Kabanata 12
1897
Isang linggo.
Isang linggo na naman ang lumipas. Kasabay ng pagpapalit ng dahon ng puno ng mangga ang bawat pagpatak ng segundo. Napakabilis ngunit nakakahindig. Noong nakaraang araw ay napag-pulungan na namin ang mga sususunod na hakbang. Nariyan ang pag-iingat sa bawat galaw sapagkat maari kaming matunton sa isang making kilos.
Hindi ko din batid kung sino ang totoong paniniwalaan. Maraming traydor, at hindi naming lubusang nababatid kong napasok man ng lobo ang aming kampo.
"Maghanda kayo, darating ang ating mga panauhin na nagmula pa sa Maynila." Himig iyon ni Heneral Magno na nasa itaas na bahagi nitong Mwerte. Sapat para sa lahat ng naririto upang marinig ang kanyang sasabihin.
Naibilin niya nitong mga nakaraang araw ang pagdating ng mga armas pandigma ng mga katipunero. Sinubukan raw ng mga taga-centro na pantayan ang mga armas ng kalaban. Para kahit papaano man ay may pantapat at maging patas naman ang digmaan.
Ang mga sibat ay nagmistula na lamang karayom sa lakas ng mga kanyon ng mga Kastila. Hindi pa kami nagkakalapit ay siguradong kumalat na ang aming mga utak sa kaparangan. Walang kalaban-laban.
Ilang sandali pa ay umingay ang labas ng Mwerte. Katunayan na pagdating ng mga panauhin. Bumaba ang mga kalalakihan na nagtataglay ng desenteng kasuutan, ngunit kahit gaano pa man ito karangya, hindi nito nagawang itago ang lungkot sa Ginoong may suot.
Bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa pagkabigla sa pagdating ng hindi inaasahang bisita. Napahakbang pa ako ng ilang metro palapit sa sasakyan ng kakampi na nagmula pa ng Maynila.
Heneral Sebastian?
Napalunok pa ako ng ilang beses at muling humarap sa desenteng Ginoo na may bitbit na mga armas. Mga baril pandigma.
Bakit s'ya naririto? Hindi ba ay kaalyansa nila ang mga Kastila? Kung gayon ay bakit nakikipagtulungan sila sa amin ngayon. Tinapunan ko sya ng tingin dahilan lamang para masalubong ko ang malungkot nyang mga mata.
Ano bang binabalak ng anak ng Gobernadorcillo? Kung pagmamanman lamang ang dahilan ng kanilang pagparito ay kinakailangan namin ng lubusang pag-iingat. Hindi namin lubusang kilala kung sino ang kakampi at kaaway.
"Ginoong Lukas." Hindi nag-aalis ng tingin na baling nya sa akin. Bakas sa kanyang itsura ang pagkabigla na makita ako ngayon sa Mwerte. Tinaasan nya ako ng kilay at may pagtatanong ang kanyang mga mata.
Umakto akong hindi naapektuhan sa kanyang pagdating. Normal lamang at kaswal na pagkilos na lumapit ako kay Ginoong Sebastian. Anak na lalaki ng Gobernadorcillo at nag-iisang kapatid ni Mercedes.
"Ginoong Sebastian." Tinanguan ko sya, saglit pa ay naglahad sya sa akin ng kamay. Ang nakakuyom kung palad ay pilit kong binuksan masuklian lamang ang ginawa nya sa aking pagbati.
Isa pa ay may pinagsamahan din kami ng Ginoo. Hindi sya naging tutol sa relasyong mayroon kami ni Mercedes. Subalit kung ibabase sa sitwasyon ngayon ay malamang na marami ng nagbago.
"Hindi kita inaasahan sa lupon na ito, Ginoong Lukas. Ang buong akala ko ay sa alyansa ng mga kaviteño ka umanib." Mapanuri nyang saad.
Sa pagkakataong ito ay senelyuhan ko ang aking bibig. Mas maigi na munang manahimik, tutal ay masyado ng personal ang ibinato nya sa akin.
"Masayang pagbati, Sebastian." Tanging sagot ko at nakipag-tulungan na sa mga bisita upang ibaba ang mga armas.
Alam kong hindi ito ang tamang oras para magtanong ako ng ukol kay Mercedes. Naririto ako upang makipag-alyansa. Iyon ang itinanim ko sa isip bago tuluyang pumasok sa loob ng lihim na gusali.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Sulat Ni Nueve Kay Mercedes
Historical Fiction"Past is an event that could probably happen to make the present." Ang storyang ito ay naglalaman ng mga kasulatan ni Lukas sa kaniyang iniibig na si Mercedes. Mga sulat na tila tinangay ng hangin at naglakbay sa panahon. Napadpad sa dalawang palad...