44

94 6 0
                                    

Walang ano ano ay binuhat ni Zeq ang kahon. nagtakang naiwan si Tata sa kinaroroonan niya. 

"Tell me where I should put this box."sigaw ni Zeq

Sumunod si Tata sa ground floor.

Bigla itong nakaramdam ng nginig nang makapasok sa basement. Madilim at makipot.

Nag umpisang pagpawisan ito ng butil butil at malamig na tubig.

"ahh" napa tili ito ng may humawak sa kanyang kamay.

"ssssh this is me" ani Zeq at sinindihan ang hawak na lighter

Napasapo sa dibdib si Tata. Abot abot ang paghinga sa gulat.

"I remembered how you panic that time and I wasn't have time to say sorry for what I've done." lumapit si Zeq at nakatingin ng diretso sa mga mata ni Tata

Makailang hugot ng malalim na hininga si Tata sa mga sandaling iyon. Yung kaninang takot ay unti unting nawawala.

"Ma-mata- matagal na po yun sir. Nakalimutan ko na nga eh" pautal na sagot ni Tata

"I still want to say sorry and I will never do it again." nakatitig pa rin sya sa mga mata ni Tata

Hindi na alam ang isasagot ni Tata at nakakaramdam na siya ng kailangan at ang kamay nya na hawak ni Zeq ng mahigpit.

Dahan dahan niya itong inaalis pero mas lalong humigpit at hinila siya nito sa kanyang tabi.

Napasubsob si Tata sa may dibdib ni Zeq.

Biglang ayos ng tayo si Tata.

Hawak pa rin ni Zeq ang kamay niya.

Iwawaglit nya na sana para mabitawan siya ng higpitan ni Zeq at hilain sya nito sa may sulok. Nakasandal sa isa sa malaking kabinet habang si Zeq ay sa may harap nya na. Sa sobrang kipot ng space ay inches lang ang layo ng kanilang mukha.

"sssshhhh I heard noises, may paparating" pabulong na sambit ni Zeq.

Tumango lang si Tata ng maintindihan niya kung bakit siya dinalo doon sa may kasulok sulukan ni Zeq.

"Sabi ni boss, babaguhin daw ang plano dahil biglang sumulpot ang kapatid nya."

"Oo nga eh, lintik na kambal ma yan... Naaantala ang mga trabaho natin. Bakit hindi na lang tirahin ang dalawa para matapos na"

"Hindi pa daw pwede, dapat daw pahihirapan pa silang lahat"

"sa bagay, kapag namatay ang isa. Doon pa lang mahihirapan na ang mga yan."

"kaso nangangati ang palad ko, wala pang dumaragdag sa listahan ko. Unahan ko na kaya si boss?"

"Tânga ka ba, baka ikaw isunod kapag inuhanan mo sila."

"Nakakainis naman oh. Nakakainip ang ganitong paunti unti"

"Atleastay natatanggap kahit ganito pa lang ang utos."

"ah basta, kapag hindi ako nakatiis, pasensyahan na lang pero uunahan ko na si boss. Unahin ko kaya yung mayabang na batang alegrio. Akala mo kung sino pero kung sa bala haharap yun siyak hindi na makakaporma ang Ezequille na yan"

Nagkatinginan ang dalawa ng marinig ang pangalan binanggit ng mga lalaking nag-uusap.

May nasipa si Tata na sanhi ng paglikha ng ingay.

"Sino yan?"

Lumaki ang mata ni Tata.

"ssssh" aniya ng lalaki.

Dahan dahan silang naglalakad at naghahanap.

Nang malapit na sila sa may bandang dulo may tumalon na pusa.

The cold Mr. CeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon