Chapter 9

29 1 0
                                    

Psh. Pag minamalas ka nga naman. Kaklase ko pa mga housemates ko. Kaka-sawa pagmumukha nilang napaka-gwapo lalo na tong si Xander. Sila na nga nakikita ko sa bahay sila pa sa room.

Napaaga nga dating namin ni Kyle eh. Sumabay na ko sa kanya.

"Excited ka ba? Ha? Ha? Exciting no? first day of school. New teachers. New rooms. New classmates. Okay sa alright! haha" sabi ni Kyle na kinukulit na naman ako.

Sa right side ko pa talaga siya umupo. Ewan ko lang kung makakapakinig ako ng maayos sa mga teachers neto. Hayyy.

Ewan ko ba dito bat ako yung kinukulit. Meron naman kaming mga kaklaseng babae na kanina pa siya kinakausap pero di naman niya pinapansin. Sana kasi dumating na si Ken para siya na lang kulitin neto. Kaso mukhang matatagalan pa dahil tulog pa siya nung umalis kami sa bahay.

Si Kervin at Xander ay sabay na dumating yun nga lang malaki ang pagitan ng mga napili nilang upuan.

Si Kervin ay naupo sa harap ng teacher's desk habang si Xander ay pumwesto sa sulok sa likuran.

Ginagawa niya ngayon?

Ayun.

Nakatingin sa labas ng bintana.

Nagmo-moment of truth ang loko.

Napatingin siya sa kin tapos ay tinaasan ako ng kilay.

inirapan ko siya at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

"Uhm.. Excuse me. Is this seat vacant?" may nagtanong sa kin tungkol sa upuan sa left side ko.

"Yes it is." sagot ko nang hindi man lang lumilingon.

Aba! busy ako no.

Naglalaro akong soul calibur sa psp ko eh. hehe

"And our seats will be vacant too if you sit down there." angil ni Kyle. Napatingin ako sa kanya.
Problema neto?

Tinignan ko nagtanong.
Whoa!! Ang wafuuuu!! \(♥o♥)/

Pero syempre kunyari di ako tinamaan ng charm niya. wahahaha

"Hindi nagbibiro lang siya."

"No I'm not."

"Sige upo ka na."

"Salamat ^_^"  whaaaah!! lalo siyang gumwapo nung ngumiti siya!!

Buti na lang talaga di ko sinungitan. hehe

"Good morning class." lumakad papunta sa desk yung teacher na kakapasok lang at ibinaba ang bag niya. "I'm Miss Matilda Garcia and I will be--"

Naputol yung pagsasalita ni ma'am nung biglang pumasok si Ken.

"Sorry I'm late."

"Take your seat." taray ha. Menopause lang ang peg?

Umupo si Ken sa tabi ni Xander.

"As what I'm saying a while ago, I will be your teacher in english for the whole sem. Now get 1/4 sheet of paper and write your full name together with your age, what branch of Angelique High you came from and your expectations in this class. Pass it forward after 10 minutes. Start now."

Badtrip. Dami pinapagawa. Ayoko pa naman ng maraming sinusulat.

Inilabas ko yung 1/4 ko.

Uy.Uy.. feeling girlscout aketch. hehe

"Can I have one?" tanong sa kin ni pogi.

"Ah-Sure!" Basta ikaw! dagdag ko pa sa isip ko.

Gusto mo ako na magprovide ng papel mo for the whole sem eh. hahaha

Syempre joke lang yun.

Ano ako? sugar mommy.

Pumunit ako ng isa at nabigla ako nung agawin sa kin ni Kyle yung papel.

"Me first. Wala akong papel eh."

Ay? Kailangan bang mang-agaw? Tss.

Pumunit ulit ako ng isa.

"Het--" O.O

Nabigla ako nung inagaw ulit ni Kyle yung papel.

"Kyle ba--"

"Si Ken walang dalang papel." sabat niya tsaka pinapasa sa mga kaklase namin yung papel papunta kay Ken.

I can't believe him.

Kumuha pa ako ng isa at -- O-O

"Kyle! Ano ba?! Sino pang bibigyan mo?!"

"Itong katabi ko. Wala siyang papel." at inabot sa babae yung 1/4.

"Ahh.. may papel ako." sagot neto.

Tinignan ko siya ng masama pero parang wala lang sa kanya yung ginawa niya. Inagaw ko yung papel at gumawi kay pogi.

"Ahm.. eto yung hinihingi mo ^_^"

"Ah.. salamat na lang pero binigyan na kasi ako ni Bianca eh." ⊙▽⊙

KYYYYYLLEEEEERR!! AAAARRGGH!!

My Confused HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon