Sachi.
"Babalik na ako ng Australia."
Halos mabilaukan kaming tatlo nang marinig 'yon galing kay Hera. Umiling ako habang ngumunguya ng sandwich.
"Bakit?" halata kay Gia ang pagpapanic.
"Oo nga? Bakit? Okay ka naman dito? Top one ka naman ng section niyo! Maganda naman pagtuturo dito? Bakit kailangan mong lumipat? Bakit kailangan mong umalis?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Ria.
"Kailangan ako para sa family business namin. May sakit ang papa ko." naghari ang katahimikan sa'min at sinubukan kong ngumuya ulit ng sandwich.
"Kailan ang alis mo?" pagtatanong ko kaya sinamaan ako ng tingin nina Gia at Ria.
Nag-peace sign ako at kumagat ng malaki sa sandwich. Paano na kami kung wala si Hera? Sinong laging magpapaalala ng project at assignment? Sinong magpapahiram ng reviewer sa dalawang 'to?
"Kailan nga ba?" sabay na tanong ng dalawa at ngumuya pa rin ako ng sandwich.
Pare-pareho kaming naghihintay ng sagot kay Hera at bigla siyang napangisi.
"Bakit ka tumatawa dyan?" inis na sabi ni Ria.
Hindi sumagot si Hera pero tinignan niya kaming tatlo at huminga ng malalim.
"Wa'g mo na kaming bitinin, kung bukas edi bukas-"
"Next week."
Naubo ako bigla dahil sa gulat.
"Tubig!" tili ni Ria habang kinakalkal ang dala niyang maliit na bag na wala namang laman.
May biglang naglapag ng smoothie sa harapan ko at hindi na muna nagpasalamat.
Baka mauna pa akong mamatay kaysa sa salamat na kailangan niya!
Halos makalahati ko ang smoothie at tinatapik-tapik ko si Ria sa kaliwang banda ko na bumili ng tubig.
Berry smoothie pala ito! Buti na lang.
Magpapasalamat na sana ako sa nagbigay kaso biglang may umupo sa kanang banda ko.
Lalo ata akong nabilaukan.
Bakit nandito 'tong si Haruto?

BINABASA MO ANG
Berry: W. Haruto
Hayran Kurgu[Completed] "Alam mo bang masama 'yung masobrahan sa berry?" "Tanga, cherry 'yon." Tropang Treasure Series #1 Treasure's Watanabe Haruto