034

29 1 0
                                    

Sachi.

Pinatay ko na ang phone ko dahil malapit ng magsimula ang practice game. Nakita ko sa kanang banda ko ang buong Tropang Treasure pati na rin ang tatlong itlog kong kaibigan na kakaupo pa lang.

Marami pang inaannounce lalo na sa mga gustong sumali ng mga school club na magbubukas next month.

Malakas ang kabog ng dibdib ko, kinausap ako kanina ng archery coach namin na gusto niya ulit akong gawing team captain. Pero nagbago ang ikot ng orasan nung nalaman niyang bumalik si Sunny.

Kaya ang target ko ngayon na kahit practice game ay matalo si Sunny.

At kung hindi man palarin, hindi ako papayag na makuha niya si Haruto mula sa'kin.

"The first player would be from Section 2-B, group five, the former and future team captain of the archery team, Sachi Nakashima!"

I heard a lot of claps and noises, pero nangingibabaw pa rin ang kabog ng dibdib ko.

"Go Sachi!"

Hindi ko sinasadyang mapalingon sa pwesto nina Hera, nakita ko si Haruto doon na may dala pang banner. Napailing na lang ako at inalis muna sa isipan ang mga sinabi nila sa groupchat kanina.

Kung practice game lang ito, ayos lang ang matalo sa kung sino mang kalaban ko, pero hinding-hindi ko aatrasan si Sunny.

She did everything to ruin me. The entire soul of mine and my heart are now wounded.

I thought she was a friend but she isn't.

"The second player we have come back from the land of the United States of America to claim once again her place. None other than Sunny Lim!"

No one clapped aside from her alipores. Buhay pa pala ang mga iyan, akala ko noong umalis siya ay umalis na rin pero nanatili at paniguradong pinanood ang bawat kilos ko simula noong umalis ang bruhang Sunny na ito.

Nagsimula na ang laro at ang kabog ng dibdib ko ay biglang nawala. Agad akong nakapuntos ng sampu at siya naman ay walo.

The commentator is with me, palaging ako ang napupuri niya kaya lalong naiinis si Sunny at hindi makapagfocus sa game.

Nang magsunod-sunod ang pagpuntos ko ng sampu ay hindi na siya nakahabol pa.

Narinig ko ang malakas na tunog, hudyat na tapos na ang practice game naming dalawa. Inayos ko ang mga gamit ko at uminom ng tubig.

Naramdaman ko naman ang mga yapak niya at alam kong nasa likod ko na siya. Nakarinig pa ako ng boses at alam kong si Gia iyon.

"You better watch the real game next week, Sachi." Sunny tapped my right shoulder and grinned.

Huminga ako ng malalim at nakita sa gilid ng aking mga mata ang papalapit na si Renjun. Umirap na lamang ako at hinarap siya ng mabuti.

"I don't want to watch because I am born to play. You know that, Sunny."

Iniwan ko na siya doon na nakatulala at nakitang papalapit na sina Gia. I can see that Ria's eyes twinkled, is she crying?

Berry: W. HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon