KABANATA 8

52 4 0
                                    

“S-Sorry, ano kasi..” nauutal at kinabahang saad ko na halos hindi ko maituloy. Hindi ko kasi alam kung dapat ko ba sabihin kay Gabriel ang totoo. Ang kaso, baka isipin n'yang nababaliw ako at hindi s'ya maniwala. Kaya mas mabuting wag na lang.

“Hindi mo kailangan humingi sa'kin ng kapatawaran. Wala ka naman naging mabigat na pagkakasala.” nakangiting saad ni Gabriel.“Naparito lang ako upang masilayan ka, at ibigay sa'yo 'to.” malambing na pagkakasabi ni Gabriel sabay abot sa'kin ng rosas na kulay pula.

“Saang hardin mo naman 'to pinitas? baka pagmultahin ka ah.” biro ko pa at saka mahinang tumawa. Pagkatapos ay inamoy ko ang rosas.

“Hindi na mahalaga kung saan nanggaling, ang importante ay naibigan mo.” nakangiting saad n'ya.“Pwede bang tumalikod ka?” mahinahon n'yang tanong na pinagtaka ko.

“Bakit?” pagtataka ko.

“Basta, wag ka mag-alala. Wala akong gagawin na ikagagalit mo.” nakangiting saad n'ya. At kaagad naman akong napabuntong hininga.

“Ok sige, promise mo 'yan.” saad ko at agad ng tumalikod. Wala pang ilang saglit ay nakita ko ang magandang kwintas na nasaharapan ko. Hawak ni Gabriel ang magkabilang dulo nito at saka nilapat sa leeg ko, hinawe n'ya ng buhok sa may bandang batok saka nilock ang kwintas.

“Pwede kana humarap.” saad n'ya kaya naman unti unti akong humarap sakanya hawak ang pendant ng kwintas na hugis puso.“Naibigan mo rin ba?” nakangiting tanong n'ya.

“Hindi mo naman sa'kin sinabi na may paganito ka pa. Edi sana pinaghandaan ko rin 'yung ibibigay ko sayo. Pero, oo sobrang nagustuhan at na-appreciate ko. Maraming salamat. Pangako, iingatan ko 'to.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Hindi mo naman kinakailangan na magbigay din sa'kin. Dahil makita lang kita, masaya na 'ko.” saad ni Gabriel saka hinawakan ang kamay ko. Napansin ko naman na tila bigla s'yang nalungkot.

“Bakit parang nalungkot ka yata? may problema ba?” pagtataka ko na may halong pag aalala. Unti unti naman n'yang inangat ang ulo n'ya saka tumitig sa mga mata ko.

“Unang beses palang kitang nakita, ipinagdasal ko na sa may kapal na sana hindi n'ya ako ilayo sa'yo. Dahil wala na akong iba pang gustong makasama na bumuo ng masayang pamilya kundi ikaw lang Camille.” sincere na pagkakasabi ni Gabriel habang hawak ang kamay ko at nakatitig sa mga mata ko.“Para kang isang buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim kong gabi. At ang buwan na nais kong mahagkan, mayakap at makasama habang buhay. Ngunit ang buwan na 'yun ay kinakailangan ko munang iwan.” pagpapatuloy ni Gabriel.

“A-Anong ibig mong sabihin?” labis na pagtataka ko sa huling salitang sinambit n'ya.

“Isa ako sa pitong libong sundalong pilipino na dadalhin sa Korea upang makipaglaban sa kasapi ng Soviet Union.” saad ni Gabriel.

[FLASHBACK]

“The Philippines joined the Korean War on June 25, 1950 sending 7,000 troops, under the United Nation Command....92 deads and 299 wounded” pagdi-discuss ni Ma'am.

[END OF FLASHBACK]

“H-Hindi ka pwedeng sumama doon Gabriel.” pagpigil ko dahil alam ko na ang kahihinatnan n'ya. Maaaring isa s'ya sa 92 na sundalong pilipinong namatay o doon sa 299 na sugatan.

“Hindi ko pwedeng talikuran ang sinumpaan kong tungkulin na paglilikod sa bayan.” saad n'ya.

“Pero paano ka? paano kung hindi kana makabalik dito ng buhay?” naluluhang saad ko.

“Kung mangyari man 'yun, lagi mo sanang pakaiisipin na mahal na mahal na mahal kita, Camille.” nakangiting saad ni Gabriel saka n'ya ako mahinang hinatak palapit sa kanya at saka niyakap.

“Ipangako mong babalik ka ng buhay, mag-iintay ako.” naluluhang saad ko habang nakayakap kay Gabriel ngunit hindi s'ya sumagot. Kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya. Nakapunta man ako sa nakaraan, ngunit tila hindi ko kayang baguhin ang magiging takbo ng kapalaran ng isang tao kahit gustuhin. Yun ang pinakamasakit. Ilang saglit pa ay kumalas narin si Gabriel mula sa pagkakayakap sa'kin saka n'ya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Ang mukhang 'to. Kailanman ay hindi ko 'to makakalimutan. Hinding hindi.” naluluha narin na saad ni Gabriel saka n'ya ako hinagkan sa noo at muling niyakap.

“Mahal na mahal din kita.” saad ko kasabay ng pagpatak ng aking luha.

Bakit kung kailan ako natutong magmahal, saka naman ilalayo sa'kin ang taong pinili kong mahalin. Bakit kung kailan nahanap ko na ang alam kong para sa'kin, saka naman s'ya mawawala.

YEAR 2021

CAMILLE (MARGARETHA) POV:

Nandito ako sa school library, nagbabasa ng historical books at librong nagpapapakita ng historical timeline sa pilipinas magmula 1900

...In September 2, 1954. The tragic train crash in Negros Occidental happened that killed 82 people....

...Samantha Agustin
...Rosalinda Hernandez
..Felipe Lopez

“F-Felipe Lopez..” nauutal na sambit ko ng mabasa ang pangalan ng dati kong nobyo na si Felipe at may black and white pa n'yang litrato na hindi na nagparamdam sa'kin magmula ng umalis s'ya noong ika-1 ng Septyembre taong 1954.

Pumanaw s'ya ng hindi ko man lang nalalaman. Pumanaw ang aking mahal na nagkaroon ako ng tampo sa kanya, nakala kong iniwan nalang n'ya ako dahil sumama s'ya sa ibang babae, kaya pala hindi na s'ya sumusulat sa'kin kaya pala..

Halos mapasubsub nalang ako sa lamesa kasabay ng pigil na pag-iyak hawak ang libro. Sobrang sakit...sobra..

Felipe patawarin mo 'ko kung nagtanim ako ng sama ng loob sa'yo...patawarin mo 'ko dahil hindi 'ko alam. Patawarin mo 'ko aking mahal..

“Camille, anong nangyari sa'yo? bakit ka umiiyak?” agad na tanong sa'kin ni Aldrich ng lapitan n'ya ako sa kinauupuan ko napayakap na lamang ako sakanya habang tuloy sa pagragasa ang luha mula sa aking mata.

ALDRICH POV:

Kanina pa namin hinahanap si Camille ngunit hindi namin s'ya makita. Kaya nagbakasakali kaming magpunta sa Library, baka kasi nandoon s'ya. Noong nakaraang araw pa kasi n'ya gustong magtungo doon.

Pagpasok sa pintuan ay agad namin nakita si Camille na umiiyak hawak nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha. Nagkatinginan pa kami ni Eloisa saka namin agad na nilapitan si Camille upang alamin kung anong nangyari.

Walang kahit anong salita ang namutawi sa kanyang labi at yumakap lamang sa'kin habang tuloy sa pag-iyak.

Halik sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon