Kabanata 4
Kasalukuyan
The subscriber cannot be reach-
"Tsk." pasalampak akong humiga sa kama at muling tinignan ang screen ng cellphone ko.
Bakit ba hindi nya sinasagot?
Muli akong pumindot -pindot sa cellphone ko habang nagpakawala ng buntong hininga. Nakakainis naman. Sabi nya tutulungan nya ako.
Pumikit muna ako ng mariin bago muling nagtungo sa contacts at pindutin ang number na may pangalang 'tokmol' na naka phonebook sa contacts ko.
Lumampas na sa tatlong ring pero wala pa rin. Ano bang ginagawa nya? Hindi naman sya ganito dati a.
"Ah'' ngumiti ako ng mapait. Baka naman nakipag-date na sya imbes na samahan nya ako. Para akong biglang nakaramdam ng pait at inis sa iniisip.
Ha! Iniling-iling ko ang ulo at sinabunutan ang sarili. Ano naman kung naki-pag date sya. Pake ko ba?
Hindi naman sa nag dedemand ako. Pero sya kasi yung kusang nagsabing tutulungan nya ako. Pwede nya namang i-text sa akin kung busy sya. Hindi yung ganitong ini-indian nya ako.
Tokmol din talaga yun kahit kailan.
Simula nang nakilala ko sya hindi na nagbago. Isip-bata pa rin. Tokmol pa rin.
Grade 10 ako nun at mag-isang naglalakad sa kalsada. Tapos may narinig akong malakas na preno. Napapitlag pa nga ako at napasigaw ng darna sa sobrang gulat.
Tapos pagharap mo pa nakabalandra ang gwapong mukha. Nakangiti sya habang kamot-kamot ang batok. Nakatinghala ako sa kanya dahil mataas syang tao. Kahit nakaupo sya sa bisikleta ay hanggang sa kanyang leeg lang ang inabot ng height ko.
Napanganga ako ng makilala sya. Suot-suot nya pa ang kanyang pinagmamalaking ngisi.
Oo, I admit gwapo sya. Pero di ko yun sasabihin. Para san pa?
May alipunga ba sya sa batok? Bakit makati ba? Ba't ba sya nagkakamot.
"Sakay na." maliit na ngiti ang nakasupil sa kanyang labi at nahihiyang nag-alok.
Para akong naestatwa. Totoo ba 'to?Nakatitig lang ako sa mapungay nyang mga mata. Para akong hinihigop nun, maski pagpikit nya at ang paggalaw ng kanyang mahabang pilik-mata ay pinapanood ko. Bumaba pa ang tingin ko sa kanyang ilong, sumisigaw yun sa kagandahan na aakalain mong inukit ng isang magaling na sculptor. Ngumiti pa sya, kaya lumitaw ang biloy sa makinis nyang pisngi.
Totoo ba 'to? Inaalok nya ako ng sakay. Ako na si Gael na nagmamadali ng pumasok dahil takot mahuli ng guard at paglinisin ng cr.
Ako na tumakbo na palabas ng bahay matapos dumaan sa kusina para lang humigop ng kape at nag-ipit nalang ng tinapay sa bibig para lang kainin sa daan. Ako na pagkatapos maligo ay hindi na nagsuklay?
Bakit ganito? Kung alam ko lang sana na may gwapong lalaking mag-aalok sa akin ng sakay dapat nagpolbo man lang ako. Ano ba naman 'to.
"Halla? Ms. Timang!" Napailing iling ako sa gulat.
"Aray!" Para pa akong namanhid ng umpisa ngunit ng gumuhit sa akin ang sakit dala ng pitik nya, ay masama ko syang tinignan. Tokneneng na 'to. Bakit ba ako pinitik sa noo, masakit yun a.
"Ba't ka nakatitig? Crush mo'ko no? To naman inalok lang ng rides na inlab na agad. Dapat pala dati ko pa ginawa" hindi ko na gaanong naiintindihan ang mga huli nyang sinabi. Ano bang pinagsasabi nya? Nagtagis na agad ang ngipin ko sa galit.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Sulat Ni Nueve Kay Mercedes
Historical Fiction"Past is an event that could probably happen to make the present." Ang storyang ito ay naglalaman ng mga kasulatan ni Lukas sa kaniyang iniibig na si Mercedes. Mga sulat na tila tinangay ng hangin at naglakbay sa panahon. Napadpad sa dalawang palad...