"mmmmm....Lumilindol ba?" ani Tata habang nakapikit pa ito
"Gising ka na nga diyan, kung totoong lindol at tulog mantika ka.....mauuna kang mababaon sa lupa!" sigaw ni Abbie
"Bakit ba, ang aga aga eh" reklamo ni Tata
"Bakit hindi. Andito mga katrabaho mo!" sagot ni Abbie
"Ano oras na ba?" tanong ni Tata na papikit pikit pa.
"ala sais,gumising ka na nga diyan... Magluto ka ha may ginagawa ako!" ani Abbie. Padabog ito naglakad palabas.
"Anong pinagkakaabalahan naman nito eh walang trabaho. Puro lang hilata at lakwatsya ang alam" pagmamaktol niya
Pasuray suray ito naglakad papuntang banyo. Doon ay naghilamos muna siya at nagbihis.
Pagbaba niya ay bumungad agad ang mga katrabaho ay ang aasim ng mga mukha nila.
"Oh bakit ganyan ang mga mukha nyo?" tanong nito na nakiupo sa tabi nila
"Kasi...ano eh ah" nauutal na sambit ni Flor
"Tata si Giboy" ani Enoh
"Anong meron kay Giboy?" nagtatakang tanong niya
"Ikaw na magsabi" ani Flor
Nagtuturuan ang dalawa.
"Uy, kung hindi niyo sasabihin sa akin hihilain ko isa isa mga dila nyo ng magsalita kayo" ani Tata na may inis na sa boses niya
"Kasi tinangay ni Giboy lahat ng pera natin!" mabilis na sinabi ni Enoh.
"Ano?"nagulat na bulalas ni Tata
Ang inaantok pa niyang diwa ngayon ay gising na gising na. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa isang iglap ay guguho ang pangarap.....
Nagliligpit na sila ng gamit. Kahit ayaw nilang gawin wala na rin silang magagawa dahil lubog sa utang ang business nila.
Puro hikbi lang ang maririnig mo sa buong paligid.
"Bakit ganun, sa isang iglap mawawala lahat ng pinaghirapan natin" ani Enoh na tuluyan nang umiyak.
Lumapit si Flor sa kanya at dinamayan niya ito.
"Bwesit na Giboy yan, kapag nakita ko siya dudurugin ko mga buto nya!" galit na sambit ni Flor
"Alisan ko yan ng bayag para magdusa siya buong buhay niya na hindi niya makakalimutan, pinindiho nya tayo!" gigil na sambit nan ni Enoh
"Maghanap na muna kayo ng ibang trabaho, kung ipagpapatuloy natin ito. Wala rin naman tayong pondo hindi rin tayo makakagalaw. Lubog pa sa utang itong business natin." sabat ni Tata
"maghihiwalay na tayo..." umiyak si Flor
"Ano ka ba, pansamantala lang ito. Kapag nakaipon bubuuin ulit natin tong business na itinaguyod nating apat" ani Tata
"Tatlo Tata..... Hindi kasama si Giboy!" pagklaro ni Enoh
Kahit siya ay naluluha na rin pero pinipigilan lang niya maiyak.
"Haliq kayo rito" aniya sa dalawa.
Tumayo sila at niyakap siya. Doon na naiyak si Tata.
(Iyak.... Hikbi......singhot...)
Tuluyan na nga siyang umiyak.
"Ang pangit mo umiyak" sita ni Enoh
"Tse, ikaw rin naman eh....para kang unggoy na hindi pinakain ng apat na araw" ani Flor

BINABASA MO ANG
The cold Mr. Ceo
General FictionA man who despises the world, humanity, and everything that can be left behind... Why did he transform into a monster, the complete opposite of his angelic appearance? He may be handsome on the outside, but his behavior resembles that of a demon... ...