Kabanata 10

24 6 15
                                    

Kabanata 10

Kasalukuyang Panahon

"Hoy! Kael, hintayin mo ako!" ang lakas ng loob kong magtitili kahit hindi pa sumisikat ang araw. Huli na ng mapagtanto ko na malamang ay tulog pa ang mga kapit-bahay namin.

Kanina pa ako sigaw ng sigaw.

Juskoo! Nakakahiya. Kasalanan 'to lahat ni Kael e. Ang lakas ng loob tumakbo ng mabilis. Feeling nya ata nasa marathon sya. Like duh? Jogging kaya 'to.

Ilang beses ko na syang sinumpa sa isip. Hm. Madapa ka sana. At may kasalanan pa sya sa akin no, baka nakakalimot na sya. Matapos nyang i-text yung lalaking nakapulot ng I.D ko tatakbuhan nya ako.

Kala mo Kael, hindi na kita sasamahan ulit mag-jogging.

Napag-isip ko rin kung ano naman kaya yung sinabi nya doon. Kaya naman pala wala na akong nahintay na reply kasi pinakialaman na ni Kael.

"Habol!" Nagpantig ang tainga ko sa sagot nya. Tokneneng! Kahit malayo ay kitang-kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. Mabuti na lang at may street lights, kaya nakikita ko pa ang distansya namin.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa inasta nya. Halata namang nang-aasar lang sya e. Epal sa buhay.

Pero yung mga paa ko, parang may sariling buhay. Nagsimula akong humakbang para marating ko ang pwesto nya pero mabilis din syang tumakbo ulit.

Ayy, bibigwasan talaga kita Kael sa oras na maabutan kita.

"Bilis." Pagpu-push nya sa akin pero may bahid yun ng pang-aasar. Tumakbo ako ng mabilis para maabutan sya. Pero ang bilis talaga. Gustong-gusto magpahabol ng tokmol.

Ay teka nga! Bat ko ba kasi hinahabol. Hm! Tumigil ako ng mapagtantong para akong aso. Ew, asa sya.

Tumigil ako at yumuko para humawak sa aking mga tuhod. Malakas ang ginawa kong paghinga sa tindi ng pagod. Bastos na nilalang, hindi nya lang iniisip yung kapakanan ko.

Sige tumakbo ka lang, walang pumipigil sayo. Hinyaan ko na sya, mag-jogging sya mag-isa. Nakatingin lang ako sa baba, deretso ang tingin sa kalsada. Bakit ko ba kasi sya hinabol.

Naka-focus lang ako sa paghinga, hanggang sa gumaan na ang pakiramdam ko. Nabigla pa ako nang ang mag-angat ako ng tingin. Nasa harapan ko na si Kael.

"Ang bagal mo." Saad nito at ngumisi.
E ano bang pakialam ko, hindi naman 'to track in field. For his information lang, jogging kaya 'to.

Umirap ako sa hangin at napangiti nalang bigla sa naisip. Hm? Time for revenge.

Hinawakan ko ang aking dibdib at nagkunwaring nauubusan ng hininga. Malakas na paghinga ang aking ginawa at kitang-kita ko ang takot sa kanyang mukha.

"Gael." Saad nito at dumukwang palapit sa akin. Hm. Sige lapit pa. "Ayos ka lang?" Nag-aalang tanong nya kaya mas lalo ko pang pinag-ihigan. Pasimple naman akong kumuha ng pagkakataon upang maabot ang tainga nya.

Mabilis ko yung hinila at piningot. "Ahhh! Timang, masakit!" Daing nito kaya lalo ko pang pinanggihilan ang kanyang tainga.

"Yan! Yan ang mapapala mo! Ang lakas ng loob mo." Singhal ko sa kanya. Pilit nya namang inabot ang kamay ko.

"Aray! Tama na. Hahalikan talaga kita kapag nakawala ako dito." Saad nya pero hindi ko yun pinansin. Nang mahawakan nya ang kamay ko ay para akong napaso, dahilan kaya mabitiwan ko ang kanyang tainga.

Patay ako nito! Imposibleng hindi babawi si Kael. Tinignan nya ako habang sapo-sapo ang kanyang tainga. Nyenye, buti nga. Madilim ang mga mata nyang nakasentro sa akin.

Ang Mga Sulat Ni Nueve Kay MercedesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon