CHAPTER 18: NANAY

17.8K 332 35
                                    

CHAPTER 18
NANAY


Isang linggo na ang nakalipas matapos ang Awarding Ceremony pero mainit pa rin sa mga mata ng tao kami ni Fred. Kahit naririto lang ako sa apartment ay naririnig ko ang usapan ng iba. Mas pinili ko ditong manatili sa apartment ko kaysa sa penthouse ni Fred dahil mas komportable ako dito.

Isang linggo rin ang nakalipas na hii ko siya nakikita dahil abala siya sa mga kaliwa't kanan naninterview na walang ibang laman kundi ang tungkol sa aming dalawa. Tanging sa tawag at text lang kami nagkakausap pero ganun pa man ay ramdam ko na pinoprotektahan niya ako sa mga tao.

Napabuntong hininga ako at pinatay ang TV kung saan ay ibinabalita na naman si Fred at ang tungkol sa akon.

Hindi ko sinabi kay Fred ang sinabi sa akin ng magulang niya dahil ayokong problemahin niya pa iyon. Hanggang kaya kong ipaglaban ang sarili ko at irespeto ang magulang niya ay gagawin ko para sa relasyon namin.

Napatingin ako sa cellphone kong tumutunog at nakita ko ang pangalan ng kapatid kong lalaki na si Christian, ang nagbabantay kay nanay. Sinagot ko ang tawag hababg nakatingin sa kawalan.

"Christine, umuwi ka dito." ma-otoridad na sabi ni nanay na ikinabigla ko. Magsasalita pa sana ako pero napatingin muli ako sa cellphone at pinatay na pala agad ang tawag.

Na-stroke si nanay tatling taon ang nakalipas. Nang mga oanhin na iyon ay kapos kami kaya tumigil ako sa pag-aaral para magtrabaho. Nagtrabaho ako ng kung ano ano pero hindi iyon naging sapat dahil nag-aaral aang dalawa kong kapatid. Bukod pa doon ay marami kang pinagkakautangan. At ang mga iyon ang naging dahilan ko para pumasok sa pagiging pornstar.

Ako lang ang maaasahan sa amin dahil wala na kaming tatay. Namatay siya niong mga bata pa kami. Kaya nang ma-confine si nanay ay ako na ang pilit na nagtaguyod sa panilya.

Naghalo-halo yung mga nararamdmaan ko ngayon. Masyaa ko na nakapagsasalita na si nanay at isa lang din ang ibig sabihin nun, na unti unti ng umayos na ang kalagayan niya. Pero noong marinig ko ang kanyang boses ay para bang galit siya at may ibang ipinapahiwatig.

Buong maghapon ay natukog lang ako. Wala rin muna akong trabaho ngayon dahil nagleave ako ng two weeks. Mas mabuti nang itulog ko muna ang ito kaysa magisip ng kung ano-ano.

...

Nagising ako ng may nakayakap sa akin at ramdma oo ang hininga niya sa leeg ko. Hindi ko na kailangan pang alaamin kung sino siya dahil amoy pa lang ay alam kong si Fred iyon.

Dahan dahan akong humarap sa mapayapang natutulog na si Fred. Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan ko ang mukha niya. Mula sa napakagandang hugis ng kanyang kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Kung tutuusin ay napakaperpekto ng mukha ni Fred pero bukod doon ay binigay din sa kanya ang isang katangian na nanaiiba. Mabait at may respeto iyon yung bagay na siyang nagpaiba kay Fred sa lahat.

Ang lahat ay maganda at gwapo pero hindi lahat kayang irespeto ang kapwa nila...

...lalo na sa isang katulad ko.

Sinong magaakala na ang isang sikat na artista na si Fred ay mamahalin ang isang tulad kong pokpok. Sa simula at hanggang ngayon ay hindi niya sa akin na ipinadama na bayaran ako at napakaduming babae. Sa halip ay ipinakita niya sa akin ang likod ng mundo, na sa kabila pala ng mapanghusgang mundo ay may isang tao na hindi titingin sa kung ano ka bagkus ay kinilala niya ako kung sino ang tunay na ako.

"I miss you." biglang sabi ni Fred na hindi ko namalayan na nagising na pala. Hinapit pa niya ako lalo at mas isiniksik ang sarili sa akin.

"I miss you too."

"Pwedeng manatili na lang tayong ganito? Takasan natin ang mundo Christine. Handa akong talikurana ng lahat na meron ako, makasama ka lang." wika ni Fred at damang-dama ko iyon.

"Gusto kong gawin iyan pero kailanman ay hindi nayin matatakasan ang mundo kasi kailangan nating harapin ito."

"May problema ba?" tanong ko pa ng maramdman kong parang naiiyak siya.

"I'm okay becasue you're here. I just want to stay like this hmm baby." malambing na sabi niya.

"Fred uuwi nga pala ako sa amin sa susunod na araw dahil umayos na ang kalagayan ni nanay. Gusto ko rin niya kasi akong makausap." pagkwekwento ko.

"Can I come? Gusto kong magpakilala sa magulang mo Christine."

"Sige."

Wala kaming ibang ginawa ni Fred kundi ang manatili sa kama at magkayap na nagkwentuhan. Sa ngayon ay isinantabi namin ang problema sa labas.

Sa kabilang banda ay nakaramdma ako na tila ba ay dapat kong sulitin ang mga araw na kasama ko siya dahil mukhang nagsisimula na ang tadhana na subukin kami.

Ngayon alam ng lahat ay girlfriend ako ni Fred pero hindi nila alam ay nagpropose na siya sa akin. Nangako na siya at ibinigay na sa akin ang puso niya. Siniguro niya na sa akin lang siya at sa kanya lang ako.

Kasalukuyan kaming kumakain ni Fred ng gabihan.

"Magpakasal na tayo pagkatapos kong magpakilala kay nanay." sabi ni Fred at natawa ako sa kanya dahil naki-nanay na rin siya sa nanay ko.

"Nanay ko iyon wag kang mangaagaw." biro ko.

"Tss, magiging nanay ko rin iyon kapag kinasal na tayo." sabi niya. "Ano? Pakasal na tayo ha." nakangiting niyang saad at tumango ako. Sa hindi inaasahan ay tumulo ang luha ko sa sobrang saya ko.

Mahal na mahal talaga ako ni Fred.

Agad na lunapit s akain si Fred at pinunasna ang luha ko. "I love you Christina." saad niya sabay yakap sa akin.

"I love yout too Fred." sabi ko naman.

"Kumain na nga tayo. Ang drama nagin masyado." natatawa kong saad at bumalik siya sa upuan niya.

"Hindi tayo madrama. Sadyang mahal lang talaga natin ang isa't isa." napangisi  ako sa sinabi ni Fred at muli naming pinagpatuloy ang pagkakain.

Hindi umalis si Fred ngayon at dito napagpasyahan na matulog ngayong gabi. Mas naunang nakatulog sa akin si Fred marahil aa sobrang pagod.

Habang nakatingin sa kisame ay napahawak ako sa singsing sa daliri na ibinigay sa akin ni Fred.

Tutuparin ni Fred ang pangako niya na poprotektahan at ipaglalaban niya ako sa mundo. sambit ng isip ko at hinayaan ang sarili na makatulog.



M I S T E R C A P T A I N

Nasa Chapter 13 yung nagpropose si Fred kay Tin in case na nakalimutan niyo hehehe.

Salamat sa pagbasa!

Professor

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon