CHAPTER 37: JEALOUS

14.8K 369 279
                                    

CHAPTER 37
JEALOUS

      
Noong isang araw, kahapon at hanggang ngayon ay hindi ako mapakali ngayong nandito na si Fred. Palagi kong naiisip na anong gagawin at sasabihin kapag nagkita kami ulit dito sa loob ng school.

Nitong mga nakaraan naman ay nagtataka ako kay Crisha dahil sobrang saya niya. Hindi naman sa kung ano pero may iba akong nararamdaman sa kanya. Iba kasi iyong saya na nararamdaman niya kumpara noon.

Nandito ako ngayon sa faculty at may inaayos na kakailanganin para sa pagtuturo mamayang hapon. Kakatapos ko lang na magtanghalian at napagpasyahan ko na dumiretso dito.

Inilibot ko ang paningin ako sa paligid at may ilang mga teacher din na naririto at busy katulad ko. Agad naman nakuha ng atenyson ang pagbukas ng pintuan dito sa faculty room. Narinig ko ang tawanan at ang kwentuhan ng dalawang teacher na bagong dating.

Sumalubong agad ang kilay ko at matalim na tumingin sa dumating na teacher. Si Monica na isa ding teacher at ang katawanan at kakwentuhan naman niya ay si Fred.

Napatingin sila sa gawi ko nang bigla kong naihampas nang malakas ang mga kamay sa lamesa. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero gusto ko lang talaga hampasin ang lamesa habang nakatingin kila Monica at Fred.

"Sorry." paumanhin ko sa kanila dahil mukhang naputol ko ang landian nila ay este kwentuhan.

Muli kong ibinaling ang mata sa computer pero patago akong tumitingi  sa dalawa.

Ang landi ni Fred. May pasabi sabi pa siyang i miss you noong nakaraan tapos may kalandian naman pala ngayon. Mukha niya!

Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan kong isinantabi ang kalandian ni Fred at nagfocus na lang sa ginagawa. Napaangat naman ako ng tingin nang may kunalabit sa akin.

"Good Afternoon Ma'am Christine." nakangiting bati sa akin ng isang estudyabte at base sa kanyang ID Lace ay Grade 6 siya. Tiningnan ko ang kanyang pangalan sa ID at Jom ang pangalan niya.

"Good Afternoon." bati ko rin.

"Crush po kita Ma'am Christine Ang ganda at ang bait mo po." nakangiti niyang sabi at halatang pinipigilan na kiligin. Ilang sandali pa ay may iniabot siya sa akin na bulaklak at chocolate. Kaya pala nakatago ang isang kamay niya sa likod kanina.

"Hey Kid." napatingin kaming dalawa sa nagtawag sa kanya, si Fred.

"May girlfriend na si Ma'am Christine." sabi ni Fred kay Jom.

"Pero crush ko po siya at tsaka–" hindi na ni Fred pinatapos na magsalita siya at pinutol kaagad ito.

"I'm her boyfriend and soon to be her husband." mayabang na sabi niya at sinipa ko siya sa tuhod dahil sa sinabi.

"Tara na, Jom." sabi ko at hinawakan siya sa kamay para lumabas kami nang sabay. Bago tuluyang lumabas ay pinanlakihan ko ng mata si Fred.

Inihatid ko si Jom sa classroom niya at nagpasalamat sa ibinigay niya sa akin. Matapos nun ay bumalik na ako sa classroom dahil mag-a-ala una na ng hapon.

"Hi baby!" agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat nang sumulpot na naman si Fred sa harap ko.

"Juice colored naman Fred. Ilang beses mo ba ako gugulatin." inis king sabi sa kanya.

"Sorry na." aniya sabay kamot sa batok. "Alam mo ba kung bakit kita ginugulat?" tanong niya at napakunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko at nakita ko ang pagngisi niya.

"Syempre para shockin' ka na."

Namula agad ang mukha ko sa banat niya. Pinigilan ko na ngumiti at kiligin sa harapan niya dahil baka sabihin niya gusto ko siya. Tsaka hindi ko naman siya gusto kasi maha–

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon