Unang araw ng klase nina Gabb at Cole sa Georgeville University kung saan pagmamay-ari ito ng kanilang lolo. 7:30 na ng magising si Gabb dahil sa ingay ng kapatid nyang si Dana. "Hoy gabo! Bumangon ka na dyan! Malelate na kayo ni cole" sigaw nya sa kapatid nya."Ate dana naman eh 5minutes pa" reklamo nito at muling pumikit "haynako bilisan mo na dyan gabo nagaantay na si cole sa baba" sambit ni dana at inayos ang mga kalat ni gabb sa kanyang kwarto "oo na! ate naman kasi ih" sambit ni gabb at tumayo na para maligo. Umiling nalang si Dana sa kanyang kapatid na si Gabb dahil sa kanilang tatlong magkakapatid parang si Gabb pa ang bunso dahil sa pasaway nito.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos ng maligo si Gabb at nagmadaling isinuot ang kanyang uniporme at agad itong bumaba para kumain ng almusal kung saan nandon ang kanyang mga kapatid at magulang. "Ohh andyan ka na pala anak, halika na at kumain ka na dito" sambit ng kanyang ina at naupo sya sa tabi nito. "Pogi ng anak ko ngayon ah. Para kanino ba yan?" sambit ng kanyang ama habang natawa naman ang dalawa nyang kapatid."syempre naman daddy baka gabb to"pag mamayabang nya. "sus, torpe ka naman pagdating kay ate ella" sambit ng kapatid nyang si cole at sinamaan nya ito ng tingin."Tse! palibhasa hindi ka pinapansin ni coleen eh" ganti naman ni gabb sa kapatid."Wala akong mga anak na torpe ah, gayahin nyo itong si Ate Dana nyo oh may Jem na" pang aasar naman ng kanilang ama sa kanilang ate dana. "Daddy naman bat nadamay ako dyan" sambit ni dana "sus ate kunware ka pa eh patay na patay ka nga kay ate jem eh" pangaasar na naman ni Cole at nagtawanan naman sila. "hep tama na yan mga anak bilisan nyo na at malelate na kayo" sambit naman ng kanilang ina at nagpatuloy sila sa pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay agad na silang nagtungo sa parking ng bahay nila at sumakay sa sasakyan ni Dana dahil nagprisinta itong ihatid ang dalawa nyang kapatid bago magtungo sa opisina. "ate bilisan mo naman late na kami oh" reklamo ni cole na nasa likod "Paanong hindi kayo malelate eh tanghali na gumising tong si gabb" pag rereklamo ng kapatid nilang si Dana "edi ako na, saka first day pa lang naman ah okay lang yon" sambit ni gabb at binatukan naman sya ng ate dana niya "aray naman ate dana" "hoy ikaw gabo, wag kang pasaway ha. Hindi porket si lolo ang may ari ng school ay maghahari harian kayo ni cole dun" litanya ng nakakatandang kapatid "si ate gabb lang pasaway kaya, nadamay na naman ako" reklamo ni cole "parehas kayong pasaway" at tumawa naman ang kaniyang mga ate.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa harap na sila ng University "ate hindi ka muna ba sasama samin para Makita mo si lolo?" tanong ni gabb habang inaayos ang kanyang uniporme "hindi na sa susunod nalang, sya sige na mauna na ako sainyo. Wag kayo pasaway ha" sambit ni Dana at tumango nalang bilang sagot ng dalawa nyang kapatid.
Sa hallway palang ay pinagtitinginan na ang magkapatid na si Cole at Gabb dahil sa kilala nga ang kanilang pamilya idagdag na dito na parehas silang magandang pogi.
Bago sila magtungo sa kanilang mga klase ay nagtungo muna sila sa cafeteria rinig na naman ang mga tilian ng mga kakabaihan dahil kina gabb at cole lalo na kay gabb dahil panay ang gulo nito sa kanyang buhok. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay may biglang umakbay sa dalawa. Si jaydee ang pinsan nila. "Grabe talaga kayo dalawa e mga head turners" sambit ni jaydee at ikinatawa ito ng magkapatid "syempre naman nasa lahi natin yan eh" natatawang sambit ni cole at umiling iling nalang si Gabb. "nga pala, nagimbita sina ate ecka mamaya" sambit ni jaydee "where?" maikling tanong ni gabb na busy sakanyang phone. "sa bar daw ni ate belle, kasama ang mga shonda" at tumango naman si gabb at cole. "G! Sasama ko si ella" sambit ni gabb at lihim namang napangiti si jaydee at cole.
Nagpunta na si Gabb at Jaydee sa Engineering building. Naglalakad lang sila ni jaydee ng may biglang babaeng sumulpot sa kanilang harapan. "Hi gabb" bati ng babae. "Hi" maikling sagot ni gabb at samantalang si jaydee ay nakabusangot si gabb lamang ang binati ng babae. "I'm Kaycee btw" inabot nya ang kamay ni gabb at tumango lang ito. Sa isip ni gabb ay maganda naman si Kaycee ngunit si ella lang talaga ang kanyang gusto. "ahh sige Kaycee, mauna na kami ni gabb hehe" singit ni jaydee at hinila na niya si gabb. Nang makalayo sila muling nagsalita si jaydee "grabe ganda nung Kaycee noh?" sambit nya habang sinisiko nya si gabb. "yeah, but she's not my type" gabb said at muli na namang napatawa si jaydee "sus dahil si ella talaga type mo noh? Ngiting sambit nito at si gabb naman ay namula dahil sa sinabi ni jaydee. "hoy ngiting ngiti ka ngayon, mukha kang unggoy dyan hahaha" pang aasar ni jaydee at binatukan naman ito ni gabb.
"Teka, eto na yung room naten oh" sambit ni jaydee at hinila ang uniporme ni gabb dahil hindi nito napansin na nasa tapat na sila ng room "bitaw nagugusot kaya yung damit ko!" inis na sambit ni gabb ay natawa nalang si jaydee. Good thing dahil wala pa silang prof at naupo sila sa pinakadulong upuan. Ilang minuto ang lumipas at dumating na din ang prof nila. Tulad ng nakasanayan tuwing unang araw ng klase puro introduce yourself lang ang naganap.
Mabilis natapos ang unang klase nila at kasalukuyang naglalakad na sila para sa susunod na klase ng makasalubong nila si Cole kasama si coleen at frances. Tiningnan lang ni gabb si jaydee ng nakakaloko dahil alam niyang gusto ni jaydee si frances "ohh cole anong ginagawa nyo dito sa engineering building?" tanong ni jaydee "ahh kakausapin ko lang si ate gabb" sambit ni cole at inakbayan si gabb."Why ba? Pwede mo naman akong imessage ah?" sambit ni gabb habang sina coleen naman ay pinapakinggan lamang sila. "Nakita ko kase si ate ella, may kasamang iba" bulong ni cole sa kapatid at sinamaan nya ito ng tingin "aba teka, nasan yon?!" akmang aalis na si gabb kaya hinigit nya si gabb pabalik "Joke lang naman! Hahaha wag kang magalala ate gabb. Pinapasabi nya na magkita daw kayo sa caf mamaya" muling sambit ni cole at awtomatikong napangiti si gabb. Samantalang si coleen ay masama na ang tingin kay gabb. Si coleen kasi ay matagal ng may gusto kay Gabb simula nung 1st year college pa lamang sila pero nanatili itong lihim na tanging si Frances at Brei lang ang nakakaalam.
FF
Mabilis natapos ang isang buong araw wala naman ginawa masyado dahil unang araw pa lamang. Si gabb naman ay kasalukuyang inaantay si Cole sa building nila dahil sabay na silang uuwi. Kagaya ng nakasanayan pinagtitinginan na naman si Gabb ng karamihan mapababae o mapalalaki man. Habang nagaantay sya ay bigla namang sumulpot si Amy kaibigan din sya ni cole "Hoy gabo, kamusta na?" bungad ni amy habang dinambahan ito ng yakap. "aray ko naman amy, aso ka ba kung makadamba ka eh" inis na sambit ni gabb at tinawanan sya ni amy "btw, sama ka mamaya ah sa bar ni ate ecka" pagaaya nya."oo na paulit ulit talaga kayo ni jaydee" sambit ni gabb. "oh gabo! Tara na" biglang sulpot naman ni cole at binatukan nya ito "aray ko naman! Para san bay un batok na yon" reklamong sambit ni cole at napatawa naman si amy dahil sa mukha ni cole "yang pananalita mo ha, mas matanda pa din ako sayo baka nakakalimutan mo?" saad ni gabb "oo na sorry na" sambit namn ni cole at napatawa naman si gabb "Good dog!" sambit nya at pinat ang ulo ng kapatid. Nagpaalam na sila kay amy at nagtungo na sa harap ng university dahil susunduin sila ni Dana
--
Hi ebriwan!
short UD po muna hehe
Stay safe y'all
YOU ARE READING
Book 1: LOVE OR CAREER
FanfictionGabb and Ella are childhood bestfriends. Gabb has a secretly inlove at Ella she is afraid to admit because she knows that Ella is focused on fulfilling her dream. Ella is a simple woman who will do everything for her dream even though she is slowly...