Kabanata 11

10 3 0
                                    

Kabanata 11

"Pini-picture-ran mo ba ako?" Nakakunot noo na tanong ko matapos humigop ng kape. Nakataas kasi yung cellphone ni Kael at halata namang nakatutok sa akin.

Dito na kami dumerecho pagkatapos ng jogging. Pagkabukas nitong bake-shop ay dito na ako hinila ni Kael. Swerte dahil may coffee machine, mas naktipid ako.

Napa-ismid ako sa kanya. Hindi pa nagsabi kong gusto akong gawing model ng kape. Papayag naman ako e. Nakita ko kung paano nagpantay ang makapal nyang kilay.

Nag-posing-posing kasi ako. Yung kunwaring humihigop ng kape. Meron pa yung naka-fierce ako habang hawak yung tasa. Higop ulit. Pa-cute sa camera. Fierce. Kaso bigla akong tumigil. Binaba nya na kasi yung cellphone nya. Medyo epic.

"Ginagawa mo?" Nag-iwas sya ng tingin at mahinang umubo. Nabilaukan ata sa iniinom nyang kape. Buti nga! Nang silipin ko sya ay pulang-pula na ang mukha nya.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Bahagya kong hinagod ang kanyang likod. Akala ko magiging okay na sya pero mas lalo syang nahirapan huminga.

"Gael, hindi ka nakakatulong." Mahinang saad nya, halatang nahihirapan.

Huh? Ganito kaya yung ginagawa kapag nabilaukan. Hinahagod yung likod. Kumunot ang noo ko at muling binigwasan yung likod nga. Este hinagod.

"Hala, sorry." Paghingi ko ng tawad. Sinimangutan nya lang ako at tumayo na. Mukhang nakabawi na sya sa nangyari. Kaso yung mukha nya mukang nalugi.

Nang nasa daan na kami pauwi ay hindi namin naiwasan ang mga bulungan at matatalim na tingin ng mga tao sa paligid. Nang sumikat na kasi ang araw ay nagsilaban na ang mga tao. Panibagong araw na naman!

Hay! Napasinghap nalang ako. Nakatakas nga tayo sa pang-aalipin ng mga dayuhan. Pero sa paraan ng pag-uugali ng ibang tao, dinaig pa ang pang-aalipusta ng mga dayuhan.

Hm? Kailan kaya mawawala ang isyu sa pinas?

Bago pa tuluyang sumakit ang ulo ko mula sa nakikita ay hinila na ako ni Kael. "Bilisan na natin, makikikain ako sa inyo ng tanghalian ha." Saad nito at mabilis na kaming lumayo sa mga tao. Pati sya ay naalibadbaran na rin mula sa nakikita.

Sumalubong sa amin ang isang pamilyar na kotse nang nasa tapat na kami ng aming bakuran. Dumantay sa akin ang excitement at kaba nang napagtanto kung bakit nandito ang kotse na yan.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Mabilis akong pumasok sa loob ng aming bahay para mapatunayan ang iniisip ko. Hindi ko na napansin kong nakasunod pa ba sa akin si Kael.

Sa aming living room ay nabungaran ko ang isang matandang lalaki na prenteng nakaupo sa sofa. Busing-busy sa hawak nitong... cellphone?

Napangiwi ako. Pero hindi ko din mapigilang ngumiti sa nakikita.

"Lolo!" Masayang bati ko para makuha ang kanyang atensyon. Pero wa epek. Patuloy lang sya sa pag-scroll sa hawak nyang cellphone. Ano na naman kayang ginagawa nya? Mahilig kasi syang mag-facebook e, mukhang nalunod na naman sya kaka-browse.

Lumapit ako sa kanya, mukhang doon nya lamang napansin ang aking presensya. "Lolo." Sambit ko, may halo yung pangungulila. Na-miss ko sya.

Ang Mga Sulat Ni Nueve Kay MercedesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon