50

979 62 15
                                    

"Master......"

Nilingon ni Aris ang tumawag sa kanya, "Calaweer....bakit ka nandito? Hindi naman kita tinawag" tanong ni Aris habang nakatingin sa lalaki na kulay lila ang buhok na palapit sa kanya. Umupo ito sa tabi nya at pinanood ang nangyayaring paglalaban ng isang ancient monster at si Top.

Tumingin rin doon si Aris bago tignan ang malawak na karagatan na natatanaw nila mula sa tuktok ng kastilyo ni King Erin.

"Ano ng balak mong gawin ngayon....Master" tanong bigla ni Calaweer sa kanya tinignan nya ito bago huminga ng malalim.

"Gusto kong maging malakas....."bulong ni Aris habang nakatingin sa nakasisilaw na liwanag na pandaliang bunulag sa kanya. At mula sa napakalakas na atakeng iyon ay bumagsak sa lupa ang kalaban ni Top. "Nanalo sya...." Bulong ni Aris.

Tinignan ni Calaweer si Aris at hindi nya mabasa ang nasa isip nito, nararamdaman nya ang mabigat na dinadala ng Master nya pero sa kung ano mang dahilan ay naputol ang mental connection nilang dalawa. Sa tingin nya ay may nadiskubreng bagong kapangyarihan si Aris na maaring magblock ng connection nila, kung ano man iyon.....ay hindi nya alam.

"Master"

Napatingin si Calaweer sa pwesto ni Top ng makarinig sya ng tatlong malalakas na pagsabog. "Si Marielle....mukhang sineseryoso nya na ang laban nila, hindi magtatagal at matatalo na si Sir Top, nasa limit na sya" usal ni Calaweer sabay tingin kay Aris na nakatingin rin sa pwesto nina Top at Marielle.

"Calaweer mag-dwelo tayo"

Tinignan ni Calaweer si Aris dahil sa sinabi nito ay napangiti sya.

"Kung gusto mo talagang lumakas.....tutulungan kita, Master."

Alam ni Calaweer na nagluluksa pa ang dalawang binata sa pagkamatay ng kanilang lola. May dalawang epekto itong kinalabasan sa dalawa.

Si Top, ay nagkaroon ng matinding dahilan para bawiin ang trono na nararapat sa kanya, at handa na syang gawin ang lahat mapahinto lang si Heaven sa masama nitong plano.

Si Aris......sa totoo lang nahihirapan si Calaweer na basahin ang saloobin ni Aris dahil sa kinikilos nito. Hindi sya nagpapakita ng pagkamuhi kay Heaven, pero hindi rin naman nya ito pinatatawad, kaya.....hindi nya alam ang gusto nitong mangyari.

Pagkababa nila sa training grounds ng mga knight ay napatingin si Calaweer sa kakaibang espadang inilabas ni Aris mula sa loob ng damit nito. Ang totoo isa iyong hawakan lamang ng espada. Nakita nya na ito ngunit hindi nya matandaan.

Itim ang hawakan nito at sa uluhan nito ay may bungo. Bungo na nakanganga.

Tinignan ni Calaweer si Aris nakita nyang umusok ang espada at nagkaroon ng talim ang espada. Talim na gawa sa yelo.

"Titignan mo na lang ba ako Calaweer?" Tanong ni Aris na may expresyong hindi nya mabasa.

Huminga ng malalim si Calaweer, bago ilabas ang talim ng mga kuko nya sa magkabilang kamay nya. "Lalaban ako sa human form ko. Ayokong masaktan kita ng malubha, Master" pagbibigay alam nya pero hindi sya pinansin ni Aris, sa halip ay nauna itong sumugod.

Iniwasan nya ito, tanging iwas lamang ang ginagawa nya, hindi gumagamit ng magic si Aris kaya naiisip nyang nagpapawala lamang ito ng sama ng loob sa pamamagitan ng pakikipagdwelo.

Nagulat si Calaweer ng biglang bumilis ang atake na ginagawa ni Aris.

Itinaas ni Aris ang kamay nya at isinara ito mula sa taas ay bumagsak ang ice blades, iniwasan ito ni Calaweer, kinuha ni Aris ang pagkakataon para atakihin si Calaweer. Dahil hindi maiiwasan ni Calaweer ang atake ay sinalag nya ito gamit ang mga kuko nya. Lumikha ito ng matinis na tunog pero nahagip ng pandinig nya ang salitang inusal ni Aris.

"First Strike"

Tumalon palayo si Calaweer at tinignan si Aris na may hindi maintindihang reaksyon.

"Ice Magic: Clone" cast ni Aris bago muling sumugod kay Calaweer. Apat na kamukha ni Aris na gawa sa yelo ang umatake kay Calaweer, sinipa nya ang unang clone na sinubukan syang sugatan gamit ang hawak nitong espada. Nabasag ito, iniwasan nya ang pangalawang clone at inatake ang pangatlong clone sa kaliwa nya gamit ang kamao nya na bumaon sa dibdib nito bago ito tuluyang mabasag.

Nagulat si Calaweer ng dambahan sya ng pang-apat na clone, at sinundan naman ito ng pangalawang clone. Nakahiga sya ngayon sa lupa habang hawak ng dalawang clone. Mula sa malayo ay narinig nya ang mga yabag, mabilis syang umaksyon at ginamit ang pwersa nya upang gamiting pansalag ang dalawang clone sa atake ni Aris. Nabasag ang dalawa at tumama ang talim ng espada ni Aris sa braso nya.

Mabuti at nakatayo sya agad kaya naiwasan syang masaksak ng espada. Napangisi sya. Ang Master nya sa seryoso sa dwelong ito.

Nawala ang usok na bumabalot kay Aris, na nakatayo habang hawak sa isang kamay ang espada nya.

"Second Strike....."

Pagkasabi noon ni Aris ay biglang umubo ng dugo si Calaweer na nagpagulat sa kanya. "A-ano ito?" Nagtatakang tanong ni Calaweer. sigurado syang hindi naman malubha ang galos na natamo nya, wala ring masakit sa loob ng katawan nya ngunit bakit sya umubo ng dugo?

Napalugod si Calaweer dahil sa biglang nanlambot ang mga tuhod nya. Tinignan nya si Aris na naglalakad palapit sa kanya.

"Soul Destroyer.......Ang tawag sa bladeless sword na ito. Ang Soul Destroyer ay kilala sa pagtapos nito sa kalaban gamit ang Tatlong Death Strikes. Kailangan ko lang mailapat ang dulo ng espada sa kahit na anong bahagi ng katawan mo at sapat na ito para mabilang na Strikes." paliwanag ni Aris bago itaas ang espada.

"Sa ngayon nakatanggap ka na ng Dalawang Strikes.......Ito ang espadang pinamana sa akin ni Lola, hindi ko sukat akalain na kailangan kong gamitin ito. I'd always thought that violence solves nothing.....but in this situation I'm in.......I shall punish those sinners" usal ni Aris bago itapat sa leeg ni Calaweer ang dulo ng espada.

His gray eyes were blank, like he was drowning on darkness. Calaweer smiles before a purple light blinded Aris. He open his eyes and standing before him was a huge lion with purple hair.

'Then there's no room for holding back. Right Master!'

Aris smiles before he nod.

*****

"*sighs* Bakit ba kailangan pa kitang pagalingin" tanong ni Marielle habang nakatingin sa walang malay na blond na lalaki na puno ng sugat at galos ang katawan.

'But.....I must say.....that attack he used to kill my monster is really powerful. If he develop his magic to its fourth form, there's no doubt. He can be a powerful King someday.'

"Aw.......he really did hurt me. This mere human *tsk* but if I didn't dodge on the right time"

Nilingon ni Marielle ang malaking crater na nasa gilid nya at napangisi sya. "I will train you tomorrow but for now.....rest" Marielle said as her right hand place on Top's chest and a light color of blue surrounded, Top's body. In seconds, the wounds disappeared.

Marielle look at her back.

"A battle......this aura belongs to Calaweer. Is he fighting with his Master? Why would I care anyways." Marielle mumbles before flicking her fingers.

Bitbit si Top ay inilapag nya ito sa kama nito bago ito titigan ng ilang minuto. Umirap sya bago tumalikod.

"Sumobra ba ko?" Tanong ni Marielle na may pagaalala sa mga azulan nyang mga mata.

"Hmp! He asked for it!" Marielle yelled at nothing before disappearing with a blue fading light slowly disappeared.

*****

A/n: Hays. Opo buhay ako. 😅

Unedited

The 10th PrincessWhere stories live. Discover now