1897
"Hindi ba't mas nais ni ina na manatili ka na lamang na tahimik sa iyong lungga." hindi ako mapakali at makapaniwala mula sa narinig sa aking kapatid.
Paano ako matatahimik, kung gayong unti-unti kong nakikita ang pagbuhos ng dugo sa mga kalye. Ang pagkaubos ng mga sundalong Pilipino sa pakikipaglaban sa mapag-aliping mga kastila.
Hindi ako makakapayag!
"Hindi ko ito ginagawa sa ganang aking sarili lamang Juancho! Iniisip ko lamang ang bansa, ang mga tao." Hawak ang aking sintido ay nagbaba ako ng paningin. Hindi ba't kami dapat ang labis na nakauunawa. Lantaran na ang pagpapasakit sa atin, ngunit nananatili tayong bulag sa katotohanan.
"Para sa mga tao?! Para sa bayan! Nahibang ka na ba Lukas?" Hindi mapakaniwala nitong wika habang duro-duro ako ng kanyang hintuturo.
"Hmmm" sinuot nito ang kakaibang ngisi at umiling. "Akala mo ba'y madadaya mo ako, Lukas. Isang gwardya sibil ang namalita sa akin na patuloy ka pa ring nagpadala ng mga liham kay Mercedes, ano bang nakukuha mo sa iyong pagkilos. Wala! Kundi kapahamakan lamang. Tigil-tigilan mo na yan kung nais mo talagang maligtas ang ating bayan" walang pasubali nya akong nilisan matapos magbitaw ng mga salita. Halos lumuwa ang kanyang litid sa galit, nanggagalaiti. Mabuti nang umalis sya upang makapag-palamig ng ulo.
Sa aking pag-iisa ay mataman akong nag-isip tungkol sa kanyang mga salita. Sino naman ang maaring namalita sa kanya. Batid ko ring wala namang masamang dulot ang aking pagbibigay ng mensahe, sapagkat yoon naman talaga ang aking nais.
Nagtungo ako sa aming lutuan at kumuha ng tasa. Matapos kung uminon ay agad na akong nagtungo sa aking munting silid.
Dito sa silid na ito nagsimula ang aking mga pagkilos. Na kailanman ay hindi nabigyan ng pribelehiyo.
Tahimik akong umupo sa mataas na bangko upang harapin ang mesang gawa sa kawayan. Martes ngayon, kaya malaya kong maipupuslit ang liham para makarating kay Mercedes.
Iniibig kong Mercedes,
________________________________________
Anunsyo: 'Kabanata 1" na ang susunod. Nawa'y patuloy ninyong basahin. :)
BINABASA MO ANG
Ang Mga Sulat Ni Nueve Kay Mercedes
Ficción histórica"Past is an event that could probably happen to make the present." Ang storyang ito ay naglalaman ng mga kasulatan ni Lukas sa kaniyang iniibig na si Mercedes. Mga sulat na tila tinangay ng hangin at naglakbay sa panahon. Napadpad sa dalawang palad...