°°°°°°°°

7 pm na noong tingnan ko ang suot kung relo. Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng mga sandaling yun papunta sa bahay ni Rej, pagod dahil na rin siguro sa marami akong ginawang school activities na itinapos kanina sa klase, biglaan ang lahat kaya effort na matapos ito ngayong araw.

Matatapos na naman ang araw na di ko man lang nakita yung hinahanap ko, may bukas pa namam walang susuko.

Naalala ko na di pala pumasok si Rej dahil kailangan daw niyang samahan ang pinsang si Timmy sa pamimili ng mga gamit nito, malamang doon din yun titira, maganda nga yun kasi may kasama na kaming lalaki.

Habang naglalakad ay naalala ko ang librong nahulog ni kuya, nakalimutan ko palang dalhin yun sa loss and fund office kanina, bukas na lang siguro

Nandito na ako sa harapan ng bahay ni Rej at makita kung sarado ang ilaw sa buong bahay, siguro ay di pa umuuwe yung dalawa.

Pagpasok ko ay isinara ko yung gate may sarili kasi akong susi yung susi ng Mama ni Rej ay ipinahiram muna sa akin. Noong nasa main door na ay nagtaka ako kung bakit nakauwang yung pinto, binali wala ko na lang at tuluyan akong pumasok, pagkapasok ko ay kinapa ko ang switch ng ilaw at na mahawakan ko at pindutin ay walang ilaw na bumukas, naisip na baka brown-out pero tumingin ako sa labas may ilaw naman yung mga kapitbahay.

Ginawa ko ay kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bag para sa flashlight habang hinahanap ko sa bulsa ng bag ko ang cellphone ay isang malamig na hangin ang biglang dumaan sa katawan ko, kaya bigla ako nakaramdam ng takot, alam kung hindi ito horror story pero sa mga readers hindi ko kayo tinatakot pero nararamdam ko talaga na may tao nakatingin sa akin, itinigil ko ang paghahanap ng CP at pinakiramdaman ang paligid tahimik ang buong bahay pero maririnig mo kahit kaunte ang ingay ng mga bata na naglalaro pa sa gabi, mga ilang minuto rin akong stock sa kinatatayuan ko at nang maglakad ako para tignan ang main switch, laking gulat ko nang biglang may nagtakip ng bibig ko at di pa nakontento pati mga mata ko ay tinakpan, nagpupumiglas ako para makawala sa pagkakahawak niya pinipilit kong sumigaw pero parang ako lang rin ang nakakarinig ng isagaw ko yung mga kamay ko ay ipinangpapalo ko sa katawan ng taong nasa likod ko at naramdaman kung wala itong damit pang-itaas dahil sa tuwing papaluin ko ito ay nararamdam ko ang balat niya.

Tinanggal noong tao ang kamay niya na kasalukuyan nakatakip sa mata ko at ipinanghawak niya iyon sa kamay ko kaya lalo akong di makakilos, habang patuloy ako sa pagpiglas ay may kung di umanong nakapa ang paa ko sa lapag, pakiramdam ko ay taong nakahandusay, lalo akung kinabahan kailangan kong lumaban baka si Rej yung nakahiga at baka kung ano nang nitong taong ito sa kaibigan ko, lalo akong nagpumiglas hanggang bitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at may di umanong matulis na bagay ang dumikit sa tagiliran ko sa hinuha ko ay kutsilyo iyon.....

ITUTULOY

Study every words of encouragement

-FutureSelf-

Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Katty WattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon