CHAPTER 15: FRED

15K 348 64
                                    

CHAPTER 15
FRED


Nagising ako ng sa kamang malambot ni Fred pero agad akong nagtaka ng wala siya sa tabi ko. Nag unat muna ako bago tuluyang bumangon. Mula sa loob ng kwarto ni Fred ay may narinig ako naguusap sa labas.

Sumilip ako pintuan at nakita ko na may apat na taong kausap si Fred, isang babae at tatlong lalaki.

"Paano iyan? Tinatanong ng mga tao kung sino yung babae na isinama mo?" nahahagas na tanong nung isang bakla na akala ko ay lalaki.

"She's my girlfriend. Her name is Tin." kalmadong sagot ni Fred.

"Hiwalayan mo siya hanggang maaga pa. Magkakagulo at mababawasan ang mga sumusuporta sa iyo kapag nalaman nila na may girlfriend ka. Kayo lang dapat ni Dana."

"NO! I'M NOT DOING  IT! " galit at sigaw ni Fred at tinalikuran sila.

Nakita ko na papunta si Fred dito sa kwarto at agad akong bumalik sa kama at naupo doon.

"Gising ka na pala?" nakangiti niyang sabi. "I'm sorry kung umalis ako sa tabi mo, may mga dumating kasi eh." dagdag niya pa at hinalikan ako sa noo at sumunod sa labi.

Naupo kami sa kama at sinabi niyang may bisita. Pinaalalahaan ako ni Fred na wag makinig sa kahit anong sasabihin nila. Basta magtiwala lang daw ako sa kanya.

Pinagsiklop ni Fred ang kamay naming dalawa bago tuluyang lumabas ng kwarto. Agad sa amin napatingin ang nga bisita. Ang tatlong naroon ay walang reaksyon habang ang kaninang kausap ni Fred ay tinaasan ako ng kilay.

"Good Morning po." bati ko sabay yuko. Ngumiti sa akin ang tatlo habang yung isa ay inirapan ako.

"Walang good sa morning kung nagkaroon ng issue ng dahil sa iyo." paninisi niya sa akin at napakagat na lamang ako sa labi. "You look familiar. What's your name?" tanong niya.

"Tin Imperial po." at humagalpak ang tawa niya sa buong kwarto habang ang tatlo naman ay napasinghap.

Hinawakan ko si Fred sa kamay nang makita kong nakakuyom na ang kanyang palad at ano mang oras ay pwede niya itong isuntok. Nandito ako ngayon para pakinggan ang sasabihin nila at hindi para makipagaway.

"What a whore?! Hindi ba't ikaw yung sikat na pornstar? You have a good perfromance when it comes to sex kaya siguro ay nasiraan ng ulo itong si Fred. Mahiya ka nga, pokpok at artista kitang-kita naman na hindi pupwede. Kaya kung a–" hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng bigla siyang sinuntok ni Fred sa mata at agad itong nagkaroon ng pasa.

"YOU'RE FIRED!" sigaw ni Fred sa kanya. Akmang susuntukin ulit siya ni Fred pero pumagitna na ako.

Umalis yung bakla at humingi naman ng paumanhin yung tatlo sa mga nasabi nung kasamahan nila na napagalaman kong manager pala ni Fred.

"I'm sorry about that." sabi nung isang babae sa akin at tumango lang ako. "I'm Kaye, make up artist ni Fred." pagpapakilala niya.

"I'm Tin." sabi ko sabay tanggap ng kamay niyang inilahad.

"By the way, this is Coin, Fred's assisstant manger and this is Cash, Fred's secretaary." sabay turo ni Kaye dun sa dalawang lalaki na kambal.

Akmang makikipagkamay na ako dun sa dalawa ng biglang hinila ni Fred ang kamay ko. "No one is allowed to touch my lady." agad na lumayo sina Cash at Coin sa aakin habang si Kaye ay tumawa habang umiiling.

"Magluluto na ako ng almuslan natin." paalam ko dahil alam kong hindi pa rin siya nagaalmusal. Hinalikan ko si Fred sa pisngi at pumunta na ng kusina.

Aaminin ko, nasaktan ako dun sa sinabi ng manager niya pero sabi niya ay wag ko na iyong isipin. Kita ko rin sa mata ni Fred kanina na kahit hindi siya nagsalita ay ramdam ko na  handa siyang ipagtanggol ako.

Pinilit ko na wag isipin ang mga nangyayari sa paligid pero hindi ko maggawa dahil kusa siyang pumapasok sa isip ko. Andun yung pangamba at takot na baka nagsisimula na si tadhana na bawiin ang kasiyahan ko. Baka maya-maya ay matagpuan ko ang sarili na lumuluha nang dahil sa pag-ibig na ito.

"Tulungan na kita." sabi ni Kaye na hindi ko alam na sumunod pala sa akin dito sa kusina.

"Salamat." sabi ko at tinulungan ako sa paghiwa ng mga ingredients.

Pang tanghalian na ang lulutuin ko dahil anong oras na. Hindi ko kasi namalayan ang oras at napasarap ako ng tulog. Si Fred kasi ay hindi man lang ako hinising kanina.

"Gusto kita kay Fred." walang pasubali na sabi ni Kaye habang nasa kalagitnaan kami ng pagluluto.

"Ha? Paano mo naman nasabi?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi ko alam kung kailan at saan nagsimula ang relasyon niyo pero nitong mga nakaraan na buwan tsaka ko lang nakita na ngumiti at tumawa si Fred. Tsaka ikaw ang unang girlfriend niya." pagkwekwento ni Kaye at imabot sa akin ang huling ingrediednts na hiniwa.

"Walang emosyon si Fred noon, hindi marunong ngumiti o tumawa pero bigla na siyang nagiba nitong mga nakaraang buwan. Yung parang baliw na mag-isang ngumingit..."

"Maraming beses na umaalis siya sa taping pero nagpapaalam naman siya. Natutuwa ako doon dahil kahit papaano ay mas pinipili na niya ang maging masaya kaysa pilitin yung bagay na hindi naman niya gusto." dugtong pa ni Kaye at nakinig lang ako.

"Hindi na ako nabigla ng makita kita kanina dahil sa tuwing ni-make-u-pan ko siya ay pasulyap sulyap siyang tumitingin sa cellphone at pasimpleng tinitinganan ang mga larawan mo."

Natapos kaming magluto at nakaramdam ako ng kaginhawaan. Akala ko kasi ay nabago ko si Fred sa negatibong paraan pero sa kwinento ni Kaye ay hindi naman pala.

Kasalo namin ang tatlo na sina Cash, Coin at Kaye sa panganghalian. Hindi rin nakalagpas ang mga komento nila nila tungkol sa akin bilang girlfriend ni Fred.

Wala naman akong masakit na salita na natanggap mula sa kanila kaya mas nabuhayan ako na kahit anong mangyari ay malalagpasan namin ni Fred ang mga pagsubok sa relasyon namin.

Matapos kumain ay nagboluntaryo na ang kambal na maglinis at maghugas. Si Kaye naman ay unalis dahil may aasikasuhin kaya kaming dalawa ngayon ni Fred ang naiwan dito sa veranda habang magkayakap.

Harutan is real.

"Baby, I want you to be my date on Awarding Ceremony that will be held next week."

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Fred. Marami ang posibleng mangyari pero handa na ba ako. Panigurado na sa oras na malaman ng tao ang tungkol sa amin ay maraming mga opinyon ang lalabas.

"I'm asking you if it's okay with you, about that?" malambing na tanong ni Fred.

Bumuntong hininga ako at tsaka sinagot ang tanong niya. "Sure." malakas na loob kong sabi at hindi na nagdalawang isip pa.

Sa ngayon ay panghahawakan ko ang sinasabi ni Fred na ipagtatanggol niya ako. Kakapit ako sa pangako niya na ako lang. Susugal ako sa bagay na walang kasiguraduhan dahil mahal ko siya.

"I love you Fred." sabi ko at hinalikan siya.

"I love you too Christine. I promise you that I will stay no mayter what and I will protect you."

Wag sana akong biguin ng pag-ibig, ng tadhana at ng mga pangako ni Fred.








M I S T E R C A P T A I N

Salamat sa pagbasa! Btw, panoorin niyo ying Sweet and Sour na korean movie kasi sobrang ganda niya at ang astig ng plot. Unexpected yung ending. Available siya sa netflix.

FB: Misaki Terry Capistain
FB PAGE: MisterCaptain
FB GROUP: MisterCaptain
IG: MisterCaptainWP
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon