"Akalain mo yun, nasalo ng kamay niya ng ganoon kabilis" ani Arvi na hindi makapaniwala sa nakita kahapon
"Oo nga akala ko tatamaan na eh, sayang" ani Inaro
"Kung hindi niya nasalo, kawawa yung bata, dapat yun inisip mo" ani Salud na tumingin kay Inaro
tinapik siya ni Arvi.
"Kako ko nga"Tipid na wika ni Inaro na halatang napahiya
"Kaya pala siya ang caption nila sa team"Ani Tentoy
"Shhhhh" napangisi si Inaro at umiling
"Magaling siya talaga"Sabat ni Tentoy
"Kahapon ka pa ah, Siiya na ba ang bago mongnkaibigan?" ani Inaro
"Hindi naman yan ang ibig kung sabihin. Yung kakayahan niya kasi hindi rin maipagkakaila eh" sagot ni Tentoy na umiwas ng tingin kay Inaro.
"Talaga lang ha" hirit pa ni Inaro
"Ano bang problema sa ginawa ko kahapon?" naiinis na tanong ni Tentoy
nagkibit balikat si Inaro na parang namimilosopo pa. " Wala naman, Actually may award ka sa sakin ng "Most helpful" eh"
"Talaga may award ako sayo, sayo pa talaga manggaling. di na lang ako aattend"sarkastikong sagot ni Tentoy
Tumayo si Inaro. Tumayo din si Tentoy. Tumayo si Ben na pumagitna
Nagkakainitan na sa bahay ni Ben.
"Oh, ang aga aga....... Tumigil nga kayo, Magkakasama tayo dito, hindi magkakaaway" pagpapaalala ni Salud
natahimik ang lahat sa pagsuway ni Salud. Sa kanyang edad ay pinapakinggan at sinusunod siya ng mga ito.
Sadyang pilosopo at prangka kung magsalita si Inaro kaya lagi siyang napagkakamalang may probelama sa ugali at madalas napapaaway.
"Tata,aattend ba si sir Zeq sa opening ng Gallery ni sir Isiah?" bulong na tanong ni Vita
nagkibit balikat si Tata na walang tiyak na saot "Hindi ko alam eh. Yung last na usap nila halos magsuntukan na kung walang umawat" aniya
Bigla niyang naalala kung paano siya tinulak ni Zeq noong umawat siya sa dalawa
abala sila Vita at Tata entrance ng gallery exhibit expo habang si Isiah ay inaasikaso ang mga bisita at prospect na buyers ng kanyang obra.
Makikita mo sa kanyang mukha ang saya dahil naipakiga na niya ang kanyang talento sa unang pagkakataon na simula pagkabata ay ito na ang hilig. Nahinto lang sya sa panpinta dahil sa matinding pagtutol ni Rebecca na para sa kanya ay wala itong magandang maidudulot at walang pera sa mga ganitong arts.
Ang gusto ni Rebecca ay madaliang pagyaman ng hindi nahihirapan kaya ni minsan ay hindi sumagi sa isip nya ang magtrabaho. Tanggap lang ng tanggap ng monthly sahod mula sa kompanya na hindi niya pinagpapaguran. A happy go lucky and gold digger ex wife.
Ex wife na sya ngayon dahil dumating na nga ang annulment paper na silang dalawa ni Armando ay legally separated na.
Labis ang inis ni Rebecca dahil sa pag approved ng annulment. Lahit ayaw niya ay nakapag desisyon na ang batas.
"I can't forbid nor stop it but I will let anybody love you and steal the money that I own." ani Rebecca na nang gigigil sa galit.
"I like what I see now" ani Zeq
Napalingon si Rebecca sa gulat.
"Nag iba yata ang ihip ng hangin at dinalaw mo ako, ang iyong mama" ani Rebecca na malapad ang ngiti sa kanyang labi

BINABASA MO ANG
The cold Mr. Ceo
General FictionA man who despises the world, humanity, and everything that can be left behind... Why did he transform into a monster, the complete opposite of his angelic appearance? He may be handsome on the outside, but his behavior resembles that of a demon... ...