14

116 3 0
                                    

Maraming folder sa mesa ni Zeq. Abala ito na binabasa isa isa.

Nagtataka ito bakit wala pa siyang kape sa mga oras na ito.

Nagpasya siyang tumayo at lumabas.

Nang makita na walang tao sa mesa ni Tata doon lang niya naalala na nasa ospital pa ito dahil sa kagagawan niya.

Bumalik siya sa kanyang opisina. Lahat ng Folder ay nilagay sa isang suit case. Kinuha niya ang coat at tyaka  nilisan ang opisina.

Nag habilin ito sa isang empleyado na malapit lang ang pwesto sa kanyang office.

Habang binabagtas ang daan ay bigla itong lumiko sa ivang direksyon. Sa hindi kalayuan ay may mga nagtitinda ng prutas sa gilid ng kalsada.

Huminto ang sasakyan at agad na lumabas si Zeq.

"Zeq apo, tamang tama ang pagdating mo. Mga bagong pitas ang mga prutas" aniya ng babaeng may kaedaran na

Tinignan niya lahat ng prutas, tama nga ang ginang dahil magaganda pa ang mga ito. Wala kang mahahagip na anumang discoloration or deform. Magandang klase pa ang mga ito.

Nawili siya sa pagpili kaya naparami siya ng bili.

Apat na supot ang kanyang bitbit.

"Ewan ko ba kung bakit ako andito, alam mo perwesyo talaga kayo ng nanay mo sa akin" galit na sambit ni Abbie

"Hindi ko naman ginusto itong nangyari, sorry kung naabala ka. Teka, may pinagkakaabalahan ka ba talaga? Wika ni Tata

"Meron man o wala, anong paki mo? Sampid lang naman kayo sa bahay. Nakikitira lang kayo. Dapat nga magbayad kayo ng renta buwan buwan eh" inis na sabi ni Abbie. Sinamaan niya ito ng tingin

"Hindi pa ba sapat na ako, kami ni nanay ang nagbabayad ng kuryente tubig, at mga pagkain sa bahay?"

"Natural nakikigamit kayo ng bahay kasama na ang tubig kuryente. Tyaka kayo ang nag aalok ng pagkain. Masama tumanggi sa grasya. Iba pa rin yung renta, pera hindi thank you"

Napa ngisi si Tata. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Abbie.

"Tyaka kayong dalawa ang may kasalanan kung bakit naka kulong si tatay at hindi ako nakapag aral sa kolehiyo" pagpapaalala ni Abbie. Hanggang ngayon sila pa rin ang sinisisi niya sa lahat ng kamalasan na nangyari sa kanya

"Kami ang biktima dito. Kung payuloy mo kaming sisisihin bahala ka pero ang kasaam ng tatay mo hinding hindi ko itatanggi o kakalimutan." nagtahis ang bagang niya habang binabaggit ang huling linya.

Napasinghap si Abbie at lumapit. Akmang hahawakan na niya sa leeg si Tata ng magbukas ang pinto

Agad siyang dumistansya at lumingon sa lalaking paparating

Sumulyap si Tata. Seryoso ang mukha ni Zeq na pinukulan si Abbie ng masama

Biglang nakaramdam ng panginginig si Abbie. Umiwas siya para hindi siya matabing ng lalaki

"sir Zeq?" sambit ni Tata

Bumaling ang tingin ni Zeq kay Tata.

"Don't be happy thinking I'm coming to see you. It's not my idea; I just wanted to put these here because dad asked me. I thought I'd take a break from your loud voice, and here I am." pagpapaliwanag niya

Natawa ng bahagya si Tata. "Defensive naman masyado" bulong niya

"What are you laughing at?" naka kunot noong tanong ni Zeq.

"Nothing, pakisabi po kay sir Armando, salamat sa mga prutas" aniya

Nagtaklop ito ng kumot.

"Anong paandar ito Ms. Villacorta?" tamad na wika ni Zeq

The cold Mr. CeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon