"Ang tagal na rin noong huli tayong nag lunch together." lumapit si Rebecca at tumayo sa may likuran ni Armando at nag umpisa itong masahiin ang balikat nito
"Kung hindi ka gumawa ng katanggahan"
Umirap sa ere si Rebecca at medyo diniinan niya ang pagmamasahe dito
"That's already in past. Matagal na iyon, why just we move on and make a new fresh memories" malambing ang tono ng boeses nito na inilapit ang mukha nito at ngumiti
"Ang dali mong sabihin ang kalimutan samantalang isang malaking bangongot ang ginawa mo" lumingon si Armando kay Rebecca.
Magkalapit ang mga mukha nila.
Sakto ang pagbukas ng pinto. Nakita ni Zeq ang posisyon nilang dalawa.
Biglang naningkit ang mga mata niya sa nasaksihan. Lumabas ito agad at hindi na itinuloy ang pakay.
Sa inis ay umalis ito. Sa may hallway ay may mga nag uusap habang naglalakad.
"Nag aaway ang magkapatid dahil doon sa sekretarya."
"Oo nga. Alam nyo ba may eksena doon sa canteen noong nakaraang linggo."
"Uy andoon kaya ako. Nakita ko kung paano inagaw ni sir Zeq yung kinakain ni Tata tapos siya umubos"
Rinig na rinig niya ang mga usapan nila.
Napatingin ang isa kay Zeq. Bigla silang huminto sa pag tsitsismisan at nagmadaling naglakad.
Napaisip si Zeq at biglang umiba ng pupuntahan.
Pumipito pito si Abel habang nagliligpit ng mga gamit sa stock room.
"ay anak ng tokwa" aniya ng biglang sumara ang pinto at gumawa ng ingay
Nakita niya si Rebecca sa likod ng pintuan.
"Oooy mukha yatang napapadalas ang pagkikita natin madam" pang aasar nya
"And you think that's good huh?" pagtataray ni Rebecca. Lumapit ito na galit ang ekpresyon ng kanyang mukha.
"Hindi ko hiningi sayo ang trabaho ko madam at hindi nyo na ako tauhan. tapos na ang serbisyo ko sa inyo"
"Sa iba ka magtrabaho, I will give you the money every month basta umalis ka lang dito at huwag ka magpapakita"
Ngumisi si Abel. "Sa tingin nyo madam, kapag umalis ako rito ay makakampante na kayo. Paano kung sabihin ko sa inyo na nagtatrabaho ang anak ni Trese sa kompanya."
"Anong sabi mo?" nabigla ito sa sinabi ni Abel. Lumapit ito at hinawakan si Abel sa may kuwelyuhan.
"Paanong nandito yun kung noon inutusan kitang d!spatsyahin yun?" nagngingitngit sa galit si Rebecca
Tinabing ni Abel ang kamay ni Rebecca at tyaka siya naman ang lumapit.
"Madulas eh" tinap nito ang balikat ni Rebecca at ngumiti ng makahulugan
"Goodluck na lang sa pagkikiga nyo, madam" sumaludo ito ng may pang aasar
Hindi maipaliwanag ang ekpresyon ng galit ni Rebecca sa mga oras na yun.
Unti unti siyang binabalikan ng nakaraan.
Lunch break. Halos mapuno ang kantina sa mga kumakain na mga empleyado.
"Haaay dapat pala inagahan ko, kung hindi ako kinausap ni madam dapat hindi ko madaratnan ang ganitong kahabang pila. " himutok ni Abel.
Habang kumakain si Tata ay napalingon ito sa naglalakad. Agad itong yumuko at iniharang ang palad niya

BINABASA MO ANG
The cold Mr. Ceo
General FictionA man who despises the world, humanity, and everything that can be left behind... Why did he transform into a monster, the complete opposite of his angelic appearance? He may be handsome on the outside, but his behavior resembles that of a demon... ...