"Ito na lang para pare-pareho tayo tapos iba-iba na lang ng kulay." Suggestion ni Kyle habang bumibili kami ng mga bag.
Naka-upo kami ni Xander sa magkabilang dulo ng upuan. Medyo hindi halata na inis kami sa isa't-isa.
"Sige ganyan na lang sa kin. Kulay violet." Si Kervin na abalang nakatingin sa dslr niya. Lagi siyang nakatutok dito pag hindi libro ang hawak niya.
"Green sa 'kin." Segunda ni Ken at saka tumingin sa min ni Xander.
"Orange. Eh kayo?" Tanong ni Kyle.
"Blue." Jeez. Nagtinginan kami.
"Nauna ako." Sabi ko ng nakataas ang isang kilay.
"No. I said it first."
"Ako kaya. Akin ang blue."
"Ako'ng nauna kaya sa kin yun mapupunta."
Nagsalita na si Ken.
"Guys, take it easy. Pwede namang pareho kayo.""NO!!!" sabay ulit naming sigaw ni Xander.
"Fine. Wala na ko sinabi."
"Akin yun. Di ka pwedeng gumaya." Paguumpisa na naman niya.
"Duh!! As if naman gusto kong magkapareho tayo. No way!"
"Then choose a different color."
"Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw ang pumili!"
"Then I choose blue."
"What?! You can't!!"
"I just did."
"That's not fair!"
"What's not fair? Ikaw mismo ang nagsabi na pumili ako."
"Wala akong sinabing ganun!" Binalingan niya ang tatlo.
"You heard her, right?" Sumang-ayon sila.
"Give me the blue one." Sabi ni Xander sa saleslady at saka tumingin sa 'kin.
"What Xander wants, Xander gets." And he gave me his devilish smile.Inirapan ko siya at tumingin sa babae,
"May black ba kayo?"Pagkatapos naming bumili ng bag ay namili na kami ng mga babaunin naming pagkain na kakasya sa loob ng tatlong araw.
Syempre bumili din ako ng maliit na emergency light, flashlight at mga extrang battery tapos ay pumunta na kami sa cashier.
"Anong paggagamitan mo niyan?" Tanong ni Kyle.
"In case mawalan ng ilaw."
"Daniel, magca-camping tayo. For sure may bonfire dun bago sumapit yung dilim." Nakangiting sabi ni Ken.
"Hayaan niyo na. Nag-iinarte e." Sabat naman ni Xander.
"E bat ka ba nakikialam?! Magbayad ka na nga lang diyan!!"
Di na siya kumibo at nauna nang umalis pagkatapos magbayad.Pagdating namin sa dorm ay sinigurado kong full charge ang emergency light ko at inayos ko na rin ang mga dadalhin ko.
**********-**********
Papunta na kami ngayon sa camping site. Katabi ko sa bus si Kervin. Sa kabila namang upuan sina Ken at Kyle at sa likuran nila ay si Xander na mag-isa. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang naka-headset.Umayos ako ng upo at niyakap ang dala kong unan. Tumingin na lang din ako sa labas ng bintana dahil inaantok ako. Sa sobrang excitement ko ay maaga akong gumising kanina. Gusto ko mang kausapin sa Kervin ay nahihiya ako dahil abala siya sa pagtingin sa slr niya. Sumandal na lang ako at saka pumikit.
BINABASA MO ANG
My Confused Heart
Teen FictionYou were required to live in a house with four guys each with different characters and worse is that you're the only girl. What are you going to do? Would you choose to go back and live a simple, non-complicated but boring and lonely life, or... Wou...