CHAPTER 6: I'M HERE 🔞

44.2K 590 136
                                    

CHAPTER 6
NANDITO AKO


"Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong kay Dan pero imbes na sa sagutin niya ako ay kinuha niya ang mga bagahe ko at inilagay iyon sa likod ng sasakyan. Wala akong naggawa at sinundan ko lang siya ng tingin.

Ilang sandali pa ay binuksan niya pintuan sa front seat at sinenyasan ako na pumasok na. Umikot siya papuntang driver's seat at pinaandar ang makina.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ulit sa kanya.

Napakamot siya sa buhok niya at tsaka nagsalita. "Namiss kita hehehe." nakangiti niyang sabi.

"Tss!Awan ko sa'yo."

"GRABEH! Hindi mo ako namiss?" sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. Agad ko naman tinulak ang mukha niya palayo at napailing na lang sa kalokohan ni Dan.

Habang nagdadrive siya ay hindi na ako nagatubili kung saan kami papunta. Hinayaan ko na lang siya dahil kahit ako mismo sa sarili ay hindi alam kung saan pupunta.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit. Masyado akong napagod kanina sa byahe tapos ang bumungad pa sa akin ay ang pagtanggi at pagtaboy sa akin ng kapatid ko. Ang sakit isipin na para bang tuluyan na nila akong kinalimutan bilang kapatid.

...

Nagising ako na nakahiga sa malambot na kama habang may nakadagan sa akin na braso sa bandang beywang. Tiningnan ko ang nasa tabi ko at nakita ko ang nahihimbing na si Dan. Imbes na bumangon ay nanatili na lang akong nakahiga at pinanood siya habang natutulog.

Hinawakan ko ang mukha ni Dan. Naalala ko tuloy nung umamin siya sa akin. Gwapo, matalino at mabait si Dan at kahit sino ay hindi aakalain na isa siyang pornstar, pwede siyang gustuhin nino man pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sa lahat ng babae ay ako pa ang nagustuhan niya.

Maganda ako at tsaka sexy pero hindi yung sapat na magustuhan niya ako. Sabihihin na natin na medyo mabait ako pero hindi ako yung babaeng bagay sa kanya.

"Alam kong gwapo ako. Hindi mo na ako kailanagn titigan." nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Dan. Hindi ko alam na nagising na pala ang hanep.

"Wala namang gwapo." sabi ko sabay hampas sa dibdib niya.

"Tatanggi pa." hirit niya at inirapan ko lang siya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at nabigla ako ng halikan niya ako. Matapos nun ay tumayo siya at iniwan ako.

Hindi bago sa akin ang halik na ginawa niya pero ang paghalik ay ginagawa lang namin iyon kapag nasa trabaho.

Naupo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang tingin sa paligid. Ilang saglit pa ay muling bumalik si Dan na may hawak na baso.

"Hindi na kita ginising kanina. Nandito tayo sa hotel." aniya at tumango ako.Bumangon ako at napatingin wall clock, gabi na pala.

Pinagayos ako ni Dan dahil kakain daw kami sa baba. Nung una ay tatangi sana ako dahil wala akong pera pero sagot na daw niya. Hindi kasi ako nagdala ng extra na pera dahil ang inaasahan ko ay sa bahay ako tutuloy at kakain. Tanging pera pamasahe lang pabalik ang dala ko.

Huminto ang sasakyan ni Dan sa isang mamahalin na restaurant, bigla tuloy ako nakaramdam ng panginginig at kaba. Tulad noong unang meet namin noon ni Fred.

"Ang ganda mo." bulong sa akin ni Dan habang nakapulupot ang braso niya sa aking beywang.

"Ang pangit mo." sabi ko at natawa siya roon.

Habang kumakain kami ni Dan ay nagkwentuhan kami sa kung ano-ano. Hindi rin nawala ang mais(corny) niyang joke. Matapos kumain ay inilibot ko siya dito sa probinsya namin.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon