KABANATA 1

197 10 0
                                    

YEAR 2021

CAMILLE POV:

“Hoy Camille! tulog kana naman d'yan, mamaya makita ka ni Ma'am mabato kana naman ng eraser!” mahinang saad ni Eloisa ngunit sapat lang upang marinig ko ito. Agad ko naman inangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsub sa arm-desk ng upuan ko. Medyo malabo pa ang paningin ko gawa ng kakadilat palang ng mata ko. Ewan ko ba, basta upasing History talaga ay sobrang inaantok ako.

“Ok class, get one whole sheet of paper. Magkakaroon tayo ng long-quiz tungkol sa diniscuss ko kanina.” seryosong pagkakasabi ni Ma'am at agad nagsipagkuhaan ng papel ang mga kaklase ko maliban sa'kin na nakatulala lang.“Ms. Espinosa, anong plano mo sa buhay?” sarkatiko nitong pagkakasabi sa'kin.

“P-Po?” nauutal ko pang saad.

“Ganyan na lang ba lagi ang gagawin mo during my class? ang matulog? paano ka matututo kung palagi kang ganyan?” sermon nito sa'kin. Kaya hindi maiwasan na mapatingin sa'kin ang mga kamag-aral ko. Nakayuko naman ako dahil sa kahihiyan.

“P-Pasensya na po, M-Ma'am.” mahinang pagkakasabi ko habang nakayuko.

“Kumuha ka ng papel mo sa bag mo.” mahinahong utos ni Ma'am, saka n'ya pinaskil sa whiteboard ang dalawang manila paper na may disenyo pa sa gilid.“I only give you 30mins to finished your long-quiz. And after that, checking tayo.” seryosong pagkakasabi n'ya. At agad ng nagsimulang magsagot sa kanya-kanyang papel ang mga kaklase ko.

Hayst! ano naman isasagot ko? eh wala nga akong alam sa history? kaninis naman oh!

“Camille, wala ka talagang balak na magsagot?” mahinang pagkakasabi ni Aldrich na nasa kanan ko ng makitang blangko parin ang papel ko.

“Wala nga akong alam, anong isasagot ko?” inis at sarcastic kong sagot.

“Eh tanga ka pala eh, kung nakinig ka kanina sa sinasabi ni Ma'am edi may maisasagot ka.” sermon ni Eloisa.

“Ay sige, murahin mo pa ako Eloisa Ahrnais Bartolome.” mataray kong saad habang sinasambit ang buong pangalan n'ya. Hindi na s'ya umiik at binaling na muli ang atensyon sa kanyang papel at ganun din ako, kahit wala naman akong maisip na sagot.

Maya maya pa, naramdaman ko ang pagkalabit sa'kin ni Eloisa kaya agad akong napatingin sakanya. Pasimple n'yang inambot sa'kin ang nakatuping papel. Nakakunot naman ang noo kong tinanggap ito, saka agad binuksan.

Pasensya kana, gusto ko lang naman na hindi ka bumagsak sa subject na 'to. 3rd grading na next week pero ganyan ka parin. Baka kapag nagpatuloy ka sa ganyang gawain mo, wag naman sana pero baka dahil sa subject na 'to ay hindi ka namin makasama sa moving up. Ok naman kasi grades mo sa ibang subject. Payag ka non? 95 ka sa Math, English, Filipino, Science at MAPEH pero pagdating sa AP 70 ka? Ito pala 'yung mga sagot. Pero sa susunod, makinig kana kay Ma'am ha? para may maisagot kana kapag may quiz tayo sa History

1-3. Hukbong Bayan Laban sa Hapon
4. Death March
5. 1946
6-7. Train Crash in Negros Occidental
8-10. Carlos P. Garcia; November 14, 1957

Matapos kong basahin 'yun ay tumingin pa ako kay Eloisa na abala sa pagsasagot sa papel n'ya. Pumilas din ako ng papel sa notebook ko at saka s'ya sinulatan ng..

Salamat, pasensya kana rin. Alam mo naman kung gaano ko ka-hate ang subject nito ever since. Thank you ulit and sorry din. Luv u friensy!

Pagkatapos ay pasimple kong tinapon sa paanan n'ya. Agad naman n'ya 'yun napansin kaya agad s'yang tumingin sa'kin saka ako ngumiti sakanya. Pagkatapos ay nagsimula na akong kopyahin ang nakasulat sa papel na binigay n'ya.

“Pens up! finished or not finish, pass your paper on the center isle in the count of 1..2..” saad ni Ma'am kaya halos nagmamadali kaming maipasa ang papel sa nasa center isle.“..3...4..5...Ok, ito na ba ang lahat ng papel?” saad n'ya.

“Wait lang po Ma'am.” sigaw ng kaklase ko na nasa likod.“Bilisan n'yo na kasi, ang bagal bagal eh!” inis nitong utos sa mga kahelera n'ya sa likod.

“Dalhin n'yo na lang 'yan sa AP faculty, iintayin ko 'yan until 3:30PM. Ok goodbye class.” saad ni Ma'am habang nililigpit ang mga gamit n'ya.

“Goodbye, Ma'am Tolentino!” saad ng mga kaklase ko, at ilang saglit pa ay lumabas na ng silid si Ma'am.

“Thanks God, natapos din ang mahigit isang oras.” saad ko.

“Camille, may pulbo ka?” tanong sa'kin ng kaklase kong beks na si Manuel.

“Mukha ba akong Johnson&Johnson or Tender Care?” sarcastic kong tanong dito.

“Nanghihingi lang naman.” tila inis nitong reaction.

“Joke lang.” nakangising saad ko at agad na kinuha ang kulay pink na Lewis&Pearl na pulbo sa loob ng pouch ko. Doon kasi nakalagay ang mga pangpaganda ko.“Oh! tatampo agad?” nakangising biro ko ng iabot ko kay Manuel ng pulbong hiningi n'ya.

“Camille, Eloisa. CR tayo.” saad ni Aldrich habang nakahawak sa lace ng ID n'ya.

“Bhe, ang laki mo na. Takot ka parin ba mag-banyo ng mag-isa?” sarcastic na biro ni Eloisa.

“Ayaw n'yo edi wag. Dadaan pa naman sana tayo sa Emerald kasi may ibibigay ako sa pinsan ko. Pero sige, ako nalang.” tila pangongonsensya pa ni Aldrich.

“Hindi ka naman mabiro. Sige, tara na.” saad ni Eloisa at agad na tumayo. Umiral na naman kaharutan ng babaeng 'to. Palibhasa may crush s'ya doon.“Ikaw, Camille. Hindi ka sasama?” pagtataka ni Eloisa ng makita akong nakaupo parin.

“Para ano? maging taga-ayie?” mataray na saad ko habang naka-crossed arm at nakataas ang isang kilay.

“Mag jowa kana kasi, para hindi kana maging taga-ayie. Ganda ganda mo tapos wala kang jowa? anong silbe ng ganda mo, humarot karin kasi minsan?” sabat ni Kenzie.

“Ay pumasok ka pala? akala ko kasi nag-cutting kana naman kasama ng mga liptint girls.” sarcastic kong pagkakasabi saka ngumisi.

Ewan, pero hindi yata talaga mawawala sa isang classroom 'yung may kaklase kang pabida? 'yung kahit hindi naman s'ya kinakausap, sasabat nalang bigla. Tapos feeling n'ya, ang galing galing n'ya kahit hindi naman.

“Ano Camille, hindi ka talaga sasama?” muling tanong ni Aldrich.

“Oo na, sasama na.” mahinahon kong pagkakasabi at agad ng tumayo.

——

“Gigil na gigil ka talaga kay Kenzie ah.” nakangising tanong ni Aldrich habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

“Ewan ko ba, pero kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng 'yun.” inis kong pagkakasabi.

“Kalma ka lang kasi.” natatawang saad ni Eloisa.

“Kalmado naman po ako. Ang kaso lang, ewan ko ba kung bakit hindi ko maiwasan na mabadtrip sa kanya. Kaya nga minsan, ako nalang ang umiiwas na magsalubong 'yung mga mata namin. Kasi mas lalo lang akong naiinis, 'yun nga lang kanina hindi ko talaga napigilan sarili ko. Alam n'yo naman ang ayaw ko sa lahat ay pinapakialaman 'yung personal kong buhay. Lalo na 'yung hindi ko parin pagkakaroon ng boyfriend.” mahaba-habang paliwanag ko, hindi ko namalayan nasa pintuan na kami ng banyo.

Halik sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon