Kabanata 9
Setyembre, Taong 1897
Buo na ang aking pasya. Isang linggo ko rin itong pinag-isipan. Maraming naglaro sa aking isip na maaring pumigil sa aking ideya ngunit nangingibabaw din ang paninindigan sa aking sistema.
Kung walang maglalakas ng loob, hindi na muling uusbong ang kapayapaan.
Nais kong maging kabataan na pag-asa ng bayan. Hindi na ako nakatungtong sa kolehiyo magsimula ng sumakop ang mga dayuhan. Kung kaya't ito lamang ang isa sa naiisip kong paraan, upang maisakatuparan ang mga naiwang mensahe ni Rizal.
Isa pa ring misteryo ang kanyang pagkamatay. Maraming katanungan na hindi na nabigyan ng kasagutan. At mga boses na hindi napakinggan. Kaawa-awa, pero kahit saan mo man tignan, yan ang dumadaloy sa lipunan.
Tahimik akong naglakad sa pasilyo. Namataan ko pa ang aking tiyahin sa isang sulok. Tahimik na bumibigkas ng dasal. Nakaharap sya sa isang kahoy na inanyuhan. Isang rebolto.
Napailing-iling ako sa nakikita. Isa ito sa mga impluwensya ng kastila sa ating bayan. Ang pagdadala ng katolosismo.
Naniniwala ako sa Diyos, at nagtataglay ako ng pananampalataya. Subalit ito ang isa sa mga lubos na hindi ko maunawaan.
Aral ng bibya na huwag sasamba sa Diyos-diyusan, larawan, o anumang bagay na inanyuhan. Ngunit narito, lantaran parin silang nagpapakit at nagpapaniwala sa mga dayuhan.
Nakikinig sila sa mga aral ng kastila sa lenguwaheng hindi man lamang nila maintindihan. Pilit nilang ikinukubli ang katarungan. Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.
"Magandang umaga, Tiya Sonia." Sinubukan ko pa ring magbigay galang. Ngunit nagmistula lamang akong hangin. Hindi sya nag-abalang magbigay atensyon sa akin. Tila lubos ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa.
Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakaluhod. Maging ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig ay hindi ko maunawaan. Hindi rin ako nagdadalawang-isip kung mismong sya ay hindi batid ang linalaman ng kanyang mga dasal.
Napailing na lamang ako.
Hinayaan ko na lamang sya, umaasa pa rin ako na makakahanap rin ako ng magandang tyansa upang mabuksan ang mga ganitong bagay. Ang maitama ang mga pagkakamali na minulatan na ng mga Pilipino.
Nawa'y hindi na ito makarating pa sa mga sumunod na salinlahi. Ito ang aking panalangin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ang tarangkahan ng kanilang tahanan. Dumampi sa aking mukha ang isang malamig na hangin.
Hindi na ako nag-abala pa na gisingin ang aking ina. Mauuwi lamang ito sa pagtatalo, at hindi ko yun batid mangyari sa pagitan namin. Kailangan kong pangalagaan ang kanyang kapakanan.
Masyado pang maaga. Sumisilip pa lamang ang haring araw mula sa silangan. Kung ganito ay tila aakalain mong payapa ang lahat.
Kung sana nga lamang. Ngunit isa lamang iyong pangarap na walang kasiguraduhan. Isang panaginip na hindi mo man lang mapagbibigyan.
At isa lamang ang tanging paraan ang naiisip ko sa pagkakataong ito. Ang ipaglaban ang ninakaw nating karapatan. Hindi ko na nais na mag-maang maangan. Kung walang kikilos, mamumulubi lamang tayo sa sarili nating bayan.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Sulat Ni Nueve Kay Mercedes
Historical Fiction"Past is an event that could probably happen to make the present." Ang storyang ito ay naglalaman ng mga kasulatan ni Lukas sa kaniyang iniibig na si Mercedes. Mga sulat na tila tinangay ng hangin at naglakbay sa panahon. Napadpad sa dalawang palad...