KABANATA 2

110 9 3
                                    

Pagkatapos ng aming klase ay agad narin akong umuwe sa bahay. Hindi na ako sumama kila Eloisa at Aldrich na mukhang gigimik pa dahil sabado naman daw bukas at walang pasok.

Pagkapasok ko palang sa gate ay agad na akong sinalubong ng alaga kong aso na si Sydney ang 3years old na as-pin o asong pinoy pero sobrang bait at malambing.

“Oh! mabuti naman at nakauwe kana, Camille.” saad ni Mommy na nasa pintuan. Agad naman akong lumapit sabkanya at saka humalik sa pisngi n'ya bilang pagbati.“How's your school? natulog kana naman ba sa time ng AP n'yo?” seryoso n'yang tanong sa'kin.

“Eh ano pa nga ba? lagi naman ganyan ang anak natin. Ayaw na ayaw sa history.” sabat naman ni Daddy na nagbabasa ng diyaryo habang naka-upo sa sofa. Hindi ako kumibo at dumiretso sa kinaroroonan ni Daddy saka nagmano dito.

“Wag kayo mag alala mom, dad. Kahit naman nakakatulog ako sa time ng AP namin ay nakakasagot parin naman ako.” proud at nakangisi ko pang pagkakasabi.

“Sinasabi ko sa'yo Camille, mag aral ka ng mabuti.” seryosong saad ni Dad ng ibaba n'ya sa coffee table ang binabasa n'yang diyaryo.

“Yun naman po ang ginagawa ko.” malumanay kong pagkakasabi.

“Tama na nga yang usapan na 'yan.” sabat ni Mommy.“S'ya nga pala, tumawag kanina ang Uncle Robert mo. Pupunta tayo bukas sa Bicol para sa gaganaping family reunion. Pupunta rin doon ang mga pinsan mo na galing Bulacan at Pampangga.” nakangiting saad ni Mommy. Tsk, family reunion? tapos pabayangan kung ilang kotse na ang meron ka, ilang bahay na ang naipatayo mo, magkano na ang pera mo sa bangko at ano na ang na-achieved mo sa buhay. Yun ba 'yung family reunion?

“Hindi po ako sasama.” seryosong sagot ko.

“Camille..”

“Alam n'yo naman pong hindi ako mahilig na magsasama sa mga ganyang okasyon diba?” pagpapaliwanag ko.

“Pero nami-miss kana ng Lola Margaretha mo. Alam mo naman na paboritong-paboritong apo ka ng great grandmother mo.” pangongonsensya sa'kin ni Mommy.“Sa ayaw mo't sa hindi, sasama ka. Saka, para ma-meet mo rin 'yung ibang pinsanin mo sa Bicol pati 'yung mga pinsan mo na taga Pampangga.” dagdag pa ni Mommy.

“Mommy..”

“Camille, sumunod kana lang sa mommy mo. Bukas na bukas ay magtutungo tayo sa Bicol.” seryosong sabat ni Daddy.

Kung hindi lang talaga dahil kay Lola Marga, ay hindi ako sasama.

——

<LIBMANAN, CAMARINES SUR>

Makalipas ang halos isang oras lang na biyahe sakay ng eroplano ay narating narin namin ang isang Barangay dito sa bayan ng Libmanan sa probinsya ng Camarines Sur. Sa Hacienda Natividad ginanap ang reunion naming pamilya.

Pagkababa palang ng van na sinasakyan namin mula sa Pili patungo dito sa Hacienda Natividad ay namangha na ako sa kakaibang ganda ng paligid. 'Di hamak na mas malaki ito ng limang beses kaysa bahay namin sa Las Piñas, may malawak na hardin at parang pwede ka maglaro ng soccer or football sa lawak nito, may magagandang bulaklak sa buong paligid, meron ding fountain na matatagpuan sa pagpasok palang sa malaking gate.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng sukbit kong bag-back at saka nag-selfie, sabay post sa Instagram at Facebook na may caption na 'Welcome Camille Xain Espinosa to Hacienda Natividad'.

“Camille, tama na 'yan. Tulungan mo nalang si Uncle Lorenzo mo na ibaba 'yung dala mong maleta.” utos sa'kin ni Mommy. Si Tito Lorenzo ay pinsan ni Mommy.

“Ok.” tipid kong sagot at agad na binuksan ang likurang bahagi ng van upang ibaba ang small size na maleta na naglalaman ng mga damit ko. Hanggang Tuesday lang naman kami dito, two days lang akong a-absent. At gusto ko naman 'yun, kasi ligtas ako sa AP subject.

“Maray man at nag-abot na kamo. Madya, magkakan na muna kamo. (Mabuti naman at dumating na kayo. Halika, kumain na muna kayo.)” saad ng ginang na sa tingin ko ay nasa late 40's na, nang sumalubong sa'min.

“Camille, bumati ka sa Auntie Felicia mo.” mahinahong utos sa'kin ni Mommy.

“Magandang araw po.” magalang kong pagbati saka ako nagmano kay Auntie Felicia.

“Oh! s'ya na ba 'yung aki nindo na sadit pa kagto? aba, magayunon man kaya. (Oh! s'ya na ba 'yung anak ninyo na maliit pa noon? Aba, ang ganda naman).” nakangising saad ni Tita Felicia habang nakatitig sa'kin and to be honest, kanina ko pa hindi naiintindihan ang sinasabi n'ya. Wala kasi akong alam sa ibang local dialect.

“Iyo. (Oo).” nakangiting sagot naman ni Mommy saka hinaplos ang buhok ko.

“Ay sa dakulaon na baga. Hilinga man ta ka-look a like n'ya ang saiyang Lola Margaretha noong dalaga pa. (Ay ang laki na. Tignan mo at ka-look a like n'ya ang kanyang Lola Margaretha noong dalaga pa.)” nakangiting muling saad ni Tita Felicia. Huh? ka-look a like ko daw si Lola Marga?

“Carbon copy ba?” natatawang sabat naman ni Daddy.

Si Lola Margaretha ay ang Lola ng mommy ni mommy. In short, Lola Margaretha is my great grandmother.

Agad na kaming pumasok sa loob ng Hacienda kung saan tumambad sa'kin ang napakalawak na sala na kasya kahit sampong pamilya na may sampo ring miyembero bawat isa. Makikita ang ilang antigong kagamitan sa paligid tulad ng telepono na hindi di-pindot, ang malaking orasan na tumutunog tuwing alas-dose ng madaling araw, ang lamp-shade na yari sa yantok ang katawan nito at marami pang iba.

“Kayo, mag-Hello kayo sa pinsan n'yo.” rinig kong utos ni Tita Felica sa grupo ng kadalagahan at kalalakihan na tila may sariling mundo nagki-kwentuhan sa may kabilang dako ng sala.

Unang lumapit sa'kin ang babaeng sa tingin ko ay mas matanda lang ako ng kunti lang naman. Naka-white off shoulder s'yang blouse, kapares ang black na jeans at saka flat shoes.

“Hi Ate Camille, bistado mo pa ba ako? ako 'to si Cloudine. Inut ta kang nakilala kagtong nagduman kami ni Dad sa 15th Birthday mo, last year. (Hi Ate Camille, kilala mo pa ba 'ko? ako ito si Cloudine. Una kitang nakilala noong nagpunta kami ni Dad sa 15th Birthday mo, last year)” nakangiting saad ni Cloudine, pero tanging Dad, 15th Birthday at last year lang ang naitindihan ko.

“What did you say? pasensya na, pero hindi kasi ako nakakaintindi na salitang Bicol.” mahinahong pagkakasabi ko.

“Sabi n'ya, kung natatandaan mo pa ba daw ba s'ya.” rinig kong boses ng isang matandang babae kaya agad akong napalingon. Ang nagsalita ay isang matandang babae na mukhang hindi nalilipasan ng ganda at naka-pustura parin sa edad na siyam-naput-pito (97) hawak ang kanyang tungkod. Naka-suot ito ng simple grey blouse at long pants, namumuti din sa liwanag ang suot nitong kwintas na perlas at onyang donya ang kanyang datingan. Siya ay walang iba kundi si..

“Lola Margaretha!” masayang sambit ko at agad na tinungo ang kinaroroonan n'ya at agad s'yang niyakap.

“Kamusta kana aking Apo? kay tagal kitang hindi nakita.” saad ni Lola Marga.

“Ayos lang po, I miss you Lola.” saad ko at muling niyakap ang aking Lola sa tuhod.

“Namiss din kita, apo ko. Payakap nga ulit sa nagdadalaga kong apo.” malambing na pagkakasabi ni Lola Marga na yakapin n'ya muli ako.

Nahagip naman ng peripheral vision ko ang mga pinsan kong ang sama ng tingin sa'kin. At para bang naiinis sa closeness namin ni Lola Marga.

Halik sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon