Sachi.
Ilang minuto na akong naghihintay pagkatapos sabihin sa'kin ni Jeongwoo na isesend niya ang address pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
Tinatawagan ko na ang mga phone nina Ria pero wala pa ring sumasagot. Kahit sa messenger ay nagawa ko na rin at sa ibang pang apps na ginagamit namin para makakonekta sa isa't-isa.
Inayos ko na lang muna ang higaan ko at nakakita ng maliit na papel.
Sulat kamay 'to ni Gia, ah?
Dalawang address ang nakita ko. Isang malapit sa school at sa isang malayo na halos makapunta na sa kabilang city.
Ito ba ang address na sinasabi nila sa gc?
Saan sila pumunta? Dalawa 'to?
Napagdesisyunan kong sa malayo na lang pumunta at kung wala man sila doon ay
pupuntahan ko ang isang address na malapit sa school namin.Agad akong pumara ng taxi at itinuro ang address. Buti naman at alam ng driver kung saan dahil marami raw pumupuntang turista sa address na iyon para maglaro ng mga sports.
Ibig sabihin, tama itong address na 'to!
"Kuya, pwede pong pakibilisan ang pagpapatakbo? Baka kasi makaalis na dun 'yung mga hinahabol kong tao."
"Okay po, Ma'am." pagkasagot ni kuya ay binilisan niya ang takbo pero biglang bumagal ulit dahil sa traffic.
Tinitignan ko na ang phone ko at nagiiscroll sa facebook. Ni isa ay walang online sa tropa ni Haruto pati na rin sa mga kaibigan ko.
"Ma'am, malapit na po tayo." tinanguan ko ang driver at naghanda ng perang ibabayad pero umatras ako agad.
"Kuya, pwede bang hintayin niyo ako sa labas ng sports center?"
"Opo, Ma'am." tumango itong muli at nagsimula ulit na magdrive.
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko na marinig ang mga busina ng sasakyan. Mas malakas ang kabog ng dibdib kong ito kaysa noong isang araw.
Nagsisimula na ring mamawis ang mga palad ko na sa tuwing kinakabahan lamang ako iyon nangyayari. Halos hindi na rin ako makahinga ng maayos.
"Nandito na po tayo." nilingon ko ang driver at binuksan ang pintuan.
Nanginginig ang mga binti ko at halos hindi na ako makalakad dahil sa sakit din na hatid ng puson ko.
Pagkabukas ko ng sports center ay agad akong sinalubong ng guard at nagtanong kung saan ang punta ko. Agad ko rin namang sinabi na sa area kung saan ang archery.
Nakwento niya ring may grupo na halos kasing edaran ko lang ang nagpunta dito ng umagang-umaga at hindi na raw siya magtataka kung pati ako ay kasali doon.
Sinong niloloko nito?
"Dito na po, Ma'am."
Binuksan niya ang double doors na gawa sa salamin at pag-angat ko ng tingin ay nandoon sina Jihoon, Hyunsuk, Yoshi, Junkyu, at Haruto na yinakap ni Sunny.
Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko ang mga kaibigan kong kakapasok lang sa pintuan.
Nabagsak ko ang phone ko at napatingin ang lahat sa akin. Nanlabo na ang mga mata ko at agad na pinulot ang phone. Naitulak ko pa ang guard dahil sa pagmamadali.
"Sorry po!"
"Miss, 'yung panyo mo!" sigaw ng guard na hindi ko nilingon.
"Sachi! Saglit lang, Sachi!" boses iyon ni Haruto.
Naramdaman ko ang mga yapak ng kaibigan kong tumatakbo para masundan ako pero ni lingunin sila ay hindi ko ginawa.
May alam ba sila dito?
Napagkaisahan ba ako? At ngayon pa talaga?
"Sachi! Hintayin mo kami!" sigaw ni Hera na naabutan ako at hinila.
Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng mga luha ko kasunod ng pagpunas ko rito. Tinignan ko ang likuran nila at nakita kong tumatakbo papunta sa pwesto namin sina Haruto.
"Bitawan mo ako." matigas kong sabi habang pinipilit na hilahin ang braso ko.
"Nakita ko 'tong papel na 'to sa sahig ng bahay namin. Sulat mo 'to, 'di ba, Gia? May alam ba kayo dito?" dagdag ko pa.
Nakita kong umiiyak na rin si Ria at halata na gusto niyang magsalita pero hindi magawa dahil sa talas ng tingin ko.
"Pumunta kami sa unang address dahil akala namin nandoon sila pero puno pala doon. Naipit kami sa traffic at ngayon pa lang nakarating-"
"Tama na!" sigaw ko.
"Bitawan mo ako, Hera. Sige na, bitawan mo ako." dahan-dahang bumitaw si Hera habang umiiyak at si Gia naman ay pilit akong yinayakap.
"Iwan niyo muna ako, please."
Bumuhos muli ang luha ko at iniwan sila doon. Rinig na rinig ko ang sigaw ni Haruto at ang reklamo niya sa mga kaibigan ko na bakit ako pinakawalan.
"Kuya, ibalik niyo na lang po ulit ako sa bahay namin." sabi ko agad pagkapasok ng taxi.
"Ma'am may humahabol po sa inyo."
Pagkalingon ko ay si Haruto na kinakatok ang pintuan at bintana ng taxi.
"Hindi ko po siya kilala, kuya. Sige na po, alis na po tayo."
BINABASA MO ANG
Berry: W. Haruto
Fanfictie[Completed] "Alam mo bang masama 'yung masobrahan sa berry?" "Tanga, cherry 'yon." Tropang Treasure Series #1 Treasure's Watanabe Haruto