KINABUKASAN
8am ng umaga nang magising si Gabb late na din naman sya kaya hindi na sya nagmadali at napansin nya na wala na si ella sa tabi nya. Bumangon ito at kumirot naman muli ang ulo nya dahil sa hangover. Pumunta sya sa Kitchen at nagbakasaling andon si ella pero walang ella na bumungad sakanya. Halos maikot na nya ang buong unit ni ella kakahanap pero wala talaga kaya bumalik sya sa kwarto at napansin nyang may note na nakapatong sa side table. Napatawa nalang sya ng makita ang note na iniwan ni ella dahil hindi nya ito napansin agad kanina. 'Hi Goodmorning akin! Hindi na kita ginising ang himbing kasi ng tulog mo hihi. I cooked you breakfast kaya kumain ka muna bago pumasok. See you later akin!' napangiti naman sya at umiling iling sa note na iniwan ni ella.
Natapos ng maghanda si Gabb at nakaligo na din ito may extra din naman syang uniporme sa closet ni ella kaya walang naging problema. Bago sya lumabas ng unit ni ella ay chineck muna nya kung may naiwan syang nakabukas na appliances mahirap na baka wala ng uwiang condo ang kanyang bestfriend hahaha
FF
9:30 in the morning ng makarating sya sa university dalawang subject ang hindi nya napasukan kaya wala na syang magagawa kundi maghintay ng oras para sa susunod na subject nya. Habang naglalakad sya hindi na naman maiwasan ang pagbubulungan ng mga estudyante dahil sakanya hindi nalang nya pinapansin ang mga ito dahil sanay na sya na ganon.
Dumeretcho sya sa field at nagtungo sa favorite spot nya sa ilalim ng punong acacia. Gustong gusto nya tumatambay doon dahil sa sariwang hangin. Sumandal sya sa puno at ipinikit ang kanyang mata dahil kumikirot pa din ang ulo nya.
Meanwhile
Habang naglalakad si coleen sa field para hanapin si cole ay napansin naman nya ang familiar na tao na nakasandal sa puno likod palang nito ay kilala na nya kung sino ito. Nang makalapit sya ay napangiti naman ito ng makitang natutulog si Gabb hindi nya maiwasan kiligin dahil miski tulog ito ay napaka pogi pa din.
Coleen cupped Gabb's face at inayos nya ang buhok nito. Nagulat naman sya ng nakita nyang napadilat si Gabb at nginitian sya nito "baby coco naman, wag mo ako masyado titigan baka matunaw ako sige ka" natatawang sambit ni Gabb dahilan para mamula ang pisnge ni coleen kaya lalong napatawa si Gabb "Ha-a? h-hind naman kaya kita tinititigan" pagtanggi nya at 'jusko coleen kumalma ka mahahalata ka nyan eh' bulong nya sa sarili nya. "ikaw talaga, crush mo ko no?" sambit ni gabb at nagulat naman si coleen "Hindi kaya, susumbong kita kay ate ella eh" tugon ni coleen and gabb's eyes widened "B-bakit kay ella mo ako isusumbong ha?" Tanong ni gabb dahil baka nahahalata na sya ni coleen "wala kang maitatago gabb, alam ko naman na mahal mo si ate ella eh" sambit ni coco kahit na may kirot syang naramdaman sa dibdib nya. "Sus, para kang sina ate sheki eh masyado kayong maissue hahaha" tawang sambit ni Gabb and coleen chuckled "Maybe words can lie, but eyes and actions can't lie" coleen smiled bitterly and she left gabb stunned by what she said.
She said that because she can't control herself anymore because no matter what she does, whether she admits it or not, she knows that Gabb will always chooses ella.
Sa kabilang banda kasalukuyang naglalakad lakad si Ella para hanapin si Gabb,nagtungo sya sa engineering building habang naglalakad sya ay hindi nya napansin ang babaeng kasalubong nya at naging dahilan nito ang pagkatumba nilang dalawa nagulat sila pareho dahil nasa ibabaw sya nung babae kaya dali dali syang tumayo at ganon din naman ang babaeng nasa harap nya. "I'm sorry miss"sambit ng babae "No it's okay hehe. Ako naman ang may kasalanan hindi ako tumitingin sa daan" litanya ni ella at nakangiti lamang sakanya ang babaeng nasa harap nya. "Btw, I'm Gia" abot ng kanyang kamay at nakangiti pa din ito kayella inabot din naman nya ang kamay ni Gia "I'm ella" hindi maiwasan ni Gia namapatitig kay ella dahil hindi naman mapagkakaila na maganda talaga ito "A-ah sige, I have to go may klase pa ako eh. Sorry uli" sambit ni ella and she waved at Gia. Nanghinayang naman si Gia dahil hindi nya naitanong ang course nito.
YOU ARE READING
Book 1: LOVE OR CAREER
FanfictionGabb and Ella are childhood bestfriends. Gabb has a secretly inlove at Ella she is afraid to admit because she knows that Ella is focused on fulfilling her dream. Ella is a simple woman who will do everything for her dream even though she is slowly...