One month later..
“Nandito ako sa balkunahe habang minamasdan ang malawak at kulay berdeng hardin ng bahay nila Lola Marga ng maalala ko na halos isang buwan na pala akong hindi nakakapag-post sa Instagram at Facebook account ko, kaya dali-dali akong lumabas ng silid at agad na hinanap si Salvacion.
“Kenzi----I mean, Maria. Nakita mo ba si Salvacion?” mahinahon tanong ko dito.
“H-Hindi po Binibining Margaretha. Bakit po? may kailangan po ba kayo?” mahinahon at may paggalang din tanong ni Maria sa'kin. Ang cute pala ni Kenzie kapag mabait s'ya. Para s'yang maamong daga.
“Ah may itatanong lang sana ako, alam mo ba kung saan ako pwedeng maka-connect ng WiFi? at saka may cellphone ka ba na pwede mahiram? kung wala kang iPhone kahit 'yung android nalang. Hindi na kasi ako nakakapag open ng IG at Facebook account ko. Baka namimiss na ako ng mga followers at friends ko.” dire-diretsong pagsasalita ko na tila nawala sa isip ko kung nasaang taon ako.
“Paumanhin ngunit hindi ko mawari ang iyong tinuran. Binibining Marga.” naguguluhang sagot ni Maria.
“Ah, I'm sorry. Oo nga pala, hindi pa pala nag e-exist ang internet sa panahon na 'to.” saad ko.
“A-Ano pong ibig n'yong sabihin?” labis na pagtataka ni Maria.
“Wala, kalimutan mo nalang kung ano 'yung mga sinabi ko.” nakangiting saad ko at agad narin na umalis.
Naglakad-lakad ako sa paligid ng malawak na hardin. Masyado akong nabo-boring. Ano kaya kung magtungo ako sa Mall? ay wala pa yatang Mall dito. Eh anong gagawin ko? parang mas boring 'yung buhay ni Lola Marga kaysa sa inaasahan ko. Alam ko na kung saan ako pupunta.
Masyadong abala ang mga kasambahay namin at hindi pa dumarating si Lola Cecelia at Lolo Juanito. Wala rin ang dalawa kapatid ni Lola Margaretha na sila Alfredo at Trinidad. Kaya naman madali akong nakalabas ng pamamahay ni Lola Marga.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ngunit bahala na. Hindi naman siguro ako maliligaw.
Sa isang plaza ako dinala ng mga paa ko na malapit sa simbahan, katapat non ay ant asul na dagat. Dahil sa kakaibang ganda ng paligid ay napatulala na lamang ako, sobrang instagramable.
“Oh! I'm so sorry!” paghingi ko ng paumanhin ng hindi sinasadya ay makabangga ko ang isang lalake na nakasuot ng Double-Breasted Suit at naka Fedora Hats, outfit-an ng mga lalake sa taong 1950's. Well, gwapo s'ya. Maputi, matangkad, matangos ang ilong, manipis ang labi at may matikas na pangangatawan.
“Ayos ka lang ba, Binibini?” may pag-aalalang tanong n'ya. Shet ang musculine ng boses n'ya! Ok, Camille kalma. Alam mo bang di-hamak na mas matanda na sa'yo yan sa kasalukuyan?
“H-Hindi, ayos lang naman ako. Pasensya kana talaga. Hindi kasi kita napansin.” paghingi ko ng paumanhin.
“Ayos lamang iyon. Kanina pa nga kitang nakikitang manghang-mangha sa paligid. Ngayon ka lang ba nakarating dito sa bayan ng San Rafael?” nakangiting tanong n'ya. Ngayon naman ay ang lambing ng boses n'ya, at may dimple pa. OMGGG mas gumwapo s'ya!
“Ah Oo, ngayon lang ako nakarating dito. Kaya ayon, sobrang na-starstruck talaga ako sa ganda ng paligid. Kung dala ko nga lang 'yung cellphone ko, malamang ay kanina pa ako nag selfie sabay post sa Instagram tapos hashtag paradise in San Rafael. Oh, diba bongga.” nakangising pagkakasabi ko.
“Paumanhin, ngunit hindi ko maware ang ilan sa iyong mga tinuruan. Tila ngayon ko lamang narinig ang mga salitang iyon. Maaari ko bang malaman kung taga saan ka? base narin sa iyong kasuotan tila ikaw ay nanggaling sa mayamang angkan.” saad ng lalake. Hala, anong isasagot ko?
BINABASA MO ANG
Halik sa Buwan
Historical FictionAng kwentong ito ay patungkol sa labing-anim na taong gulang (16yrs old) na high school student na si Camille Espinosa na ayaw na ayaw sa History subject, kung kaya naman ay lagi n'ya 'tong nakakatulugan sa klase. Isang araw, nagtungo sila sa Bicol...