Kabanata 7

45 10 10
                                    

Kabanata 7

Kasalukuyan

"Love na love na love kita
Di mo ba nadarama..
Love mo rin kaya ako
Cross my heart baby I love you"

Ay mukhang tokmol talaga ang tokneneng na'to. Lakas ng trip kumanta, dito pa sa canteen nakuhang mag-concert.

Ayan tuloy, naging sentro kami ng mga mata ng mga chismosa at etchosera.

"Hoy Kael" pasimpleng bulong ko.

"Love na love..." Napasapo na lang ako sa mukha.

"Kael yang bibig mo" pinandilatan ko sya ng mga mata.

"Bakit ayaw mo ba?" Inosententeng tanong nya. Nakakunot pa ang noo.

Ano bang klase ng tanong yun?

"Obvious ba?" Asar na balik ko sa kanya. Nagpipigil ng ngiti. Ewan ko ba kung anong nakain ng lalaking ito, ang  lakas ng saltik.

"Fan pa naman ako ng luv u" Saad nito at nagpalabi pa. Sarap kurutin sa singit.

"Ano?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko sya gaanong naintindihan, na-distract ako sa mukha nya. Bakit may panguso-nguso pa syang nalalaman.

"Luv u!" Singhal nito sa mukha ko. Mukhang napalakas yata, dahilan kaya umingay ang buong canteen. Lumaki din bigla ang mata ko sa sinabi nya.

Yung mga tao naman sa canteen nakisali pa. Mukhang mali yata ang pagkakaintindi nila.

"Awit! Love confession sa canteen"

"Sabi e, hindi lang talaga sila magkaibigan. Sus! nagdadahilan pa, obvious na obvious naman sila"

"EL couple!"

"Hoy Gael 'love you' daw!"

Siomai! Mga walang magawa sa buhay. Bakit ba hindi mawala-wala ang issue sa Pinas?

"Pwede bang tumahimik kayo?" Paghingi ko ng pakiusap. Hindi ko na sana sila papansinin pero mukhang wala silang balak na tumigil. Tumayo pa ako para makahingi ng pakiusap.

Samantalang si Kael, prenteng nakaupo lang sa harapan ko. Nagawa nya pang sumubo ng sandwich habang pinapanood akong patahimikin yung mga schoolmate namin.

"Sus in-denial si Gael, pero kinikilig na yan!" Mas lalo pang umingay ang canteen

Hay! Bakit ba hindi sila nakikinig.

"Yieee!"

"Don't worry girl bagay naman kayo" komento pa ng isang babae. Kami? Bagay? Haha. Joke ba yun?

Umupo ako ng puno ng pagkabigo. Nasapo ko na lang ang aking ulo.

"Mag-jowa jowa pero kinakahiya. Ano kaya yun?" ang dami ko pang narinig na bulungan kaya binalingan ko ng tingin si Kael.

Tinaasan ko sya ng kilay bilang paghingi ng tulong pero nagkibit-balikat lang sya. Nakakaasar, kasalanan nya naman lahat ng ito. Bakit kasi kailangan pang isigaw? Hindi naman ako bingi. Na-distract lang talaga ako sa nguso nya. Mukha kasing pato.

"Antayin natin baka magwalk-out si ate girl"

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi talaga sila titigil. Gumawa pa ng sarili nilang plot.

May mga epal talaga na nagawa pang maglabas ng cellphone. Balak pa yatang mag-video. Wow lang! Artista na ba ako?

"Tumahimik kayong lahat!" Tila napaso ang buong canteen ng marinig ang tinig na yun. Tumigil ang lahat at nagsibalik sa kanya-kanyang pagkain.

Ang Mga Sulat Ni Nueve Kay MercedesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon