Sachi.
"Wa'g nga kayong umiyak!" reklamo ni Hera habang tinutulungan nina Haruto na ilagay ang mga bagahe niya sa kotse.
"Ihahatid niyo pa ako sa airport, ang oa." irap ni Hera at inayos ang shoulder bag niya.
Kung ako rin kaya ang umalis three months ago, anong nangyari?
Maghihintay ba si Haruto?
Makakaya ko kaya?
Iiyak ba sina Gia at Ria?
"Bakit ka tulala dyan?" kalabit ni Ria at inaya na akong pumasok sa kotse nina Haruto.
"Naisip ko lang kung ako kaya 'yung umalis three months ago, anong magiging reaksyon niyo?" sinapok niya agad ako at tumingin sa bintana.
"Alam mo namang hindi ko makakaya na wala ka sa tabi ko. Si Gia pa nga lang pinagtitiisan ko, ikaw pa kaya?" kinurot ko siya sa tagiliran at sabay kaming natawa.
"Buti hindi ka umalis. Pero siguro hahabulin ka naman ni Haruto sa airport, alam mo 'yung mga movie na gano'n? Tapos hindi ka makakaalis kasi nandyan na siya, o 'di kaya hindi ka tutuloy kasi mahal na mahal mo siya. Meron pa! Pwedeng makaalis ka tapos aalis ka dito and then after two years, babalik ka, mas maganda na at ayon! Doon kayo magkakatuluyan ni Haruto."
Siya naman ngayon ang sinapok ko.
"Loka ka! Kung ano-ano na lang naiisip mo. Pero 'yung huli, hindi ko naisip 'yon. Kasi alam kong kung sakali mang bumalik ako sa Japan o tumuloy sa Canada, marami pang taon ang bibilangin bago makauwi dito."
Nakarinig ako ng humihikbi at nakitang si Ria 'yon. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil kagabi pa siya umiiyak habang nasa sleepover kami.
"At kung hindi ako makabalik, alam ko na iba na ang makakatuluyan ni Haruto."
"Gaga. Hindi 'yan totoo! Alam mong gagawa at gagawa ng paraan si Haruto kung sakali mang umalis ka. Malay mo sundan ka niya sa Japan!"
"Eh kung sa Canada ako tumuloy?" tinignan ko siya at binigyan ng tissue.
"Saglit maghintay ka sisinga lang ako."
"Ano ba naman 'yan! Kadiri ha!"
"Akala mo ikaw hindi sumisinga kapag umiiyak at may sipon!" reklamo niya at hindi ko na lang siya sinagot pa.
Sumama ang buong tropang treasure dahil oo nga naman, ito na muna ang huli na pagkikita namin.
Ang pinsan naman ni Ria na si Jeongwoo, nagdalawang-isip pa kung sasama. Inamin ni Hera sa aming mga babae kagabi na binasted niya agad si Jeongwoo dahil ayaw niya 'tong paasahin, ang totoong rason e, aalis siya at ayaw niyang paghintayin si Jeongwoo.
Naiintindihan naman niya iyon kaya unti-unti na siyang nakakamove on kay Hera.
"Ready to go na!" sigaw ni Jihoon galing sa labas at tumabi na sa akin si Haruto sa loob ng van.
"Hindi ko talaga alam kung bakit ba kita tinabihan, Sachi. Nandyan nga pala si Haruto." natawa naman ang katabi ko at sumilip si Ria sa likuran.
"Hoy Jaehyuk! Gumising ka nga!"
Naramdaman ko namang isinandal ni Haruto ang ulo niya sa balikat ko. Nakaya niya 'yon? Sa tangkad ba naman!
"Ang sarap ng tulog ko tapos gigisingin mo ako? Bumaba ka na lang kaya?"
"Ikaw kaya ang pababain ko? Van namin 'to mahiya ka naman!"
Hinawakan ni Haruto ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.
"Matutulog ako habang nasa byahe." bulong niya at tumango ako kaagad.
"Umusog ka na, Jaehyuk! Bilisan mo naman!"
"Saglit 'yung banana milk ko baka maapakan mo!"
Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa sagutan ng dalawang nasa likod.
"Sigurado ka bang makakatulog ka?" bulong ko kay Haruto habang inaayos ang buhok niya.
"Hmm." tanging sagot ng mokong dahil unti-unti na palang nakakatulog.
"Jaehyuk!"
"Ano ba, Ria!"
"Wa'g kayong maingay, natutulog si Haruto." saway ko sa dalawa.
"Wala kaming pake!"
Sabay na sagot nina Jaehyuk at Ria. Nagsimula na rin ang byahe namin.
Nang makarating sa airport, ang mga iyak lang nina Gia at Ria ang tanging nangingibabaw. Nasa gilid ko si Haruto na parang bata at hawak-hawak ang kanang kamay ko.
"Magpaalam ka na kay Hera." sambit ni Haruto at binitawan ang kamay ko.
"Ay salamat naghiwalay rin!" boses ni Jihoon.
"Kanina pa kayo magkadikit. Akala mo na glue na sa isa't-isa." reklamo ng bitter na si Junkyu.
Nasabi ko na rin kay Junkyu na nakita ko siyang may kayakap sa hallway ng building nila noon at sinabi niyang pinsan niya daw iyon. Hindi ako naniwala hanggang sa nagawa niya pa akong ipakilala sa pinsan niya.
Lumapit na ako kay Hera na inaabangan ang yakap ko.
"Sachi, ninang ako."
Tinapik ko naman ng pabiro ang balikat niya.
Sa sobrang higpit ng yakap niya akala mo hindi na talaga siya babalik."Binibiro lang kita. Ang babata pa natin, sa susunod na sampung taon na lang ang inaanak ko."
Napaiyak na ako sa balikat niya dahil paniguradong mamimiss ko siya ng sobra. Ayaw man niya sa lasa ng berry, mamimiss ko ang best friend ko.
"Tama na 'yang yakap, nakakasobra na si Hera." Haruto's deep tone voice made us laugh.
"Masosolo mo naman si Sachi pag-uwi! Tigilan mo ako!" kumalas na nang yakap si Hera para makausap ang iba.
Pinunasan ko ang luha ko at naalala ang mga iniyak kay Haruto.
"Wa'g ka ng umiyak, Sachi. Alam kong maganda ka pa rin kapag umiiyak kaya itigil mo na 'yan."
Bulong ni Haruto pero narinig ng lahat.
"Ang pag-ibig nga naman!" sabay na sabi nina Ria at Jaehyuk dahilan para mag-away nanaman sila.
"Sa kakaaway niyo, baka kayo 'yung magkatuluyan."
Both of our friends are here, our closest ones.
I smiled. Watanabe Haruto is my home.
BINABASA MO ANG
Berry: W. Haruto
Fanfiction[Completed] "Alam mo bang masama 'yung masobrahan sa berry?" "Tanga, cherry 'yon." Tropang Treasure Series #1 Treasure's Watanabe Haruto