Mataman na nakatingin si Dreison kay Zeq.Napapatingin naman si Zeq sa bata sa ibinibigay nitong atensyon sa kanya.
Tinignan niya ito ng may pagtatanong sa mga mata nya.
"Gusto mo ba siya Drei?" malambing na tanong ni Tata
Tumayo si Tata at humarap kay Zeq.
Inilapit niya si Drei. Inaabot ng mga kamay si Zeq.
"Parang natitipuhan ka sir ni Drei ah." dahan dahan niyang inabot ito sa kamay ni Zeq na agad namang hinawakan ni Zeq.
Wala itong choice dahil biglang kapit ng bata sa kamay niya.
Ilang tawa ang narinig nila mula kau Drei na animo ay nagustuhan ang pagkarga sa kanya ni Zeq.
"Dyan ka muna Drei ha, laro lang ako saglit" pagpapaalam ni Tata
Nakalayo na si Tata bago pa man makasagot si Zeq.
Hindi niya alam kung paano humawak ng bata.
Nakatingin ang bata sa kanya. Tinignan din niya ito. Nagkatitikgan ang dalawa.
Biglang tumawa si Drei
"Hey, mukha ba akong clown?" tanong ni Zeq
Nagulat ang bata sa taas ng boses ni Zeq, umarko ang labi nito at nangingilid ang mga tubig sa kanyang mata.
"shhhhh shhhhhh huwag kang umiyak, wala akong ginagawa sayo"ani Zeq na aburido na ang mukha nito. Napapatingin siya sa kinaroroonan ni Tata pero abala ito sa paglalaro
Lumulukot na ang mga labi ng bata at napupuno na ng tubig ang mga mata niya.
Tumayo si Zeq at inalo alo ang bata sa likod at nag umpisang mag humming.
Humawak ang bata sa kanyang braso at ipinilig ang ulo sa kanyang dibdib.
sa pag aalo nya ay parang duyan sa pakiramda ng bata kaya unti unti itong pumipikit.
"Nakatulog na siya" wika ni Tata
Nilingunan ni Zeq ang mukha ng bata.
Nakita niyang nakapikit na nga ito. Bigla nitong inabot kay Tata.
Ang nag uumpisa pa lang na humimbing ang tulog ay nagising.
Naiyak ito ng malakas.
Inaabot ulit ang bisig ni Zeq.
Agad naman na kinuha ni Zeq ang bata at inalo ang likod.
Umupo sya dahil nangangalay na siya sa pagkakabuhat niya dito.
"I am not here to babysit the kid" halos pabulong na sambit ni Zeq. ingat na ingat itong nagsalita
"Sorry sir but Dreison likes you" sagot naman ni Tata
"Do something, He is heavy, nangangalay na ang kamay ko" ani Zeq
may mabilis na bola ang paparating sa direksyon nila. Mabilis na gumalaw ang isang kamay ni zeq at nasalo niya ito bago pa man tumama sa ulo ng bata. Nagulat si Tata at iba pang nakakita ng nangyari.
"Bulag ka ba ha, Hindi mo nakikita na may tao rito! paano kung hindi ko nasalo. Yari ka sa akin!" sigaw ni Zeq na nang gigilaiti sa inis sa bata
"Pasensya na po" todo ang paghingi ng tawad ng kasama nito
"Kung hihingi ka ng tawad doon sa presento.!" ani zeq
kumaway si Tata, sinyas na pinapaalis na niya ang dalawa.
napatingin si Zeq kay Tata at nanlaki ang mata " Anong ginagawa mo?" tanong ni Zeq
"Pinaalis na sila" tipid na sambit ni Tata

BINABASA MO ANG
The cold Mr. Ceo
General FictionA man who despises the world, humanity, and everything that can be left behind... Why did he transform into a monster, the complete opposite of his angelic appearance? He may be handsome on the outside, but his behavior resembles that of a demon... ...