Sachi.
"Alam niyo na ba?" pagtatanong ni Jeongwoo at inabot sa amin ang binili niyang ice cream at siomai.
"Syempre hindi pa." sagot ni Hera at napabusangot ang mukha ni Jeongwoo.
Hindi naman namin mapigilang matawa dahil sa sobrang manhid ni Hera, hindi niya alam na may crush sa kanya si Jeongwoo. Ito namang isa, ayaw umamin dahil alam niya nakafocus ang kaibigan namin sa pag-aaral niya.
"Magkakaroon daw ng sports fest next next week, kaya next week puro practice game." pagtutuloy ni Jeongwoo at tumango naman ako habang kumakain ng siomai.
"Baka may sasabihin ka pa?" tanong ng pinsan niyang si Ria at binuksan ang ice cream.
Halos pingutin na ni Jeongwoo si Ria pero pinigilan niya ang sarili niya. Tinignan ko naman ang kaibigang si Hera na mukhang inaantok na at ang babaeng nasa harapan ko na si Gia, walang ginawa kundi kumain nang kumain.
"Magkakasama ang mga section natin."
Muntikan na akong masamid sa sinabi ni Jeongwoo. Bakit magkakasama? Pwede namang hiwalay sa ibang section!
"Huy, hindi 'yan pwede! Malulugi kami kung sakaling makagrupo namin kayo!" dabog ni Hera na namumula na sa inis.
"Hindi naman kayo lugi sa amin, ang sama mo naman. Sa section 3-C kayo malulugi kung sila magiging kagrupo niyo sa sports fest." sinungitan siya ni Jeongwoo at iniwas nito ang tingin kay Hera.
Naramdaman ko naman na sinipa ni Ria ang mga paa ko sa ilalim ng lamesa at ngumuso siya sa bandang likuran namin ni Jeongwoo.
"Wa'g kang lumingon." bulong ni Jeongwoo at pinakinggan siya.

BINABASA MO ANG
Berry: W. Haruto
Fiksi Penggemar[Completed] "Alam mo bang masama 'yung masobrahan sa berry?" "Tanga, cherry 'yon." Tropang Treasure Series #1 Treasure's Watanabe Haruto