KABANATA 5

60 6 0
                                    

YEAR 2021

CAMILLE (MARGARETHA) POV:

Hindi ko parin batid kung paano at bakit kami nagkapalit ng katauhan ng aking apong si Camille, ngunit kailangan ko munang magpanggap na ako talaga si Camille hanggang sa makabalik kami sa mga dati naming katawan. Nakakapagtaka din na tila hindi napapansin ng aking mga apo ang katawan ko na magdamag ng natutulog. Tila ay balewala lang sa kanila, ni wala man lang nakakapansin na ang haba na ng naitulog ng katawan ko.

Pagdating dito sa bahay nila Camille ay agad ko ng tinungo ang silid ng aking apo. Malinis at maaliwas ang kanyang silid na napapalibutan ng mga desenyong paru-paro ang pader ng kanyang silid. Organized din ang mga gamit n'ya magmula sa mga libro, sapatos, damit at kung ano ano pa. Nakakatuwa talaga 'tong apo ako.

Kinabukasan..

“Camille, matagal ka pa ba d'yan? Male-late kana.” rinig kong tawag ni Carol sa anak nila.

“Sandali nalang, ako'y palabas na.” mahinahon kong sagot at agad ng sinukbit ang bag-pack ko at handa ng pumasok sa eskwela.

[FLASHBACK]

Habang inililibot ko ang aking paningin sa loob ng silid ng aking apo, naisipan ko rin na tignan ang laman ng bag-pack n'ya na s'yang gamit n'ya sa eskwela. Natutuwa akong marami s'yang mataas na marka sa mga pagsusulit nila. Ngunit ang nakaagaw ng aking atensyon ay ang mababang grado ng aking apo pagdating sa history o aralin panlipunan. Kaya naman ay napailing na lamang ako.

[END OF FLASHBACK]

——

“Hey Camille!” agad na bati sa'kin ng dalagita na todo pustura ang kanyang mukha.

[FLASHBACK]

“Sila naman po ang mga kaibigan ko Lola Marga, yung naka-peace sign po na kulay ombre violet ang buhok ay si Eloisa habang 'yung naka-finger heart naman na naka-full bangs at curly ang dulo ng buhok ay si Aldrich. Sila po ang mga matatalik kong kaibigan at kaklase magmula po elementary to highschool.” pagki-kwento at pagpapakilala ni Camille sa kanyang mga kaibigan ng ipakita n'ya sakin ang larawan sa cellphone n'ya.

[END OF FLASHBACK]

“Maaari bang tanggalin mo ang iyong pustura? sapagkat ito'y hindi nababagay sa'yong batang edad. Makakasira lamang 'yan sa iyong balat. Isa pa, pumasok ka sa paaralang ito para matuto at hindi para magpaganda.” puna ko sa dalaga, kay Eloisa.

“Huh? ang weird mo ngayon ah, ikaw kaya ang isa sa nagturo kay Eloisa kung paano mag-make up.” sabat naman ng isa pang babae, si Aldrich. Hindi na lamang ako nakipagtalo pa, naalala kong katawan nga pala 'to ng apo kong si Camille.

“Sige, mauna na ako sainyo. Baka mahuli pa ako aking klase.” malumanay kong pagkakasabi at agad ng humakbang.

“Camille, hindi d'yan papunta ang classroom natin.” saad ng babaeng nakapustura. Agad naman akong napatigil.

ELOISA POV:

Habang naglalakad kaming tatlo patungo sa room ay hindi namin maiwasan ni Aldrich na tignan si Camille habang nasa unahan namin na naglalakad, alam ko kung anong nasa isip ni Aldrich at ganun din ang nasa isipin ko. Ang wierd ngayon ni Camille, nakakapagtaka din na hindi n'ya kami binati kanina kahit nakita n'ya na kami. Pati narin ang paraan ng pagsasalita n'ya na mahinahon at ang kilos n'ya, parang hindi makabasag pinggan. Nakakapanibago.

Pagdating sa room ay nakatayo lamang s'ya habang nililibot ang tingin sa buong classroom kung kaya't nagtinginan kami ni Aldrich.

“Wala ka bang balak na umupo? nagpapatangkad ka ba? eh ang tangkad mo na nga.” sarcastic na tanong ni Aldrich agad naman s'yang tumingin sa'min.

“Ito pala ang ang classroom ng aking apo.” nakangiting saad n'ya. Wait, what did she say?

“What?!” gulat na tanong ko.

“A-Ah! A-Ang ibig kong sabihin, mas mabuti ngang maupo na tayo.” nakangiting pagkakasabi ni Camille at agad ng naupo ngunit sa maling upuan.

“Camille, hindi d'yan ang upuan mo. Doon sa kabilang raw tayo. Upuan 'yan ni Kenzie.” puna ko, at agad naman s'yang tumayo. She's acting so weird na talaga.

“Camille, umamin ka nga naka-droga ka ba?! bakit ang weird mo ngayon?” seryosong tanong ko ng maupo na kami sa upuan namin. Hindi naman s'ya kumibo.

“Good Morning Class.” pagbati ng AP teacher namin na kakapasok lang sa room kaya sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan.

“Good Morning, Ma'am Tolentino.” pagbati naman namin.

“Bago tayo magsimula sa next topic natin. Gusto ko lang itanong kung meron bang nakaalala sa napag-aralan natin kahapon tungkol sa Death March. Anyone?” seryosong tanong ni Ma'am at agad kaming nagsipagbuklatan ng mga notebook namin upang basahin ang mga naka-take down notes.

“Yes, Ms. Espinosa.” pagtawag ni Ma'am Tolentino kay Camille. Teka, did she raised her hands?! WTF!

Halos mapatingin kami kay Camille ng tumayo ito mula sa kinauupuan n'ya. For the first since we were in Elementary ngayon lang nag recite si Camille sa subject na AP, Hekasi o Makabayan, dahil talagang ayaw n'ya sa subject na 'yun.

Lahat kami ay nakatangga sa kanya, inaabangan ang magiging sagot n'ya.

“The Bataan Death March was the forcible transfer by the Imperial Japanese Army of 60,000–80,000 American and Filipino prisoners of war from Saysain Point, Bagac, Bataan and Mariveles to Camp O'Donnell, Capas, Tarlac, via San Fernando, Pampanga, where the prisoners were loaded onto trains. The transfer began on April 9, 1942, after the three-month Battle of Bataan in the Philippines during World War II. The total distance marched from Mariveles to San Fernando and from the Capas Train Station to Camp O'Donnell is variously reported by differing sources as between 60 and 69.6 miles (96.6 and 112.0 km).” sagot ni Camille.“Differing sources also report widely differing prisoner of war casualties prior to reaching Camp O'Donnell: from 5,000 to 18,000 Filipino deaths and 500 to 650 American deaths during the march. The march was characterized by severe physical abuse and wanton killings. After the war, the Japanese commander, General Masaharu Homma and two of his officers were tried in United States military commissions on charges of failing to prevent their subordinates from committing war crimes.” pagpapatuloy ni Camille, dahilan upang bumilib sa kanya ang buong klase maging si Ma'am Tolentino.

“Excellent, Ms. Espinosa. You may sit down.” nakangiting pagbati ni Ma'am Tolentino kay Camille at agad na nga 'tong naupo.

“Naniniwala na talaga akong naka-droga ka.” biro ko pa kay Camille.

“Mamaya na lamang tayo magpalitan ng ating kuro-kuro, sa ngayon ay mas makakabuti kong makikinig tayo sa sinasabi ng ating guro.” seryosong pagkakasabi ni Camille.

YEAR 1950

MARGARETHA (CAMILLE) POV:

“Mahabaging langit! ano't ganyan na naman ang iyong kasuotan. Napakalaswa at hindi kaaya-aya. Magpalit kana bago ka pa maabutan ng iyong ama't ina.” punang muli ni Salvacion ng muli akong magpalit ng damit, ngayon ay naka-crop top na 'ko.

“Chill ka lang kasi d'yan Salvacion, fashion ang tawag dito.” nakangising pagkakasabi ko habang nakaharap sa malaking salamin at pinagmamasdan ang aking sarili.

“Pero Binib---

“Ok, magpapalit na ako. 'Yung off-shoulder na lang, parang mas bagay 'yun sa'kin eh.” nakangiting saad ko saka ako kumindat kay Salvacion.

“Binibi----”

“Just kidding.” natatawang pagkakasabi at naglakad patungo sa silid ni Lola Marga na animoy nagka-catwalk.

Halik sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon