Sachi.
"Sachi, saan 'to ilalagay?" nilingon ko si Junkyu na may hawak-hawak na mga upuan.
"Doon po sa loob." sabay turo ko sa loob ng bahay.
We are here in our rest house at halatang ganado ang lahat. Kuya Rio with our cousins, Fei and Ryuki is still sleeping inside.
Some of them are preparing their things, and there, I saw my boyfriend walking towards me.
"Aren't you going to rest?" Haruto asked while holding my hand.
"Hindi pwede. Kita mong nagaayos pa tayo dito."
"Kailan ang laban mo for nationals?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa mga kaibigan.
"Next month." Haruto nods and helped Asahi to carry more chairs inside the house.
"Sachi!" ang boses nanaman ni Ria ang naririnig ko.
"Bakit?" nakabihis na siya ng pang-beach at natawa ako dahil nasa likod niya kanina si Jaehyuk na mukhang naiinis nanaman.
"Si Gia hindi ako pinapansin."
"Ha? Bakit naman?"
"Kausap niya lagi si Hiro! Nagtatampo na ako!"
Tinignan ko si Gia na nakaupo sa isang gilid habang hawak-hawak ang phone. Mukhang namomroblema sa signal kaya natawa pa ako.
"Tinatawanan mo pa ako?" tinuro-turo pa ni Ria ang sarili niya.
"Hindi! Tignan mo kasi si Gia, may problema sa signal."
"Hay nako. Itapon ko kaya ang phone niya sa dagat?" napangisi si Ria kaya binatukan ko naman.
"Pumasok na lang tayo sa loob."
Aya ko sa kanya pero bago pa mangyari iyon, nakita ko si Haruto na karga-karga si Fei at hawak naman ni Ryuki ang kaliwang kamay niya.
"Ayan na pala ang boyfriend mo, maiiwan nanaman akong mag-isa."
"Ang oa mo, sumama ka na lang sa'kin." ngisi ko sa kanya at nakita kong tumakbo papunta sa amin si Ryuki.
"Para kayong happy family!" aliw na sabi ni Ria habang kinukuha si Fei sa braso ni Haruto.
"Still not in mind, Ria! Ang babata pa!" reklamo ko sa kanya at kinarga si Ryuki.
"What do you want to eat?" I asked her and she just giggled.
"Pancake." si Fei ang sumagot na karga ni Ria.
"Haruto, kaya mo bang magluto ng pancake?" agad na tanong ni Ria sa nakapamewang na lalaking kanina pa nakatingin sa amin.
"Oo naman." nagpaalam na muna si Haruto at tinawag si Mashiho.
"Bakit kasama pa si Mashi?" tanong ni Ria na nagtataka.
"Alam mo na 'yon, magluluto, e." sabay kaming natawa at nakarinig ng mga tawanan.
"Fei! Ryuki!" tawag nina Jihoon at agad na nakalapit sa amin.
Naninibago pa ang mga bata sa kanila pero hindi naman umiyak. Hindi rin nagtagal ay nakipaglaro na ang dalawa sa mga kaibigan namin. Nakakarinig ako ng reklamo sa aso't pusa na kasama namin dahil gusto nilang kargahin si Fei pero hindi ito lumapit. Kay Asahi siya nagpakarga at tuwang-tuwa pa.
"Look at these guys, alam na alam mo talaga na magiging mabuti silang ama in the future." sambit ni Gia na nasa tabi ko na pala.
"Nasaan ang boyfriend mo?" Gia suddenly asked habang inaayos ang mga bag. Tumulong ako habang ipinapasok ang mga bag sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Berry: W. Haruto
Fanfiction[Completed] "Alam mo bang masama 'yung masobrahan sa berry?" "Tanga, cherry 'yon." Tropang Treasure Series #1 Treasure's Watanabe Haruto