Pababa pa lang ako sa hagdan ay naririnig ko na ang ala malakas na boses ni Kyle.
"Good Morning!" Bati ko sa kanila.
"Good morning din!" Sagot ni Kyle. Tinanguan lang ako ni Ken at si Kervin naman ay ngumiti. Nakauwi na pala si Xander.
Pupunta sana ako sa kusina nang tawagin ako ni Ken. Lumapit ako at noon ko lang napansin ang mga gamit na nakakalat sa mesa.
"Kunin mo na ang gusto mong kunin." Napa-tingin ako kay Xander na abalang kumakain ng banana chips at naka-tingin sa tv.
Malamang ay pasalubong niya ang mga ito. Naisip ko na wala naman sigurong masama kung kukuha ako. Di naman siguro niya isusumbat sa kin ang mga to kapag nag-away kami. Isa pa siya naman ang nagsabing kumuha ako.
Kumuha ako ng strawberries tsaka peanut brittle. Kumuha din ako ng tinapay tsaka banana chips. Iaakyat ko mga to sa kwarto.
"Okay na to. Salamat ha." At tumalikod na ko.
"Yung blue na shirt." Napalingon ako sa kanya.
"Uhm.. di ko naman kinuha."
"Engot. Sayo yun. Kunin mo na." Langya. Tawagin daw ba kong engot. Di bale na. Papalampasin ko na muna sa ngayon dahil may pasalubong naman siya. Hehe
Kinuha ko na yung naka-tuping damit at umakyat na ko sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama at inilapag doon ang damit. Lumapit ako sa personal ref at ipinasok doon ang mga pagkain. Pagkasara ay may nahagip ang mga mata ko.
Sulat. Malapit siya doon sa pintong salamin papunta sa maliit na terrace sa likod. Pinulot ko yun at binuksan.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.
STAY AWAY FROM HIM BITCH!!!
Computerized ang mga letra nito.
Agad ko iyong itinapon sa trash bin ko. Siguro ay may nanti-trip lang sa kin. Maliligo na lang ako.
***********-**********
Usap-usapan ngayon ang nalalapit na camping ng mga third year. Excited kaming lahat syempre.
"Hindi ko kakalimutan yung mosquito repellant lotion ko nun." Sabi ni Yuna.
"Wow ha. Camping tapos mag-iinarte ka." Pang-aasar naman ni Lian.
"Mas mabuti na yung sigurado no. Mamaya ma-dengue pa ko." Ako naman ay natatawa na lang sa usapan nila.
"Eh ikaw Daniel? Anong dadalhin mo?"
"Uhm.. balak ko sanabg dalhin yung psp kaso baka walang outlet dun, so.. wala. Mga necessities lang."
"Yo!" Sabi ni Ken sa min. "What's up?"
"Pinag-uusapan lang namin yung tungkol sa camping." Sabi ni Lian na nag-iba yung ngiti. Tinignan siya ni Ken at tinanguan sabay ngiti.
Siya namang pagbaling nito sa kin.
"Ah ganun ba. Nga pala, Daniel sabay ka na sa min sa pagbili ng gagamitin para sa camping ha."
"Kailan?"
"Wala pang date. Pinag-iisipan pa. Para sana sabay-sabay na tayong lima."
"Tignan ko muna."
"Oh sige. Siya. Una na ko. Pumunta lang talaga ko para tanungin ka. Pakisabi rin kay Kyle di na ko papasok. May pupuntahan ako eh. Una na ko ha." Tapos ay tinignan pa nito ulit si Lian na naka-tingin din sa kanya.
May something ba sila? Hmm..
************-**********
Pagkatapos ng klase ay niyaya ako ni Kyle na pumunta sa mall. Sabi niya ay ngayon na daw kami bumili ng gamit para sa project namin sa Arts. Tinanong namin si Kervin kung hindi pa sila sasabay nung si Zandra na bumili ng gamit. Hindi pa daw dahil gumagawa pa ng paraan ang babae para mapakiusapan ang prof namin na si Xander na lang ang partner nito. Palibhasa ay patay na patay ito sa mayabang na lalaki.
Ayoko pa sanang bumili kaso ay gusto na ni Kyle. Katwiran niya ay para maaga kaming matapos at kung may kailangan pa kaming ayusin ay hindi kami magagahol sa oras. Kahit pala madalas na isip bata itong si Kyle ay nagiisip rin ng matino paminsan-minsan.
Habang namimili kami ng mga gamit ay nakasalubong namin si Georgina Ferrer ng ibang section.
Kilala siya sa campus dahil sa pinagsamang kaprangkahan at kamalditahan niya. Pero hindi naman siya madalas ganun. Sa katunayan ay bali-balita rin na friendly siya at hindi mahirap pakisamahan.
"Hi! Ikaw si Kyler Cedric Mendez ng 3-A diba?!" Enthusiastic na tanong niya sa min.
"Oh bakit?" Walang anumang sabi ni Kyle.
"Crush kita!! Matagal na!! OMG!! Akalain mo yun?! Dito pa tayo sa mall magkikita.. pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana!! Pa-picture naman!!"
ANO DAW?!!Grabee.. di ko expect sasabihin niya yun!
Ang lakas ng loob niya para magtapat!!
Kinuha niya yung cp niya at inabot sa kin. "Miss pa-picture naman kami ni Kyle please." At kumapit siya sa braso ng gulat na gulat na si Kyle tsaka ngumiti.
"Teka nga!!" Pasigaw na sabi ng kasama kong lalaki na halatang naiirita. Tinanggal nito ang kamay ni Georgina sa kanya.
"Oh bakit?" Naka-ngiti pa rin siya. Parang hindi man napahiya kay Kyle.
"Hindi nga kita kilala eh! Bigla-bigla ka pa man ding lumilingkis!"
"Walang problema! Magpapakilala ako. Ehem.. My name is Georgina Ferrer. Only daughter of Ramon and Mia Ferrer. Single but not available because from this day on, I proclaim myself the future wife if Kyler Cedric Mendez!"
"What?!!"
"You heard it all right Kyler baby. I am now your fiancee!" At humawak ulit sa braso nito
"Are you insane?!" Sabi pa ni Kyle habang pilit na kumakawala kay Georgina.
Langya. Mabangis pala to. Nakahanap ng katapat ang loko.■
BINABASA MO ANG
My Confused Heart
Teen FictionYou were required to live in a house with four guys each with different characters and worse is that you're the only girl. What are you going to do? Would you choose to go back and live a simple, non-complicated but boring and lonely life, or... Wou...