Sachi.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at napatingin sa'kin ang mga katabi ko. Ang mga mata pa nila ay nagtatanong na saan ako pupunta dahil katatapos lang ng break time namin at ilang minuto na lang ay papasok na ang subject teacher para sa next subject.
"Sachi?" tanong ni Ria habang tumatawa.
"May meeting daw ang mga secretary. Una na ako."
Iniwan ko sila doon at nakitang kinindatan ni Gia. Si Hera ay nasa Section 1-A at kaming tatlo naman ay nasa Section 2-B.
Ang nakapagtataka lang kay Jeongwoo, bakit siya gumawa ng gc na kaming apat lang talaga? Ang lakas naman ng tama niya kay Hera at paniguradong magpapatulong pa siya.
At kung minamalas ka nga naman, naiwan ko pa ang ballpen ko. Hindi naman kasi secretary si Jeongwoo ng section nila kaya mahihirapan akong makipagusap sa ibang secretary. Hindi rin naman secretary si Hera ng section nila dahil siya ang president.
Sinong mahihiraman ko ng ballpen?
"Sachi!"
Napalingon ako sa tumawag at nakitang si Jeongwoo iyon. Napangisi siya at kumindat.
"Ano?" diretso kong sagot at inirapan siya.
"Isama mo 'tong si Haruto. Siya ang bagong secretary ng Section 4-D, ipinalit kay Rikki."
Tinignan ko ang sinasabi niyang Haruto at tinaasan ng kilay. Ano bang mayroon sa lalaking ito at tuwang-tuwa sina Ria at Gia? Lagi na lang nilang nakwekwento pwera kay Jeongwoo.
"Bakit siya ang ipinalit? Hindi naman mukhang maganda ang sulat."
Nakita kong pinigilan ni Jeongwoo ang tawa niya at nang dahil doon, nabatukan siya ni Haruto.
"Bilisan mo, Haruto. Magdala ka ng papel at ballpen." sambit ko at hinila ni Jeongwoo si Haruto papasok ng classroom para kunin ang mga habilin ko.
Hindi na lumabas si Jeongwoo at tinulak na lang ang kaibigan niya.
"Sumunod ka lang."
Umakyat na kami sa second floor at dumiretso sa classroom nina Hyunjin. Pagkadating ay hindi maiwasan ang tilian.
Hindi ko alam kung dahil ba kay Haruto o dahil kay Hyunjin na may gusto sa'kin.
Malay ko.
"Ms. Sachi Nakashima, you can seat beside Hyunjin."
Tumango ako at lalong nagsitilian ang mga nasa likuran. Hindi ko na sila pinansin dahil namomroblema ako sa ballpen.
Tinignan ko si Haruto na tumitig pabalik.
"Saan ako?"
Napalaki ang mata ko at sinipa ang sapatos ni Haruto. Teacher 'yon nina Hyunjin at paniguradong narinig siya nito!
"Anong sinabi mo, Mr. Watanabe?" tanong ng teacher at napatayo sa kinauupuan niya.
Sinipa ko ulit ang sapatos ni Haruto kaya napatingin siya sa'kin.
"Gusto ko pong katabi si Sachi." diretso nitong sagot at tinignan ulit ako pabalik.
Inirapan ko siya at napasandal sa upuan. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na napatingin si Hyunjin sa akin at iginala ang mga mata niya kay Haruto.
"Kaano-ano mo siya?"
"Kaibigan ko."
Tinignan ko na ang teacher sa harap at nagsimula na siyang mag-discuss sa kung anong naka-assign sa amin sa practice game.
Napansin ni Hyunjin na hindi ako mapakali kaya tinalikuran ko ang banda niya at napaharap sa kanan kung nasaan si Haruto.
Nakita kong napangisi siya habang nakatingin sa harapan at nagsusulat. Sinilip ko ang papel at nakitang ang pangalan lang ng tropa niya ang nasa papel.
"Bakit hindi ka nagsusulat?" bulong ko para hindi marinig ng teacher at iba pang secretary na kasama namin.
"Bakit hindi ka rin nagsusulat?" lingon niya at inilapag niya ang ballpen sa desk ko at sumandal sa upuan niya.
"Nasa number eight na at wala ka pang sinusulat dahil wala kang ballpen. Gamitin mo 'yang akin."

BINABASA MO ANG
Berry: W. Haruto
Fanfiction[Completed] "Alam mo bang masama 'yung masobrahan sa berry?" "Tanga, cherry 'yon." Tropang Treasure Series #1 Treasure's Watanabe Haruto