Isa

344 7 0
                                    

"You are Fired!"

"You're fired!"

"fired!!!!"

"Boba, simpleng bagay hindi mo magawa, you're fired!"

"Get out and don't ever come back here!"

Lumabas ito ng office na naka pamaywang

"Tawagan ang HR at sabihin baguhin ang requirements ng mga nag aapply na sekretarya!" sigaw niya

"Aaaayst ang aga aga ang init init ng ulo mo!"

Napalingon ito sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo rito?"walang kagatol gatol niyang tanong

"Boring sa office, puro na lang lapis at papel ang hawak ko. Alam ko kasi kapag nagpunta ako rito, tyak na exciting!"

"F*ck you!" minura niya ito tyaka bumalik sa loob ng kanyang opisina

"Harder" pilosopong sagot ni Adam

....Knock....... knock......

"Sir wala na pong applicant, mukhang naiparating ng mga natanggal ang tungkol sa pag fired nyo sa kanila"

"Dublihin ang sahod, tignan lang natin kung wala pang mag aapply. Hanggang salita lang naman ang mga yan, kapag nalaman nila ang kanilang sasahurin ay tyak na susunggaban nila agad yun. Mga babae talaga, pera lang ang gusto!" aniya sabay higop ng kanyang wine

"Ezequel Alegrio, kailan ka mag aasawa kung galit na galit ka sa mga babae?" ani Adam

"Kahit huwag na lang. Mabubuhay ako kahit walang babae sa mundo ko" ani Zeq

"Tignan lang natin Mr. Cold Ceo. Baka sa huli eh kainin mo rin yang sinabi mo" pagbibiro ni Adam

"Kahit anong sabihin mo, hindi magbabago ang isip ko sa mga babae. " ani Zeq

"O baka naman kaya ayaw mo sa mga babae eh lalaki ang gusto mo?" biro niyang tanong.

"Ito ba yung sinasabi mong exciting? You're totally insane......" aniya pagkatapos ay nilapitan niya ito at para silang nasa wrestling arena. Pareho silang napahiga sa sahig at nagtawanan pagkatapos.

"Ezequel Alegrio, ano tong nabalitaan ko sa office, hindi ka ba nagsasawa kaka fired ng sekretarya mo, pang ilan na yung huli. Hundred and forty?" sarkastikong tanong ni Armando

"Dad, they'll trash, simpleng bagay hindi magawa ng tama. Ang babagal pa kumilos at napaka iresponsable. Oras ng trabaho nakikipagdaldalan, I am just doing you a favor." paliwanag ni Zeq

Napabuntong hininga na lang si Armando...

"Paki ayos ang arrangement ng mga boquet sa bungad... Yung mga ribbons dapat hindi yupi. "

"In 10 minutes magsisimula na ang programa"

Tumango ito at pumunta na sa tabi ng stage upang sabihan ang emcee.

Isa ito sa malaking event na hinandle nila kaya pinagbutihan nilang walang papalpak.

Nasa tabi lang siya habang pinapanood ang lahat. Hindi niya hinayaan na may sumablay sa mga kasama.

"Tata! Finally natapos na rin and we did it without any problem!"

Masaya ang mga kasama niya na lumapit sa kanya

"Sabi ko naman sa inyo makakaya natin ito ng sama sama. We all did an excellent job! " masayang sambit niya.

"You said it right, ang ganda ng event. Walang flaws at talagang napahangga ang mga bisita ko. Hindi talaga ako nagkamali sa desisyon ko na kayo ang pinili kong event organirzer . Wala sa papolaridad ang husay ng negosyo." ani Armando

Natuwa sila sa kanilang narinig.

"This is our business calling card sir, kung kailangan nyo ulit ng event organizer or mga kaibigan nyo." ani Tata

Malugod na tinaggap iyon ni Armando. Tinignan niya iyon at inilagay sa kanyang wallet.

Nagkatitigan ang mga kasama niya na may tuwa sa kanilang mga mata.

Malapit na mag umaga ng makauwi si Tata. Kahit pagod ay di alintana dahil sa kinalabasan ng kanilang pagsusumikap na mairaos ang programa.

"Oh, anak andiyan ka na pala. Abbie ipainit mo yung ulam kakain ang kapatid mo!" sigaw ni Dolor

"Natutulog na nga yung tao eh, bakit ba kasi ngayon lang uuwi yan, bw*sit naman oh!" ani Abbie na padabog na bumaba ng kwarto

"Hindi na ho nay, busog pa po ako. Pinakain kami sa event. Itutulog ko na lang ho" ani Tata

"Istorbo ng tulog!" ani Abbie at pumanhik na ulit ito sa taas.

"huwag mo ng pansinin yang kapatid mo, ganyan lang yan kasi naghiwalay sila ng nobyo niya kanina" pagpapaliwanag ni Dolor

"Tulog ako pero hindi ang tenga ko, kung pag-uusapan nyo ako siguraduhin nyo naman na hindi ko maririnig!"

Napabungisngis ang dalawa.

"Sige na nay, matitulog na po ako"

Mahimbing ang tulong niya ng gabing iyon.

The cold Mr. CeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon