CHAPTER 33: ANAK

16.6K 396 102
                                    

CHAPTER 33
ANAK

     
Sumapit na ang umaga ay hindi pa rin naggising si Fred habang ako naman ay walang tulog dahil sa kondisyon niya. Si Crisha naman ay gising na at kasalukuyan kaming nagaalmusal kasama si Pat.

Ilang oras nang tulog si Fred pero hindi pa rin siya gumigising. Ang sabi naman ng doctor ay hintayin daw mamayang tanghali na magising ito pero hindi ako mapakali hanggang walang sinasabi silang okay na ang kondisyon ni Fred.

"Ang cute ng anak mo." malungkot na wika ni Pat at nakita ko ang pagpunas niya sa nagkalat na pagkain ni Crisha sa bibig.

Pinanood ko lang siya sa ginawa at hinintay na tumingin sa akin pero hindi niya yun ginawa. Yumuko siya at nagpatuloy sa pagkakain. Alam kong may ayaw siyang sabihin sa akin at sa pagtingin niya kay Crisha ay alam kong may kinalaman iyon sa anak niyang nawawala.

Sa mga nakalipas na taon ay wala kaming alam ni Dan sa nangyayari kay Pat. Hindi tuloy maiwasan na makonsensya dahil baka may mga problema si Pat nitong mga nakalipas na taon at wala man lang kami ni Dan sa tabi niya.

"Father Dan." rinig kong sigaw ni Crisha at tumakbo ito. Kami naman ni Pat ay nakasunod ng tingin sa anak ko. Nakangiti kanina si Pat habang nakatingin sa anak ko pero agad iyon naglaho nang makita si Dan.

"Taena!" bigkas niya at siniko ko siya. Halos lumuwa ang mata niya at pasukan ng langaw ang bibig niya dahil sa pagkabigla nang makita si Dan.

Hindi ko alam kung bakit naririto si Dan at kung anong ginagawa pero hindi ko na lang din tinanong dahil baka narito siya para ipatingin ang mga pasa at sugat sa mukha.

"Si Dan na ba talaga iyan?" hindi niya maiwasan ang pagkamangha at pagkagulat nang sinuri ang kabuuan ni Dan na ngayon ay nakasuot nang pang-pari at may pasa pa nga siya sa mukha.

"Kamusta Pat?" tanong ni Dan sa kanya.

"A-ayos lang a-ako F-father Dan." nauutal na sagot ni Pat at halatang pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Halata naman kasing naninibago siya sa hitsura ni Dan.

Matapos nun ay iniwan ko muna sina Dan at Pat. Nagpaalam akong uuwi kami ng anak ko para makapaligo at makapaglinis ng sarili. Nagoffer pa sila na ihahatid ako pero timaggi ako dahil gusto kong makapagusap  at makagpagkamusthaan sila.

"Bye Father Dan. Bye Tita Pat." paalam ni Crisha sa dalawa t kimaway pa.

...

Kakatapos ko lang maligo habang si Crisha naman ay naabutan kong sinusubukan puyudan ang sarili. Lumapit ako sa kanya at sinabing ako na ang magpupuyod sa kanya.

"Nay, ano pong nangyari dun sa gwapong lalaki? Bakit siya ganun kahapon?" inosenteng tanong niya habang iniipitan ko siya.

Bumuntong hininga muna ako at tsaka sinagot ang tanong niya. "Fred ang pangalan nung gwapong lalaki." at tumaango naman siy.

"Tsaka yung nangyari sa kanya ay wag mo munang isipin kasi bata ka pa tsaka hindi mo pa maiintindihan. Hayaan mo sa susunod ipapapliwanag ko sa iyo." paliwanag ko.

Matapos siyang ipitan ay pinaharap ko siya sa akin para makita kung maayos ang ginawa kong pagpuyod. Ngumiti si Crisha at kinindatan ako. Nagpacute pa!

"Anak, nahanap ko na ang tatay mo." pigil luha kong sabi habang nakahawak sa kanyang mga pisngi.

"Talaga po Nay." masigla niyang sabi at tumango ako.

"Ano pong pangalan niya? Nasaan po siya ngayon? Puntahan natin." masaya niyang sabi habang tumatalin at ang mga kamay niya ay magkasiklop.

"Ano pong pangalan ng tatay ko?" ulit na tanong niya.

"FRED. Frederick Montesano." at doin tuluyang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung sa saya ba, takot o galit pero isa lang ang nasisiguro ko. Gumaan yung pakiramdam ko. Gumaan yung sakit na matagal nang naninirahan sa puso ko.

"Siya po yung tatay ko. Yung gwapong lalaki?" at tumango ako sa sinabi niya.

"Puntahan natin siya Nay. Gusto ko siyang mayakap at makasama. Masorry din ako kasi inaway ko siya kahapon." aniya at hinila ako patayo.

"Pupuntahan natin siya anak. May kukunin lang ako sa kwarto." sabi ko.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay napahagulgol ako. Ikinukong ko ang mukha ko sa dalawang kamay. Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko pero dapat lang na makilala nila ang isa't-isa.

Inayos ko ang sarili at tsaka napagpasyakan na lumabas ng kwarto. Nabungaran ko naman na nagpapaganda si Crisha sa salamin. Nang makita ako ay hinila na niya ako palabas ng bahay dahil sa sobrang excited na makita ang tatay niya.

Papunta kaming hospital ay panay tanong ang anak konkung maayos ba yung damit niya, maganda na ba siya at kung ano-ano pa.

Pagdating naman namin ng hospital ay halos ipamalita niya sa lahat ng tao na nakakasalubong namin na nakita na niya nag tatay niya. Ang ilan ay nagcocongrats sa kanya. Napailing na nga lang ako sa ginawa ng anak ko pero sa kabilang banda ay naramdaman kong naging madamot ako.

Naging madamot ako kay Fred pagdating sa anak namin at naging madamot ako kay Crisha pagdating sa tatay niy.

"Nakita ko na po ang tatay ko." imporma muli ni Crisha sa nakasalubong namin na nurse.

"Congrats!"

"Thank you po."

Nang makarating kami sa room ni Fred ay naabutan naming nasa labas ang magulang ni Fred. Ang magasawang Montesano at naroon din si Pat at Dan.

"Hello po. Nakita ko na po ang tatay ko." muling imporma ni Crisha sa magulang ni Fred at ngumiti lang sila sa anak ko.

"Nasa loob po ng room na yan ang tatay ko. Sobrang gwapo niya nga po eh." kwento pa nito sabay turo sa pintuan ng room ni Fred.

Pagpasok namin sa room ay tulog pa rin si Fred katulad ng bulong sa akin ni Pat bago kami pumasok. Agad naman na lumapit si Crisha kay Fred pero dahil hindi niya abot ay kumuha siya ng upuan bilang tuntungan. Lumapit naman ako sa kanya para alalayan at para masiguro na hindi siya malaglag sa upuan.

"Tatay Fred." sambit ni Crisha sa natutulog na si Fred.

"Gising ka na po. Nandito na ang anak mong maganda." dugtong pa niya at napailing na lang ako don dahil grabe ang confidence ng anak ko.

"Tatay Fred." sambit muli ni Crisha at hinalikan si Fred sa pisngi. Nanlaki naman ang mga mata ko ang may makitang luha lumabas sa mata ni Fred kahit tulog ito.

Gumalaw ang kanang kamay ni Fred at doon unti-unting minulat ang mga mata na siyang ikanabiling tibok ng puso ko. Nang tuluyan siyang makamulat ay tumama agad ang mga mata namin at hindi ko anamlayn na umiiyak na pala ako.

"TATAY!" bigkas ni Crisha at tumingin si Fred sa kanya.

Inilagay ni Fred ang kamay sa ulo ni Crisha at pinadaan iyon sa mukha na tila ba kinakabisado ang histura ng anak ko.

"ANAK" umiiyak na sabi ni Fred at ibinaba ni Crisha ang katawan para mayakap si Fred. "Anak ko." ulit pa niya.

Tumalikod ako at lumabas ng room dahil hindi ko napigilan ang sarili sa pagiyak. Paglabas ko ay mama ni Fred ang sumalubong sa akin pero laking gulat ko nang niyakap niya ako at pinatahan sa pagiyak.




MISTERCAPTAIN
Professor

So anong nangyari sa magulang ni Fred? Bakit parang nagbago? HAHAHA

Salamat sa pagbasa. Check my tiktok account dahil may ipopost akong panibagong video na may kinalaman sa chapter na ito.

Abangan niyo po next chapter dahil pasakit ng pasakit ang mga susunod baka hindi niyo kayanin ang pag-alis ni este ABANGAN NIYO HAHAHA.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon