KABANATA 7

85 5 0
                                    

MARGARETHA (CAMILLE) POV:

“Mahabaging langit, ano't ngayon ka lang dumating, kanina pa kami paikot-ikot sa buong paligid. Saan ka ba nanggaling?” agad na salubong sa'kin ni Salvacion.

“Chill, relax. May pinuntahan lang naman ako.” nakangiting saad ko.

“May pinuntahan ka lang, ngunit bakit tila abot tenga ang iyong ngiti?” pagtataka ni Salvacion.“At saka, sino 'yung ginoong naghatid sa'yo? ngayon ko pa lamang s'ya nakita.” dagdag n'ya pa. Ay may pagka chismosa din pala 'tong si Salvacion.

“Jowa ko.” biro ko.

“J-Jowa?” pag uulit n'ya, alam ko naman na hindi n'ya yun naiintindihan.

“Charot lang, hindi ko s'ya jowa. Pero who knows one of these days manligaw s'ya sa'kin. Edi magiging jowa  ko na talaga s'ya.” nakangising saad ko.“Ewan ko ba Salvacion, pero sa 16yrs na existence ko dito sa mundo ngayon lang yata ako na-inlove. Ganito pala 'yung pakiramdam na umiibig ka. Sobrang sarap sa pakiramdam.” nakatulala kong pagkakasabi habang nakangiti.

“16years? sa pag-kakalam ko po ay nasa edad bente-kwatro (24) na po kayo Binibini.” saad ni Salvacion kaya agad akong napatingin sa kanya.

“Ah, s-sabi ko nga 24. Bakit? may sinabi ba akong 16? ikaw ah, imbento ka Salvacion.” palusot ko pa.

YEAR 2021

CAMILLE (MARGARETHA) POV:

Halos isang buwan narin ang nakalilipas. Ngunit nakakapagtakang hindi parin nahahalata ng aking mga mga apo ang mahabang pagtulog ng aking katawan. Kamailan lang ng humingi ng permiso kay sa apo kong si Carla na gusto ko magtungo sa Hacienda Natividad at pumayag naman sila, nagtungo ako doon upang tignan ang natutulog ko paring katawan. Marahil nga yata ay napunta si Camille sa katawan ko noong akong dalaga pa lamang. Ngunit paano kami babalik sa dati? maraming araw na ang lumipas, kung magpapatuloy pa ito nangagamba akong isa saming dalawa ay may masamang mangyari.

“Totoo ba 'tong nakikita ko? 97 ang grades mo sa AP, Camille?” mangha at halos hindi makapaniwalang reaksyon ng ama ni Camille na si Daniel, ngunit mababakas sa kanyang mukha ang labis-labis na kagalakan.

“Kung ano ang nakikita mo d'yan, yun ang totoo.” saad ko at agad ng sinubo ang kanin nasa kutsara ko.

“Totoo nga 'yung nabanggit sa'kin ng mga kaibigan mo. Nag-iimprove kana daw.” masayang saad naman ni Carol.“Yun nga lang, may napapansin daw sila sa'yo.” seryosong saad ni Carol kaya bahagya akong napatigil sa pagnguya.

“Medyo nawi-wirdohan daw sila sa'yo. Masyado ka daw kasing malalim kung magsalita kaya minsan ay hindi ka nila naiintindihan. At 'yung kinikilos mo daw, kakaiba.” saad ni Carol.

“Wag mo ng intindihin 'yun Carol, ang mahalaga ay hindi naman nababarkada sa mga taong walang mabuting maidudulot sakanya itong anak natin. At tignan mo naman itong grades ng anak natin, ang tataas lalo na sa AP.” saad ni Daniel.

“Naninibago lang naman ako, Daniel. Hindi naman kasi dating ganyan ang anak natin.” ani Carol.

“Wala naman kayong dapat ikatakot o ikabahala, dahil hindi ko naman papabayaan si Cam---ang ibig kong sabihin ay ang sarili ko.” nakangiting pagkakasabi ko saka ko tinuloy ang pagkain.

——

“Ayusin mo 'yang upo mo Aldrich, upo ba 'yan ng isang babae?” seryosong pagkakasabi ko ng sawayin ko si Aldrich, nakataas kasi ang dalawang paa n'ya habang nakapatong sa arm-desk ng silya.

“Bakit ba sa tuwing sinasaway mo kami, pakiramdam namin may kasama kaming matanda? minsan hindi kana weird, ang creepy mo na rin Camille.” saad ni Eloisa.

“Ayaw ko lang na mabastos kayo, ang babata n'yo pa.” pagpapaliwanag ko.

“Ay ganun? so anong tingin mo sa sarili mo? Lola kana? c'mon Camille, halos magkaka-edad lang tayo. Mas matanda ka lang samin ni Eloisa sa buwan.” saad naman ni Aldrich.

“Bahala kayo, nasasainyo naman 'yan kung makikinig kayo sa'kin o hindi. Basta ako ay nagpaalala lang, dahil sa ako'y kumakandili (nagmamalasakit) lamang sainyong dalawa.” seryosong pagpapaliwanag ko.

YEAR 1950

One week later..

GABRIEL POV:

“Magandang araw.” bati ko sa babaeng nagdidilig ng halaman malapit sa gate ng bahay nila Camille. Marahil ay isa s'ya sa mga kasambahay dito.

“Magandang araw din po, ano pong kailangan nila?” magalang nitong tanong sa'kin ng may pagtataka.

“Nand'yan ba si Camille? gusto ko sana s'yang makausap at makita dahil may nais akong ibigay sa kanya.” nakangiting tanong ko.

“Camille? w-wala pong nakatirang nagngangalan na Camille sa bahay na 'to. Mukhang nagkamali po yata kayo ng bahay na napuntahan.” saad ng kasambahay na labis kong pinagtaka. Hindi naman ako mabilis makalimot, kahit isang beses palang akong nakarating sa Sta. Isabelle ay alam kong ito ang bahay kung saan ko hinatid si Camille.

“Imposible, dito ko s'ya hinatid kahapon. Dahil ang sabi n'ya ay dito s'ya nakatira.” saad ko.

“Pero wala pong Camille dito. Ano po bang itsura ng Camille na tinutukoy n'yo?” ani ng kasambahay.

“Maputi, matangkad, may maganda at nakakaakit na mata, matangos ang ilong, kulay tsokolate ang kanyang buhok at higit sa lahat naiiba ang kasuotan n'ya kung ikokompara sa mga kababaihan.” pagdi-discribe ko kay Camille.

“Parang kilala ko na po ang tinutukoy mo. Pero hindi Camille ang kanyang ngalan, kundi Margaretha. Margaretha Natividad po.”  saad ng kasambahay.

“Margaretha?” sambit ko.

“Opo, teka lang at tatawagin ko s'ya. Matanong ko nga po pala, ano pong ngalan n'yo?” ani ng kasambahay.

“Gabriel Bautista.” sagot ko at agad narin umalis ang kasambahay upang tawagin si Camille o si Margaretha.

MARGARETHA (CAMILLE) POV:

Abala ako sa pagpapaganda habang nakaharap sa tukador ng bumukas ang pintuan ng silid ko't pumasok si Salvacion.

“Binibini, may naghahanap po sainyo. Nasa labas po s'ya iniintay kayo.” saad ni Salvacion kaya natigil ako sa aking pagsusuklay at nilingon s'ya.

“Sino? wala naman akong natatandaan na nag check out ako sa Lazada o Shopee.” saad ko.

“Si Gabriel Bautista daw po.” sagot ni Salvacion.

“Si Gabriel?!” gulat na reaksyon ko at agad na napatayo mula sa silyang aking inuupuan.

“Kanina ka pa po n'yang iniintay.” saad muli ni Salvacion kaya naman nagmamadali akong lumabas ng aking silid upang tunguhin ang kinaroroonan ni Gabriel.

——

Paglabas ko nga ng gate ay agad ko s'yang nakita, si Gabriel na may hawak na isang pirasong pulang rosas. Ang gwapo din n'ya sa suot n'yang military uniform.

“Pinag-intay ba kita ng matagal?” nakangiting saad ko habang naglalakad palapit sa kanya.

“Hindi naman masyado, Margaretha Natividad.” saad n'ya kaya ang ngiti sa labi ko ay agad na naglaho. Alam na pala n'ya ang pangalan ni Lola Marga.

“Ah..”

“Naiintindihan ko naman kung bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoong pangalan mo. Marahil ay natatakot ka lang o 'di kaya naman ay may pag-aalinlangan ka pa sa'kin noong una tayong magkita. Ngunit gayon pa man, masaya parin akong masilayan kang muli.” nakangiting saad ni Gabriel saka s'ya mas lumapit sa'kin kaya naman mas naramdaman ko ang mabilis na pintig ng aking puso.

Halik sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon